Green fields full of colorful flowers, butterflies flocking around the petals, proud tall trees, birds flying with the wind, and a bright blue sky. Yan ang aking pinagmamasdan mula sa loob ng karwahe na maingat na hinihila ng dalawang puting kabayo.
‘It’s so peaceful,’ nakangiting ani ko sa utak.
Heheh—who am I kidding!? There is no peace inside this carriage!
Awkward akong napatingin sa mga kasama ko sa loob ng kalesa. On my side is Agatha—Madam Clarita’s granddaughter, whom I met yesterday—sitting with her eyes closed. She’s probably asleep. Sa kaharap na upuan naman namin ay nakaupo ang nakangiting si Adam, nakatingin sa labas ng bintana habang ninanamnam ang kagandahan ng kagubatan. Beside him sits a man, tall and broad-shouldered, quietly reading a book. Guess who he is? He is none other than the proud and cold heir of the Floûman House. Lord Ellias Icelian Floûman.
Naramdaman niya ata na may nakatingin sa kanya kaya inangat niya ang tingin at saktong nagkatama ang aming mga mata. I immediately looked away and sighed habang binalik niya naman ang mga mata sa kanyang kanina pang binabasa. I wonder what book that is.
Hayst... paano ba kami napunta sa ganitong sitwasyon?
Flashback•••••••••••
“Wala ka na bang nakalimutan, milady?” tanong ng malumanay na boses ni Adam habang inaayos ang kanyang kapa na may simbolo ng Lightark Knights.
“None,” nakangiting sagot ko sa kanya.
“Sure ka bang ayos lang na sa storage box mo nilagay yung mga gamit mo? I mean, you need a lot of magic para mapanatiling nasa loob 'yon,” may bahid ng pag-aalala sa tono ni Agatha.
Kahapon lang namin siya nakilala bilang apo ni Madam Clarita. Medyo hindi ako naniwala sa una dahil iba ang kulay ng kanyang buhok at mata, pero si Madam na mismo ang nagkumpirma, siguro ay baka nakuha niya iyon sa kanyang ina kaya pinagsawalang-bahala ko na lang.
Sinabi din niyang babalik na siya bukas sa kapitalya dahil binisita lang niya ang kanyang mahal na lola, at maraming trabaho pa siyang kailangang tapusin. Kaya naisip kong isabay na lang siya sa amin para isang biyahe na lang, na agad din niyang sinang-ayunan, lalo na’t si Madam na rin ang nagsabi.
“Don’t worry, Agatha. I have lots of magic inside this body, so rest assured,” sabi ko sa kanya para mapalubag ang loob niya. Kanina pa kasi siya tanong nang tanong. Hindi niya raw in-expect na meron akong high-level magic kagaya ng storage box at teleportation. She explained that these need a lot of mana to work and can be very draining, which surprised me—kasi araw-araw ko ‘tong ginagamit.
“Huwag ka na mag-alala, Miss Agatha. Kung tutuusin, mas malakas pa nga sa akin si Lady Lily,” nakangiting sabi ni Adam habang nakathumbs-up pa.
Isa pa 'tong lalaking ‘to. Hindi ko rin alam kung bakit "Lady" ang tawag niya sa akin, eh isa lang naman akong merchant. Hindi katulad ni Agatha—apo ng isang sikat na pamilya at isang royal mage healer. Mas mataas pa dapat ang posisyon niya kaysa sa akin. Pero parang wala lang naman kay Agatha kung ano ang itatawag sa kanya ni Adam basta huwag lang siyang istorbohin o abalahin. Kaya binalewala ko na lang din. Buhay naman niya yun, bahala siya.
Malumanay na umandar ang kalesang sinasakyan namin palabas ng bayan ng Beloniä. Mula sa bintana, kinawayan ko ang mga empleyado ng Luna Inn. Sila na muna ang bahala sa Inn habang wala ako. Ibinilin ko na rin kay August ang mga dapat gawin, pati ang pagbisita sa Candy Shop kapag may oras siya. Tiwala naman ako sa kanila kaya hindi ako masyadong nag-aalala. Besides, pwede ko silang imonitor sa cellphone ko gamit ang CCTV—so rest assured.
Nagkatinginan kaming tatlo pagkalabas namin ng gate ng bayan. Napangiti na lang ako sa kanila dahil napagtanto kong ito ang unang beses na lalabas ako ng bayan para sa ibang bagay—at hindi para sa misyon.

BINABASA MO ANG
I was Reincarnated in Another World with Absorb Skills
AdventureI promise to myself na hinding-hindi na ako magtatrabaho nang ikakapagod ko ng husto. I promise that I will treat myself better. I promise to myself that there will be no more regrets or pains. I promise to myself that I will live a different life i...