"But Lily, did you meet the young Lord of Floûman?"
Napatingin ako kay Esmeralda na excited na excited na nakatitig sa akin. Nandito ako ngayon sa bahay nina August dahil gusto kong kamustahin silang mag-anak at tingnan ang lagay ni Aisha. Pagkadating ko pa lang ay inaya agad ako ni Esmeralda na mag-tsaa, kaya heto kami ngayon sa garden nila habang ang mga bata ay masayang naglalaro sa damuhan.
"Uhmm, yes. Why?" tanong ko, habang muli akong humigop ng tsaa.
It's delicious, the sweet and bitterness mix perfectly.
"So, so tell me... is he as handsome and hot as the rumors say!? Did you fall in love with him at first sight!?" tanong niya habang kinikilig.
Mabilis kong naibuga ang tsaang iniinom at napaubo-ubo, hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.
“Bdeo...knahp... what!?” sagot ko habang hawak ang lalamunan.
The heck!?
"My love, please don’t say something absurd like that, especially in front of Lily," napailing si August na hindi rin makapaniwalang tiningnan ang asawa niya. Nginitian lang siya nito.
"Oh come on. I'm just curious," sabay balik ng kumikislap niyang tingin sa akin.
“Sorry Esmeralda, but I didn’t fall in love with him. Actually, it’s the other way around,” nakangiwing sagot ko, sabay kamot sa pisngi. Hindi ko alam kung paano ito ipapaliwanag.
"Huh? What do you mean by 'the other way around?'" tanong niya, kunot-noo.
Napailing akong umiwas ng tingin at muling inalala ang nangyari isang linggo na ang nakakaraan, noong unang beses kaming nagkakilala ng mga Floûman.
—
"Hey, can you just stop staring at me? It’s uncomfortable."
Nabalik ako sa huwisyo nang magsalita si Lord Ellias. Nandito kami ngayon sa office ng Stella Shop dahil ipinakilala ko sila sa mga empleyado at binigyan ng impormasyon tungkol sa mga produktong ibinebenta namin. Nasa baba silang tatlo kasama sina Rita at hanggang ngayon ay curious pa rin sina Duke Floûman kung paano ko nagagawa ang mga produktong ibinebenta ko. Ako at si Lord Ellias ang naiwan sa office dahil sa halip na si Duke Floûman ang makausap ko tungkol sa partnership, ay ipinasa niya ito sa little heir niya.
Kunot-noo ko siyang tiningnan.
"Pardon?" tanong ko, naguguluhan.
"You’ve been staring at me for almost three minutes while I’m talking,” sabi niya, mukhang naiirita na.
“Are you one of those girls who fall in love with me at first sight kaya hindi makapag-focus sa pinag-uusap at titig lang ng titig hanggang matapos?” aniya pa, may halong sarkastikong ngiti pero halata mong may galit sa mga mata. He hates unprofessional people kaya ganito ang reaction niya but...
“Excuse me?” hindi makapaniwalang balik kong tanong.
The heck!? Hindi porket nakatitig ako sa kanya ay ina-admire ko na siya. I was just deep in thought about something and happened to be looking at him!
“You can go, no one’s blocking your way,” sarkastiko niyang sabi, malamig ang tingin.
This biach! Wala akong emosyong tiningnan siya sa mata.
Binabawi ko na ang sinabi ko kahapon. Appearance lang niya ang ideal type ko, pero dahil sa ugali niyang ‘yan, X na siya sa listahan ko. Na-turn off na ako. Marami na akong problema sa buhay, ayoko nang dagdagan ng bipolar na crush.
“Sorry to disappoint you, my Lord, and pardon my rudeness, but just so you know, I don’t give a damn about you. I don’t fall in love easily—especially not just because of a face or appearance.” Malambing at mahinahon ang pagkakasabi ko, pero may halong peke ang ngiti habang nakapatong ang magkahiwalay kong palad sa baba.

BINABASA MO ANG
I was Reincarnated in Another World with Absorb Skills
AdventureI promise to myself na hinding-hindi na ako magtatrabaho nang ikakapagod ko ng husto. I promise that I will treat myself better. I promise to myself that there will be no more regrets or pains. I promise to myself that I will live a different life i...