Chapter 19- Welcome to Luna Inn

3.9K 126 2
                                        

"Welcome to Luna Inn!"

"I wish your stay will be full of happy memories."

"This way, madam."

It was the first day of the inn's grand opening, and a massive number of adventurers and tourists came to check in, quickly filling all 50 rooms. The restaurant was packed as well, dahil sa mga curious na tao na gustong makita ang buong lugar at malasahan ang mga pagkain dito.

"This place is stunning!"

"It's so luxurious!"

"Wahh, I feel like I'm in a castle!"

"How is this place so beautiful?"

Samo't saring papuri ang maririnig mula sa mga manghang-manghang tao, mapa-bata man o matanda na naglilibot at tinitingnan ang lahat ng bagay na nakakakuha ng interest nila. Aligaga ang mga empleyado sa pag-aasikaso sa mga bisita—miskí ako at si August ay pagod na pagod na rin.

I think I should’ve hired more employees before opening the inn, I sighed in my thoughts, hurrying to help one of the staff carry some luggage. The inn only has 9 employees—plus August and me—so that's 11 people versus a big inn and a wave of guests. Verdict: K.O.

“Wahhhh, nakakapagod!” reklamo ni Jelay habang nakaupo sa sofa dito sa may lobby. Nandito kaming lahat ngayon, parang mga lantang gulay na dinaanan ng tatlong bagyo. It's already 8 PM—tulog na ang mga guests at sarado na rin ang restaurant. We just finished cleaning, and I’m so thankful na may mga slime akong tumulong din ngayong araw. They cleaned the dining area, wash the plates and utensils, swept the floors, and some even helped carry the luggage of the guests. They're so reliable, pero katulad namin, pagod na rin sila kaya bumalik na sila sa dimension kung saan sila tumutuloy.

"I'm sorry, everyone. I should’ve hired more staff before opening the inn," I said apologetically.

“Oh no, no! You don’t have to apologize, Owner!” aligagang sabi ni Jelay.

“Tama siya, Lily. Hindi naman natin inakala na madami pala ang magche-check-in ngayong araw,” sabi ni Ate Leah, na sinang-ayunan ng lahat. Umuwi na si August kanina matapos ang paglilinis dahil may gagawin pa raw siya, kaya kami na lang ang natira dito. Halos gumapang na ito kanina pauwi dahil miski siya ay masyadong nabugbog ang katawan sa trabaho.

“No worries. Bukas na bukas din ay pupunta ako kay Madam Clarita para maghanap ng bagong empleyado.” Si Madam Clarita ay isang matandang merchant at tiyahin ni Guild Master Flabio. Nakilala ko siya noong bumisita siya sa guild para may ipagawa at sakto namang may pinag-uusapan kami nina Guild Master noon.

“I have good news, everyone! For our first day, the inn earned 5 gold coins! And the restaurant earned 7 gold and 60 copper coins!” masayang balita ni Jolina, ang cashier at financial manager ng inn. Nagpalakpakan at naghiyawan kami sa tuwa.

Bale, ito ang mga ina-assign kong trabaho sa kanila:

August – Manager ng Luna Inn, namamahala sa operasyon at sa kaayusan ng lugar. Sa kanya din dumadaan ang mga reports at documents na pipirmahan ko.

Ate Linda – Head chef ng inn.

Leah – Assistant chef; siya ang naghahanda ng mga pagkain at nagpa-plate nito.

Note: Dalawa lang sila sa kusina, kaya kailangan kong mag-hire ng 4 na chef pa.

Stevan – Head waiter; namamahala sa pagdadala ng pagkain sa restaurant at sa kaayusan ng lugar.

Jelay – Waitress at tagalinis ng mga table.

Antony – Head bartender; namamahala sa alcohol and drinks.

Note: Tatlo lang sila sa restaurant, kaya kailangan kong mag-hire ng 5 waiters, 5 waitresses, and 4 bartenders.

Rose – Head receptionist; nagbibigay ng susi ng kwarto sa mga bisita.

Annette – Assistant receptionist; naglilista ng mga pangalan at naghahatid sa mga bisita sa kani-kanilang kwarto.

Jolina – Head cashier; siya ang nagma-manage ng pera at financial needs ng inn.

Note: Kailangan ko ring mag-hire ng 14 na tao para sa pagbubuhat ng mga maleta at paglilinis ng kwarto.

Me – The Owner.

Ang presyo ng bawat room ay 3 silver at 50 copper coins. Sa dalawahan naman, 4 silver coins, with free meals if naka-check-in ka. For the restaurant, prices depend on the dish. The lowest is 3 copper coins, and the highest is 5 silver coins. I made it affordable para maka-attract ng maraming customers at tourists.
Besides, mura lang naman ang mga ingredients na binibili ko sa Earth Dimension Store ko kaya hindi ako lugi.

Kanina ay hustle and chaos sa dami ng bisita, kaya tulong-tulong kaming lahat. Kapag walang tao sa reception area, tumutulong sina Rose sa restaurant. Kapag kumakain na ang lahat ng customer, ang mga waiter ay nagbubuhat ng maleta. Ang ending? Para kaming hinabol ng ilang daang halimaw—halos hindi makatakas sa kapaguran.

"Have a good rest, everyone," I said tiredly, watching them walk home to their houses. Nang malayo na sila, isinara ko na ang main door ng Inn and cast a protective spell around the whole place in case something bad happens. I walked toward the stairs but stopped, looking at the CCTV monitors placed around the building. I ordered them online so I could monitor everything inside and outside. These are connected to my laptop and the cellphone I ordered as well. Though the phone is useless here dahil walang signal—and wala rin naman akong ibang paggagamitan—I’m shocked it works in this world. Might as well order tons of them and sell it. I just need to find a way to get internet in this world. Kekeke.

Nag-inat-inat ako habang humihikab at napag-isipan na mag-teleport na lang papunta sa kwarto ko. It’s on the third floor, the 51st room of the inn, dahil wala na akong lakas para  umakyat ng 120 step ng hagdanan. In a blink of an eye, I was already inside my room.

Only I can teleport here, dahil sa spell na nilagay ko—hinding hindi ito mapapasok ng kahit sino na walang pahintulot ko. Bumungad sa akin ang queen-size bed na binili ko matapos kong ibenta ang dati kong higaan. It's color white with blue designs. It had four fluffy pillows in the same shade, and two flower pillows in a mix of white and blue, plus a warm comforter. Meron din itong pastel blue na kulambo—it's like a real queen’s room.

Malawak ang kwarto. May tatlong sofa, isang pastel blue chimney sa gilid, white fur carpet, study table and soft chair, a big glass window with white long curtains, and shelves of books. To the left was a door to the bathroom, where a large white bathtub with golden embroidery stood in the center, a cubicle shower, sink, and cabinets. To the right side of the bathroom was another door leading to the wardrobe room, filled with cabinets, clothes like dresse, coats, etc, shoes, and accessories. In the middle stood a glass table filled with jewelry, gemstones, and other valuables. The right side of the bedroom had another door, leading to the terrace.

It’s like a queen’s room—the kind of room I couldn’t even dream of having in my past life, no matter how hard I worked. Now, I’m proud to own one in this life.

The room is painted white and pastel blue. Hindi halatang paborito ko ang kulay na ito.

I laid in my bed and the fluffiness embraced my tired body. My eyes quickly shut, sending me into a deep sleep.

Another day full of happiness and excitement. Thank you, my Goddess, for giving it to me. Please continue to guide and protect me every day. Goodnight.’

I was Reincarnated in Another World with Absorb SkillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon