"Congratulations!"
Masayang hiyawan nang mga taong nakapaligid ng gupitin namin ni Duke Agner ang kulay gintong ribbon, simbolo na magbubukas na ang Luna Inn at pwede na itong pasukan.
Nagpalakpakan kami habang gusto ko maiyak sa tuwa na nararamdaman. Sa TV ko lang nakikita ang ganitong pagpuputol nang ribbon, hindi ko inaasahang mararanasan ko ang ganito.
Isang linggo ang lumipas at natapos na ring itayo ang Luna Inn. Sa isang linggo na iyon ay maraming nakaabang na mga taga ibang lugar at patuloy silang bumabalik upang tingnan kung malapit na bang matapos ang paggagawa sa straktura.
"Congratulations, Laythildia." Masayang sabi saakin ni Duke Agner at shinake ang aking kamay.
"Thank you, Duke Agner. Congratulations to us!" Hindi masukat na tuwang sabi ko at tiningnan ang malaking hotel na nasa aming likuran.
Sa wakas ay natapos ka rin! Masayang ani ko sa isip at lumakad papuntang pinto nito.
Hindi katulad nang Luna Inn sa Beloniå na awtomatik ang pinto, dito ay may dalawang guwardya na nakatayo sa loob kung saan sila ang magbubukas at magsasara ng pintuan upang i-welcome ang mga guest na papasok.
Dalawang dating adventurer ang kinuha ko dahil train na sila sa pakikipaglaban at dahil malalaki rin ang kanilang katawan kaya walang matatangka na gumawa ng kung ano mang kalokohan sa aking Inn.
Tinanguan ko ang mga ito upang senyasan na buksan ang dalawang pintuan at humarap sa mga taong nakatingin saakin.
"The Luna Inn is officially open, I hope you have a good stay!" Malakas na sabi ko pagkabukas nang mga pinto na ginawadan nila ng masigabong palakpakan.
"Grabi, puno kaagad ang lahat ng kwarto ng Inn pati na rin ang restaurant nito!" Hindi makapaniwalang sabi ni Ellaine habang nililinga ang paningin sa paligid.
Yes, present ang dalawang apo ni Duke Floûman na ngayon ay kung ano ano ang pinaggagagawa. Lady Ellaine in her wheel chair almost tour the entire Inn at pati sa labas ay nalibot na rin niya, habang busy naman si Lord Ellias sa pagtitingin nang mga gamit kung maayos lang ba ito o kailangan na kaagad palitan habang pinapanood siya ng mga binibini na impit na tumitili kapag may ginagawa siyang nagfe-flex sa kagwapuhan niya. Pero dahil manhid ang ginoo ay wala man lang kamalay malay sa nangyayari sa paligid niya. While their grandfather is talking to some powerful nobles na umattend sa opening nang Inn at tila masaya sila roong nagkukwentuhan.
"Miss Laythildia, congratulations sa panibagong achievement na nakamit mo" Biglang ani ng lalaking lumapit saakin.
Kinilatis ko ito habang may ngiti sa labi at mas lalo iyun lumaki dahil nakilala ko ito. Siya ay anak nang isa sa mga kilalang trading company sa buong Galantiæ at nakilala ko siya dahil ang kanilang kompanya ang nag supply ng mga kailangang kagamitan noon sa Luna Inn na hindi ko nabili sa Earth Store Dimension ko. I can't still consider him as a friend dahil hindi kami ganung naguusap at ngayon lang ulit nagkita, but as an acquaintance. Mabait at mabuting tao din s'ya kaya mabilis ko siyang nakasundo.
"Yes, thank you Alexis. By the way where is Alex?" Biglang tanong ko dito. Alex was his older sister who is the heir of their company.
"Ah sister is with my parents. They're in the restaurant dahil nagugutom na raw si Papa pero nagpaiwan lang ako upang batiin ka" Mahinahon at nakangiti nitong sabi.
Isa ito sa nagustuhan ko sa kanya, masyado syang mahinahong magsalita na parang hinihile ka ng kanyang boses sa patulog. Actually pwede silang maglaban ni Ellaine sa pahinhinan ng boses.
"I see. Thank you." Nakangiting sabi ko rito.
"You're still as beautiful as the first time I saw you." Ngiting sabi niya na ikinatawa ko, although his super gentle ay may malokong side 'din pala ito.

BINABASA MO ANG
I was Reincarnated in Another World with Absorb Skills
AdventureI promise to myself na hinding-hindi na ako magtatrabaho nang ikakapagod ko ng husto. I promise that I will treat myself better. I promise to myself that there will be no more regrets or pains. I promise to myself that I will live a different life i...