Chapter 20- Luna Family

4K 148 3
                                        

Maaga akong pumunta sa merchant company ni Madam Clarita at dumiretso sa office niya nang masigurado kong ayos na ang inn bago ako umalis. Malaki ang kompanya ni Madam Clarita—meron itong dalawang palapag at kahawig ng mga bahay ng Japanese noong unang panahon. Meron din itong maliit na pond na may tulay na gawa sa bato. Sa pagpasok sa loob, makikita mo agad ang isang 'di kalakihang hagdan na gawa sa matibay na kahoy. May kulay dark green na carpet, at sa isang gilid ay mga upuang kahoy na may malalambot na unan. Sa kabilang bahagi naman ay ang lobby, kung saan naroon ang dalawang empleyadong abala sa pagtanggap ng mga panauhin.

Ang merchant company ay isang uri ng negosyo kung saan pwedeng  mag-aapply ang mga taong nais mong merchant. Iba’t ibang trabaho rin ang isinasagawa rito katulad ng paghahanap ng mga empleyado ayon sa request ng kanilang customer, pagbebenta at pagbili ng mga gamit o lupa, at iba pa.

At ang namamahala nito ay walang iba kundi si Madam Clarita Machiøvæneş, 75 years old na siya at tiyahin ni Guild Master Flabio. Matagal na siyang namamahala sa kompanya dahil sa kanyang angkan nagsimula ito—katulad ng Luna Inn na nagsimula sa angkan ni Augusto. Kilala siya hindi lang sa village kundi pati na rin sa iba't ibang bahagi ng Evergreén Empire. Dito na siya nanirahan simula nang siya'y mag-60 upang mag-relax at ipaubaya ang ibang sangay ng kompanya sa tatlo niyang anak.

"Good morning, Madam Clarita," bati ko sa kanya na may ngiti, habang siya naman ay nakangiting nakatingin sa akin.

"Magandang umaga din, Lily," aniya. Sa unang tingin, aakalain mong masungit at sopistikada ang matanda dahil sa kanyang kakaibang aura, pero kapag matagal mo na siyang kilala, malalaman mong isa siyang mabuti at maasahang tao.

Inaya niya akong umupo sa sofa at agad na pinagsilbihan ng kanyang sekretarya ng isang tasang tsaa.

"Alam ko na ang sadya mo rito," wika niya matapos uminom ng tsaa. Napatingin ako sa kanya nang gulat. Paano niya alam?

"Paano niyo po nalaman?" tanong ko, napapantastikuhan.

"Madami akong mata at tenga sa lugar na 'to, iha. Kamusta nga pala ang unang araw ng Luna Inn?" tanong niya na agad kong sinagot ng ngiti.

"Medyo hindi po okay dahil sa kakulangan ng empleyado kaya pagod na pagod po kami kinagabihan," napakamot ako sa batok habang ngiting-ngiwing nakatingin sa kanya.

Narinig ko ang sopistikada niyang tawa.

"Pagsubok lang 'yan, iha. Kaya sa susunod ay agad mong isipin at paghandaan ang mga paparating pang araw para hindi ka mahirapan," makahulugang wika niya, kaya tumango na lamang ako.

"Siya, sumunod ka sa akin at ipakikilala ko na sa 'yo ang mga empleyadong nahanap ko," aniya, kaya nagulat ako ulit at sumunod sa kanya papunta sa kabilang kwarto.

Narinig ko ang mga ingay sa loob, may mga nagtatawanan at nag-uusap pero kaagad yung natigil ng pumasok si Madam Clarita.

"Magandang umaga sa inyong lahat. Pinapunta ko kayo rito upang kilatisin ng aking kliyente kung papasa ba kayo bilang trabahante sa kanyang negosyo. Kaya humanay kayo," seryosong sabi niya. Mabilis silang tumayo at humanay.

Nasa 50 katao ang naroon—20 babae na nasa edad 19-40 at 30 lalaki na nasa edad 17-45, tantya ko. Lumakad ako paunahan at tiningnan sila. Kita ko kung paano ako bigyan ng mapanghusgang mga mata ng ilan, habang ang iba'y napapantastikuhan at nagtataka.

"Teka lang, Madam Clarita, siya ba ang magiging boss namin kung sakali?" tanong ng isang lalaking ‘di kataasan at ‘di rin kalakihan ang katawan na para bang adik kung makatingin. May pagkapangungutya ang tono niya habang ako’y hinuhusgahan ng tingin, kaya tinaasan ko siya ng kilay.
'This bi—exis ka sakin.'

I was Reincarnated in Another World with Absorb SkillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon