Chapter 3 - Friend Zone

2 0 0
                                        

Jared's POV

Nakauwi na ako sa bahay and sinalubong ako ni daddy.

"Saan kayo galing ni Ciara? Supposedly today kayo mag eenroll hindi ba? Bakit naaksidente si Ciara?" tanong ni daddy.

"Saan niyo po nalaman?" tanong ko.

"Sa daddy ni Ciara. Nakakahiya kay Mr. Mendoza. Sa iyo pinabantay si Ciara tapos ganyan nangyari?" medyo pagalit na sabi ni daddy.

"Daddy, it was an accident. Nadulas si Ciara nung pauwi na kami..." paliwanag ko.

"No more excuses Jared. Alagaan mo si Ciara sa kanila dahil kasalanan mo bakit siya naaksidente" sabi ni daddy.

"But daddy.." tanong ko.

"No more but's Jared. That's final" sabi niya at umalis na.

Hussle naman oh.

Is this necessarily?

Ciara's POV

I was about to sleep ng narinig kong nagriring ang phone ko.

Si Jared pala. Bakit kaya?

C: hello Jared, bakit ka napatawag?

J: dad asked me to take care of you hanggang sa gumaling 'yung paa mo.

C: talaga? Sure Jared. Para naman 'di ako mabored dito. I'll be waiting tomorrow. Goodnight.

I was expecting na magrerespond pa si Jared pero binaba niya na ito.

Pssh. Di man lang nag goodnight.

Beatrice's POV

HOLA PILIPINAS! Bakit ako andito sa story na 'to?

Oh well! Magkikita kami ni Aubrey na bff ko dito sa mall.

Kung kilala niyo akong hindi pala ayos, mas malala itong si Aubrey. Mapagkakamalan mong tomboy 'to.

Nauna na akong dumating sa mall dahil may binili pa kasi ako.

"Beatrice!! Bakit kasi sinama mo pa ako dito sa mall wala naman akong alam sa rega regalo na 'yan!" sabi ni Aubrey na kararating lang.

"Para may audience ako. Joke lang. Syempre para may kasama ako. Para naman 'di tayo mag bff niyan" sabi ko.

"Bilisan na natin. Para kanino ba 'yan?" tanong niya.

'Di ako sumagot.

"Wag mo sabihin para kay Vester na naman ah! 'Di ka naman type nun. Na "bff zone ka na nun!" pang asar na sabi ni Aubrey.

"Ok lang 'yon. Regalo ko kasi birthday na niya sa linggo. Mag eexpect ng regalo 'yon e" sabi ko.

"Sus. Tara na nga. Ano ba ireregalo mo Beatrice?" tanong niya.

"Kwintas kaya?" tanong ko.

"Wow! Dami mo pera ah? Yaman si ante!" pang asar ni Aubrey.

"Mahal ba 'yun? Damit kaya?" tanong ko.

"Pwede na siguro 'yan! 'Di naman siguro choosy iyong si Vester"

Nagpunta na kami dito sa Penshoppe.

"Ok ba 'to Aubrey?" pinakita ko sa kanya 'yung hawak kong damit.

"Maganda naman siya. Patingin nga!" kinuha ni Aubrey 'yung damit.

"Bagay sakin hahaha. Magkano ba 'to? Mahal naman!" sabi ni Aubrey.

"Di naman para sa'yo to. Para kay Vester 'to!" binawi ko ulit ang damit.

Binayaran ko na 'yung damit.

"Laki ng ngiti mo ah! Pakainin mo naman ako Beatrice!" hirit ni Aubrey.

"Ito na nga. Saan mo ba gusto? Sa mura lang ah!" sabi ko.

"Aba pag sakin tinitipid mo ko! Ang kuripot mo talaga!" sabi ni Aubrey.

Dito ko na lang pinakain sa KFC si Aubrey.

"Oh ano! Nabusog ka ba?" tanong ko.

"Aba'y oo naman. Alam mo talaga kung saan ako mabubusog ah!" tuwang sabi ni Aubrey.

"Tara uwi na tayo!" pag aya ko.

Habang nasa byahe kami ni Aubrey ay kinausap ko ulit siya.

"Aubrey! Sama ka sa birthday ni Vester ah?" sabi ko.

"Ha? 'Di naman kami close non. Bff mo siya pero di ko siya bff" sabi ni Aubrey.

"Papakilala nga kita eh!" pangungulit ko.

"Ayaw ko nga!" sabi niya.

At pagdating ng linggo...

"Vester, si Aubrey pala bff ko din" pakilala ko kay Aubrey kay Vester.

"Hello. Matagal ka na kinukwento ni Beatrice sa akin. Buti sumama ka dito. Kain ka lang ah" sabi ni Vester.

"Salamat pre" sabi ni Aubrey.

"Tomboy ba 'yun Beatrice?" bulong ni Aubrey.

"Hindi hahaha. 'Di lang siya binabae hahaha" sabi ko.

"Ha?" takang tanong ni Vester.

"Basta 'yun na 'yun! Happy birthday! Ito regalo ko sa'yo" sabay abot ko ng regalo.

"Uy nag abala ka pa! Salamat. Wow penshoppe. Ganda ah! Thank you bff!" sabi ni Vester.

"HAHAHAHAHAHAHA!!!" pang asar na tawa ni Aubrey.

Nagtataka naman si Vester kung bakit natatawa si Aubrey.

"Aubrey manahimik ka nga! Tatapalan ko 'yang bibig mo!" habang tinatakpan ko ang bibig ni Aubrey.

"Sige don muna ako sa ibang bisita. Salamat ulit bff" sabi ni Vester at pumunta na sa ibang mesa.

"Tawa ka ng tawa!" saway ko kay Aubrey.

"Bff! HAHAHAHAHA" pang asar ni Aubrey.

Lord, pigilan niyo ako.

Break AwayWhere stories live. Discover now