Chapter 1 - The beginning

11 0 0
                                    

Pinanganak akong may marangyang buhay pero kahit ganoon pa man tinuruan kaming matuto sa buhay at maging humble sa mga tao.

We own businesses here in the Philippines. May farm kami sa province, gasoline station, restaurant at kung ano ano pa.

Workaholic si daddy kaya madalas siyang wala sa bahay. Si mommy naman ay laging nasa mga kumare niya.

So basically, kami lang nila kuya at mga nanny namin ang naiiwan sa bahay.

I was about to take a shower ng may kumatok sa kwarto ko.

"Hi fiancè" bungad ni Ciara.

Oo nga pala hindi ko pa naikwekwento sa inyo ang tungkol sa lovelife ko.

Akala niyo wala akong pinoproblema sa kabila ng mga corny jokes ko. Well, ayaw akong iwan ng problema ko.

It was started when i was in college..

Flashback 5 years ago..

"Sir Jared pinapatawag po kayo sa officr ni daddy niyo po" sabi ni yaya.

"Sige po" sagot ko.

Pagbukas ko ng office ni daddy ay may mga bisita ito.

Familiar sila sa akin pero hindi ko matandaan.

Ah! Business partner ni daddy 'yung matandang lalaki.

At sino naman 'yung babae?

Well, maganda siya pero mukhang spoiled.

"Jared, maupo ka" sabi ni daddy.

Umupo ako katabi ni daddy.

"Mr. Mendoza this is my son, Jared. Bunso kong anak" sabi ni daddy.

"Finally meet you Jared" sabi ni Mr. Mendoza.

"This is my daughter Ciara and will be studying in De La Salle Manila" sabi pa niya.

"Oh talaga Mr. Mendoza, mag eenroll din anak ko sa De La Salle. Bakit hindi na kayo mag sabay mag enroll ni Ciara? Sa ganoon e magkakilanlan kayo pareho" sabi ni daddy.

"That would be nice. Kakabalik lang din ni Ciara dito sa Philippines. Sa United Kingdom kasi siya nag grade school and she decided to continue her study dito" sabi ni Mr. Mendoza.

"Hi Jared, is that okay to you?" tanong ni Ciara.

"Sure Ciara samahan kita" sagot ko.

Kinabukasan..

"Anak, sunduin mo na lang si Ciara sa bahay nila para sabay na kayo pumunta sa school" sabi ni daddy.

"Dad, i don't know their address" sagot ko.

"Oh eto, puntahan mo na" sabay abot ni daddy ng papel at doon nakasulat ang address nila Mr. Mendoza.

Nagpunta na akong sasakyan at umalis.

Hassle naman. Akala ko sa school na kami magkikita. Susunduin ko pa pala tsk.

**Doorbell**

"Sino po sila?" tanong ng guard.

"Ah ako po si Jared De Leon. Susunduin ko po sana si Ciara. Ciara Mendoza po" sagot ko.

"Ah sige, wait ka lang. Tawagin ko lang si Mam Ciara" sabi niya.

Mga ilang minuto ay dumating na siya.

"Oh Jared ang aga mo. Maaga pala tayo aalis?" tanong ni Ciara.

"Ah oo, kasi for sure mahaba pila sa registrar's office" sabi ko.

"Ah sige, pasok ka muna. Mag prepare lang ako" sabi niya.

Pumasok na ako ng bahay nila.

Malaki ang bahay nila Ciara compare sa bahay namin.

Mas mayaman sina Ciara compare sa amin.

"Take a seat Jared. Prepare lang ako. Yaya, paghanda mo muna ng makakain si Jared. Thank you" sabi ni Ciara at umakyat na.

Makalipas ang ilang oras ay bumaba na si Ciara.

"Bakit ganyan ang suot mo Ciara? Mag eenroll tayo hindi magpaparty!" sabi ko.

"In U.K. this is allowed.." pinutol ko ang sasabihin ni Ciara.

"We're not in U.K. Magpalit ka" utos ko.

"Look Jared. Sayang naman ang OOTD ko. Tomorrow na lang tayo mag enroll. Can we just have fun today nalang?" sabi ni Ciara.

"Sinadya mong hindi tayo mag enroll ngayon Ciara. Sige pagbibigyan kita. Gusto mo gumala?" spoiled brat ka ah. I'm naughty.

"Yes please Jared. Saan ba may magandang place?" tanong niya.

"Ako na bahala" be ready Ciara.

Break AwayWhere stories live. Discover now