Chapter 42- Strange Attachment

2.6K 80 7
                                        

"Ahhhh!" Tili ko habang nakataklob ang dalawang kamay sa aking mukha at nagpipinadyak sa hangin ang aking mga paa.

Nakahiga ako ngayon sa aking kama at nagtitinili dahil sa kahihiyan na nangyari kanina. Napatili ulit ako ng maalala kung paano ako tumahan at kumalas ng yakap sa dalaga.

Nang matauhan ako ay napatingin ako sa aking paligid at nakita ang ilang maids, si Annie at Ellias na nakatingin sa aming dalawa na nagiiyakan. Dahil sa kahihiyan ay bigla akong nag teleport dito sa kwarto at nagtitinili dahil sa kahihiyan na nangyari.


"Bakit ko yun ginawa!?" Nagpagulong gulong ako sa aking kama at napapasabunot sa aking buhok. Sa dinami daming pwedeng iyakan, sa harap pa talaga ng mga tauhan ng Floûman and worse, sa harap pa ng aking mortal na kaaway na si Ellias!

Napatigil ako ng marinig ko ang katok sa pintuan.

"Miss Laythildia, nandiyan ba kayo sa loob?" Boses ni Annie habang patuloy pa rin sa pagkatatok.

Napaayos ako ng upo at nag cast ng mahika upang maayos ang magulong higaan at aking buhok at kasuotan. Nang matiyak kong hindi na magulo ay umayos ako ng upo at humarap sa pinto.

" Yes, I'm here." Balik na sabi ko sa dalaga.

"Thank goodness! Kala ko ay kung saan kana napunta," rinig ko ang ginhawa sa boses nito.

"Pinabababa ka na po nina Duke Agner at mag hahapunan na, hinihintay ka na nila sa hapagkainan."

"Just a minute!" Mabilis na sabi ko rito at pumunta sa salamin saka tiningnan ang itsura. Nang makita kong ayos na at hindi na namumula ang aking mga mata at ilong ay lumakad ako sa harapan ng pinto at huminga ng malalim, iniiwasang maalala ang kahihiyang nangyari kanina.

"You're here." Nakangiting bungad ni Duke Agner na nakaupo na sa unahan ng lamesa kung saan umuupo ang may mataas na posisyon mansyon na ito. Nakita ko ring nakaupo sa kanang bahagi ng lamesa si Lord Ellias at ang dalaga na niyakap at iniyakan ko. Hindi na siya nakaupo sa wheelchair pero kita ko na may parang seatbelt siya na nakapalibot sa kanyang baiwang na nakakonekta sa upuan. Parehong nakatingin saakin ang mga ito na ikinaiwas ko ng tingin, ramdam ko ang pamumula ng aking buong mukha.

"Thank you for inviting me." Magalang na sabi ko at umupo sa upuang hinila ng isang maid at yun ay nasa kaliwang bahagi ng lamesa, katapat nang upuan ni Ellias.

"Hoho, while we waiting for the foods, Ella introduce yourself  to our guest." Magiliw na saad ng Duke sa dalagang nakaupo katabi ni Ellias.

"My name is Ellaine Summerhart Floûman, younger sister of my brother Ellias and the lady of the House Floûman. It's a pleasure to meet you, Miss Laythildia" Magalang na pagpapakilala nito na kahit hindi siya nakatayo ay hindi ka maooffend. Napaka graceful ng kanyang pananalita at paggalaw. Sobrang hinahon. Sobrang sarap sa pandinig.

Pero kahit hindi na siya magpakilala ay kilala ko na siya. Napakilala na siya saakin ni Annie habang naglalakad kami patungo dito sa dining room at nasabi niyang nakababatang kapatid ito ni Ellias sa ama kaya iba ang kulay nang kanyang buhok kumpara sa Duke at tagapagmana nitong si Ellias.

Isang commoner at street dancer ang kaniyang ina, habang ang ina naman ni Ellias ay kapatid ng Duke ng Northern region. Pareho ng ulila ang dalawa sa kanilang mga magulang dahil sumakabilang buhay na ang mga ito noong sila ay mga bata palang, miski ang kanilang ama na sana ay tagapag mana ng kaharian ng Floûman ay sumakabilang buhay na rin dahil sa nagdaang giyera. Pero kahit na iba ang kanilang ina ay mahal nila ang isa't isa bilang tunay na magkapatid.

Kaso ay hindi nasabi saakin ni Annie kung bakit naka wheel chair ang dalaga dahil nakarating na kaagad kami sa dining room.

Nagpakilala rin ako dito kahit na nahihiya pa rin ako sa nangyari at buti nalang ay kaagad na dumating ang pagkain. Habang kumakain ay pinagmamasdan ko ang mukha ng magkapatid at masasabi ko ngang magkapatid sila dahil ang ilang bahagi ng kanilang mukha ay magkahawig at pareho rin ang kulay ng kanilang mga mata pero mas kulay ginto at detalyado parin ang mata ni Ellias kahit napakalamig nito.

I was Reincarnated in Another World with Absorb SkillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon