Chapter 41- Painful Interaction

2.7K 75 1
                                        

"Ang lamig." Kinakatal na sabi ko at mahigpit na niyakap ang sarili.

Isang araw ang lumipas mula ng makabalik ako ng Beloniå at ngayon naman ay nandito ako sa Western part ng Eavergréen Empire kung saan matatagpuan ang Grand Duchy of Floûman. Dalawang araw akong bumyahe upang marating ang lugar na ito dahil malayo ito kung saan ako nakatira at sobrang sakit na ng katawan ko dahil doon.

Kabababa ko pa lang ng karwahe ay malamig na simoy ng hangin kaagad ang bumati saakin. Kahit ba makapal ang suot kong mga jacket ay hindi pa rin nito natakluban ang lamig ng lugar. Yes mga jacket dahil hindi ako magkaigi sa iisa lang dahil tagos na tagos ang lamig dito.

Napatingin ako sa malaking mansion na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung bahay paba ito o palasyo dahil sa lawak at laki ng bahay na ito. Natatakluban ng mga namumuting nyebe ang kapaligiran nang bahay pati na rin ang buong Western part dahil nakita ko ito kanina habang nasa karwahe ako. Dahil na rin siguro tag-lamig na kaya napalibutan na kaagad nang snow ang lugar.

Kakaiba ito mula sa mundong pinagmulan ko dahil dalawang season lang ang nararamdaman sa Western part ng Earth kaya kung hindi tag-init at tag-ulan lang ang nararamdaman. Mga bagyo panga ang nararamdaman tuwing Disyembre, sigh...

"Welcome to the Grand Duchy of Floûman, Miss Lily." Nakangiting salubong ni Sebastian, ang head butler at kanang kamay nang Duke ng lugar na ito.

"Thank you" Nakangiting sabi ko, napatingin ako sa usok na nagmula sa aking mga bibig ng magsalita ako.

Grabing lamig!

Naglakad kami ni Sebastian patungo sa pintuan nang mansyon at pumasok kung saan sinalubong kami ng mga katulong na mga nakapwesto magkaharapan sa daan at bahagyang nakayuko ang ulo. Napatingin ako kay Sebastian pero nginitian lang ako ng ginoo.

"Welcome, Miss Laythildia!" Sabay sabay nilang sabi na ikinagulat ko.

Natatawang napangiti nalang ako at napakamot sa pisngi dahil sa hiya, hindi ako sanay na binabati ng ganito.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad patungo sa ikalawang palapag ng mansion at pumasok kami sa isang silid na napagtanto kong opisina pala ng Duke, kung saan makikita siyang nakaupo sa kanyang upuan na may kaharap na malaking lamesa na maraming papel na nakalatag.

Busy ata ang matanda dahil nakasalamin pa ito habang hawak hawak ang isang papel at mistulang ballpen na parang balahibo ng malaking ibon.

Nang makapasok kami ay kaagad siyang tumingin sa aming gawi at ngumiti ng malaki habang tumatayo.

"Maligayang pagdating sa aking kaharian, Laythildia," puno ng galak na sabi nito at lumapit saamin.

Nagbigay galang ako dito saka umayos ng tayo.

"Maraming salamat sa inyong pagtanggap Duke Floûman, pati na rin sa mga katulong ninyo." Nakangiting usal ko.

Inanyayahan niya akong maupo habang naghahanda naman ng tsaa si Sebastian. Tinanong nang Duke kung maayos lang ba ang aking biyahe patungo dito at tinanong din nya kung gusto ko din bang humingi ng isa pang jacket dahil nahalata niya na nanginginig ako sa lamig. Grabing lamig sa mundong ito!

"Let's discuss our topic later, you should take a rest. Masyadong mahaba ang binayahe mo kaya magpahinga ka muna ng makapag pokus tayong parehas sa ating pag-uusapan." Mahabang lintana ng Duke at pina-assist ako kay Sebastian patungo sa kwartong aking tutuluyan ng ilang linggo.

"The maids already prepared the room, there's a blankets and the fireplace already lit up inside so you can take a nice rest." Anya ng Butler at pinagbuksan ako ng pinto.

I was Reincarnated in Another World with Absorb SkillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon