Chapter 24- First Day Building

3.8K 122 5
                                        

"Here's your card and the ownership of the lot," abot sa akin ni Madam Clarita ang card at titulo ng lupa na agad ko namang kinuha.

Tiningnan ko ang mga ito, kulay gold na may white ang merchant card kung saan nakasulat ang aking pangalan at iba pang impormasyon tungkol sa akin, ganoon din sa titulo ng lupa.

"Maraming salamat, Madam Clarita," masaya kong sabi habang inabot ang bayad para sa lupa at sa pagrerehistro bilang merchant.

Nag-usap pa kami nang matagal bago kami nagdesisyong umalis.

Papunta ako ngayon sa lote kung saan ko itatayo ang candy store. Habang naglalakad, maraming bumabati sa akin, na sinuklian ko rin ng bati at ngiti. 7 AM pa lang pero maraming tao na ang nasa labas para gawin ang kani-kanilang mga gawain. Hindi pa ganoon kainit, at kahit na nasa countryside ang village na ito, hindi masakit sa balat ang araw at malamig ang simoy ng hangin hindi tulad sa pinanggalingan kong bansa, kung saan alas-otso pa lang ng umaga ay parang tinutusta ka na sa init.

I've been here for 4 months at sa pananatili ko, kilala na ako ng mga tao rito. Masasabi ko lang na napakabait at mabubuting tao ang nakatira rito. Nagtutulungan sila at itinuturing ang isa’t isa na parang pamilya. Naalala ko tuloy ang probinsya namin na kahit hindi man ganoon kaunlad, punong-puno naman nang kabutihan at pagtutulungan.

Napangiti ako nang malawak nang makita ko ang bakanteng lote. Wala na itong bahay dahil ipinagiba na ng dating may-ari bago ito ibenta sa merchant company, kaya hindi ko na kailangang linisin pa. Tiningnan ko rin ang inn na ka-opposite ng lote, medyo nasa bandang kaliwa ito at hindi mismo kapantay. Kita ko ang mga empleyado na abala at mga taong kumakain sa restaurant mula sa glass wall ng inn, may mga pumapasok at lumalabas din na customer.

“Whoa,” nasabi ko na lang. Araw-araw ganito ang eksena sa inn kaya nakakatuwa at nakakamangha. Patuloy pa rin itong tinatangkilik.

“Hindi na rin masama na naadik ako dati sa anime,” natatawang sabi ko sa sarili. Dito ko kinuha ang ideya ng ganitong negosyo, pati ang mga negosyo na itatayo ko pa in the future. ‘Wala kasi akong originality, hayst.’

Napailing ako sa naisip at humarap sa bakanteng lupa. Lumakad ako sa pinakagitna at nag-cast ng spell para gumawa ng hukay—ito ang susundan ko sa pagtatayo ng store. Sisimulan ko na kaagad ang paggawa para matapos agad.

Kahapon pa ako gumawa ng design para sa building at nakabili na rin ako ng mga materyales na ide-deliver mamayang tanghali.

Pagkatapos kong hukayin ang lupa, ginamit ko ang Earth Magic para punuin ito ng buhangin at graba. Dahil wala akong kapangyarihang kontrolin ang hangin, kaya sa halip na paikutin ito gamit ang kapangyarihan na ito, ginawa ko na lang itong parang malapot na dough gamit ang combination ng Earth Manipulation at  rare spell ng Earth Magic na Muddle Touch, kung saan kinokontrol ko ang consistency ng pagkakahalo sa pamamagitan ng kamay ko habang may dumadaloy na magic. Para tuluyang magsama-sama ang mga materyales at tumigas, ginamitan ko ito ng Fire Magic, dahan-dahan kong pinapainit ang mixture hanggang sa magsimulang tumigas na parang semento.

Habang nilalatag ko ito sa hukay, ginamit ko ang Earth Shape, isang support-type spell para gawing pantay ang base at siguraduhing walang uneven parts. At para matansya ko ang kapal nang semento ay gumamit ako ng isang gifted ability na binigay saakin ni Goddess Lisha na Magic Sight para siguraduhing pantay ang bawat sulok ng sahig at matibay ang foundation nito.

Nang maging matibay na ang foundation, sinimulan ko nang itayo ang mga poste at dingding. Gumawa ako ng mga blocks gamit ang compressed earth, pinatigas gamit ang Earth Harden, at saka inihanay ng dire-diretso.

Gumamit ako ng magic square marker, isang gifted spell na lumilikha ng glowing lines sa lupa upang itala ang eksaktong measurements nang layout ng tindahan. Sa ganitong paraan, naitayo ko ang skeleton ng tindahan nang maayos na parang may blueprint akong sinusundan.

I was Reincarnated in Another World with Absorb SkillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon