Chapter 38- Who are They?

2.7K 78 1
                                        

'Tia tingnan mo, nakakita ako ng four-leaf clover!'

'Ano naman ibig sabihin kapag nakakita ka niyan?'

'Hindi mo alam? Ibig sabihin nito ay swerte! May swerteng mangyayari sa araw na ito' Tumatalon-talon na sabi ng batang babae.

Nasaan ako? Panaginip ba ito?

Ang huli kong natatandaan ay nakikipaglaban ako sa dalawang Thunder Beast na nagpakita sa left wing ng palasyo at natalo namin ito sa pamamagitan ng pagdating nang mga reinforcement. At bago ako matulog ay ang maingay na si Adam ang huli kong narinig.

'Paano ka naman nakakasigurado na totoo ang iyong tinuran?'

Muli akong napatingin sa dalawang batang babae na nakaupo sa lupa na napapaligiran ng maraming iba't ibang kulay ng mga bulaklak, tila ba nasa isang harden sila.

'Iyon kasi ang sabi saakin ng aking kuya eh!' Sabi ng batang babae na may kulay brown na buhok.

'Hmm, sabi mo eh' Kibit balikat na sabi ng batang may kulay gintong buhok saka nilagay sa ulo ng batang babae na kausap nya ang koronang gawa sa bulaklak na ikinangiti nito.

'Bagay na bagay saiyo ang aking ginawang korona, Thallia!' buong galak na sabi nito sa kausap.

Humagikhik ang dalawang bata at hindi ko namalayan na nakangiti na din pala ako habang nanonood.

Thallia?

Sino sila? At bakit tila pamilyar na pamilyar ang kanilang presensya saakin?

Teka! paano ba ako napunta dito? panaginip nga ba ito?

Napatingin ulit ako sa dalawang bata na abala sa mga bulaklak. Kung titingnan ang kanilang kasuotan at hitsura, malalaman mo na galing sila sa mayamang pamilya, lalo na ang batang babae na may kulay gintong buhok.

'Celestia, Thallia, tumayo na kayo d'yan at aalis na tayo'  Biglang sabi ng dumating na batang lalaki.

Meron itong kulay brown na buhok at tila mas matanda ng dalawang taon sa mga batang babae. Hindi ko makita ang kanilang mga mukha pero nakasisigurado akong maganda ang kanilang wangis.

'Pero kuya, hindi pa kami tapos sa aming ginagawa'  Nakangusong sabi ng batang babae na ang pangalan ay Thallia.

'Huwag nang matigas ang ulo, Lia. Hinahanap na din si Saintess Celestia ng Punong Pari'

'Hayaan mo na, Lia. May susunod na pagkakataon pa naman. Tayo na?' sabi ng batang Celestia at hinila patayo ang batang si Thallia.

Wala ng nagawa si Thallia kundi ngumuso nalang at sumunod sa dalawa.

Hehe cute... Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang kanilang likod na papaalis pero agad ding napawi iyon at napalitan ng gulat at takot.

Biglang nag-iba ang paligid. Ang kaninang payapa at puno ng kulay na kapaligiran ay napalitan ng kagimbal-gimbal na tanawin. Mula sa mga sirang bahay na nilalamon ng apoy, mga sirang daanan na tila nabiyak at ang kulay pulang kalangitan. Tila ba may giyerang nangyayari. Nagkalat din ang mga walang buhay na katawan nang mga tao sa daan. Nakakatakot.

'Saintess Celestia, tumakas kana ang iligtas ang iyong sarili!'

Nanlaki ang aking mga mata ng biglang may sumigaw at mabilis akong napatakip ng bibig ng makita ang duguang lalaki, tila isang pari sa simbahan dahil sa kausotan nito. Pero kaagad naagaw ng babaeng may kulay gintong buhok ang aking atensyon. Si Celestia, ang batang babae kanina ay isa ng ganap na dalaga.

Nakasuot ito ng isang puting gown na fit sa kanyang katawan. Pero ang masaya at inosenteng expression nito ay hindi na mahanap sa kanyang magandang mukha, kundi ang hinagpis, takot at panlulumo nalang ang mababakas dito habang hawak hawak ang kamay ng lalaking nagpapatakas sa kanya.

Nakikita ko na ang kanyang buong mukha at ang napakaganda niyang gintong mga mata na lumuluha.

'Paano ko maaatim na lumisan at maging ligtas kung alam kong hindi ko kayo maisasama!?' Tumatangis na sabi niya saka inilibot ang paningin sa paligid.

'Huwag mo ng isipin pa ang iba kundi ang iyong sarili, marami kanang nagawa para sa ating kaharian at sa mga mamayan nito. Umalis kana at sa tamang panahon ay iyo kaming ipaghiganti at sagipin. Tiyakin mo lamang na ikaw ay ligtas at handa na sa araw na iyon' Huling sabi ng lalaki bago ito bawian ng buhay.

Mas lalong naghinagpis ang babae dahil sa narinig at nasaksihan. Lumuhod ito ng maayos at nagdasal, pinapanalangin ang kaluluwa ng lalaking yumao. Kita ko kung paano umilaw ang kanyang katawan nang kulay ginto, napakagandang kapangyarihan. Punong-puno ito ng purong divine magic at napakaganda niyang pagmasdan dahil doon.

Nanlaki ang aking mga mata at napasigaw nang makitang may demonyo na sumugod sa kanya, may katawan itong pang tao pero meron itong sungay at matitilos na ngipin at kuko. Kakaiba din ang kulay ng balat nito dahil kulay itim at pula ito, miski ang kanyang mga mata. Malaki ang ngiti nito sa labi habang papasugod sa dalaga.

Ngunit tila isa akong pepe dahil walang kahit mahinang tunog ang lumabas sa aking bibig.

Bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa walang kamuang-muang ang babae na patuloy pa ring nagdadasal habang papalapit ng papalapit ang demonyo sa kanya.

Umawang ang aking labi dahil biglang humiwalay ang itaas na bahagi ng katawan nang halimaw sa kanyang ibaba, tila may humiwa dito at naging abo sa hangin. Napatingin ako sa may gawa nito at nakita ang lalaking may puting buhok at asul na mga mata na kaagad dinaluhan ang nagulat na dalaga.

'Saintess Celestia, wala na tayong oras para manalangin. Kailangan na nating umalis dito dahil ikaw at ang iyong kapangyarihan ang pakay ng mga Ashvitogré na ito.' Kaagad niyang hinila ang braso ng dalaga upang mapatayo mula sa pagkakaupo.

'Hellios, nagagalak akong makitang maayos at buhay ka' Mangiyak-ngiyak na sabi nito at niyakap ang binata na kaagad ring sinuklian nito.

'Tahan na aking sinta, kinakailangan na kitang ilisan sa lugar na ito ngayon din upang maging ligtas ka. Kaya kumapit sa saakin nang mahigpit.' Huli kong narinig bago umilaw ang kanilang katawan at mawala sa aking paningin.

Pero kahit wala na sila ay hindi ko pa rin magawang gumalaw. Nakatayo lang ako sa aking pwesto ng ilang minuto na tila isang estatwa.

That man. He has the same features as me...

From the hair, eyes and even presence. He is the male version of this body but more older. But the face... I looked like the girl with the golden hair named Celestia...

Naramdaman ko ang luhang naglalandas sa aking mukha at napakapit nalang sa aking dibdib ng sumakit ang aking puso... tila nangungulila sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Mabilis ko itong pinahidan at tiningna ang pwesto kung saan sila nakatayo kanina.

Who is he? No, who are they?

I was Reincarnated in Another World with Absorb SkillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon