Someone's POV:
"Tia mangako ka saakin, kahit anong mangyari ay magpapatuloy kang mamuhay nang masaya at puno ng pagmamahal sa iyong sarili at sa iyong kapwa." Biglang sabi ng isang dalaga na may itim na buhok at gintong mga mata na nasa labing anim na taong gulang pa lamang habang gumagawa ng korona mula sa mga bulaklak.
"Ano ba ang iyong iniisip at nasabi mo yan bigla?" Natatawang sabi ng kasama niyang dalaga na may mahabang gintong buhok at gintong mata na kung titingnan ay lamang lamang ng dalawang taon mula sa dalagang unang nag salita.
"Wala lang, bigla ko lang naisip na paano kung bigla pala tayong magkahiwalay sa hinaharap 'diba? Buti na yung nasabi ko kaagad para kahit papaano ay may huling habilin ako sayo," pagkatapos niyang sabihin ay tiningnan siya nito sa mga mata.
"Basta ipangako mo saakin na mabubuhay kang masaya at walang pagsisisi na dinadala, maliwanag?" seryosong ani nito.
Hindi nakasagot ang dalaga na kausap niya dahil kakaiba ang kanyang naramdaman sa mga habilin nito.
"Celestia!?" Nakangusong ulit nitong tanong na ikinabalik sa wisyo ng dalagang si Celestia.
"Oo Luna, pangako," nakangiting ani niya at pinisil ang matambok nitong pisnge.
"At kung magkahiwalay man tayo sa hinaharap ay ipinapangako kong hahanapin kita. Kahit makalimutan ko man ang iyong katauhan, ang iyong wangis at boses, ay ipinapangako kong iiyak ang aking puso at mangungulila ang aking kaluluwa kapag muli kitang nasilayan nang sa gayon ay maalala ko na meron pala akong maganda at makulit na nakababatang kapatid." Panggigil nito sa pisnge ng kawawang Luna.
Masayang naghagikhikan ang dalawa at nagpatuloy sa paggagawa ng koronang bulaklak.
"At kahit pa hindi kita muling makita sa buhay na ito, patuloy na maglalakbay ang aking kaluluwa hanggang mahanap muli kita, aking kapatid." Huling sabi ng makulit na dalaga sa kanyang ate na walang kamalay malay sa sinabi ng nakababatang kapatid.
"Ano yun, Luna?" Pero imbis na sagutin ay binungisngisan lamang siya nito.
Masayang tumingin sa kalangitan ang dalaga at pumikit, naluluha luha ang mga mata.
'Hahanapin ko kayong lahat at ipinapangako kong mamumuhay tayo ng masaya at malaya. Ipinapangako kong sa araw na iyon ay hindi na natin kailangang matakot sa maaaring mangyari tuwing pipikit ang ating mga mata sa gabi at mumulat sa umaga.
Gagawin ko ang lahat nang aking makakaya masilayan ko lamang muli ang inyong mga ngiti at madama ang inyong pagmamahal, aking mga kaibigan, aking kapatid. Kahit saang mundo pa man tayo mabuhay.'
To be continue...

BINABASA MO ANG
I was Reincarnated in Another World with Absorb Skills
AdventureI promise to myself na hinding-hindi na ako magtatrabaho nang ikakapagod ko ng husto. I promise that I will treat myself better. I promise to myself that there will be no more regrets or pains. I promise to myself that I will live a different life i...