Chapter 31 - Our Own Company

3 0 0
                                    

Jared's POV

**after 5 months**

"Congratulations sa ating lahat! Naitatag na natin ang OneC Entertainment" bungad ko sa kanila.

Habang busy ang lahat ay nasa isang sulok si Aubrey. Hindi pa niya kasi ka-close lahat ng staff dito.

"Ok ka lang dyan?" tanong ko kay Aubrey.

"Ahh oo. Medyo masama lang pakiramdam ko pero ok lang ako" sagot ni Aubrey.

Si Aubrey ay isa sa mga creative directors namin plus marketing manager na din.

Hanggang sa..

"Congratulations Almost Paradise at sa OneC Entertainment" bungad ni Ciara.

Hindi ko ineexpect na pupunta siya ngayon dahil hindi naman siya invited at hindi naman namin business partner ang company nila.

"Para naman kayong nagulat. Oh, what she's doing here?" habang tinuturo si Aubrey.

"Leave her alone. She's our creative director" sabi ko.

"Ohh. Creative director. Is she that good para masama sa company niyo?" tanong ni Ciara.

"Baka nakakalimutan mo Ciara, classmate ko si Aubrey. We've worked together sa isang project and i know she will do well" sagot ko.

"Anyway, i have a proposal. Pwede ba today makipag meeting?" tanong niya.

"If meeting ang gusto mo, not today. We are celebrating. If you may excuse us, please go now" sagot ni Paul.

"Fine. Jared, i'll message you" sabi ni Ciara.

"Hindi pa din ba naaayos sa inyo ni Ciara? Akala ko in good terms na kayo ni Aubrey?" tanong ni Vester.

"Mahal ko si Aubrey kaso dad needs me. Kung hindi ko pakakasalan si Ciara, lulubog ang business namin" sabi ko.

"So pakakasalan mo si Ciara?" tanong ni Vester.

Hindi ako sumagot.

"Jared, andito lang kami. Pagtatanggol din namin si Aubrey. 'Wag kang mag alala" sabi ni Vester.

Lumapit si Aubrey sa amin.

"May sinabi ba si Ciara?" tanong niya.

"Wala naman. Proposals siguro for partnership or endorsements siguro" sagot ko.

"Baka palayasin na naman ako nun" sabi niya.

"She can't. Wala siyang power dito" sagot ko.

"Syempre may proposal siya. What if ang isa sa mga idemand niya ay paalisin niya ako para lang matuloy ang agreement niyo" sabi ni Aubrey.

"Hindi namin gagawin 'yun. She must be professional" sagot ko.

"Salamat" sabi niya.

Kumuha na kami ng pagkain.

Sasandok na si Aubrey.

"Wag ka kumuha niyan" sita ko.

"Ha? Bakit?" tanong niya.

"May peanut 'yan" sabi ko.

"Ah. Sige salamat. Natatandaan mo pa pala saan ako allergic" sabi niya.

"Oo naman. Naalala ko dati nung inallergy ka dahil may mani pala 'yung ulam ko" sabi ko.

Paglingon ko sa likuran ko ay nakikinig pala 'tong mga to sa pinaguusapan namin ni Aubrey.

"Uy bantay sarado ah!" asar ni Joshua.

"Ikaw na kaya mag bitbit ng pagkain" sabi ni Paul.

"Ok lang po hehe" sagot ni Aubrey.

Mga pang asar talaga 'tong mga 'to palibhasa may mga jowa na sila lahat. Si Paul naman, alam kong may bagong jowa 'to e. Pero hindi pa niya naipapakilala sa amin.

"Doon na tayo kumain" sabi ko.

Sumunod naman si Aubrey.

"Next week may meeting, para mapaghandaan 'yung susunod na MV namin" sabi ko.

"Ah sige. Nakapag handa naman na ako ng proposals para d'yan" sagot niya.

You never fail to amaze me, Aubrey.

Lagi kang advance sa mga projects since college.

Siya kasi 'yung tipo na ayaw ma-late or mangarag sa mga projects.

"Busog!" sambit ni Aubrey.

"Ambilis mo naman kumain" sabi ko.

"Paano kaba ngumuya? Kambing?" asar ni Aubrey.

Sinamaan ko ng tingin.

"Jared, hindi mo pa sa amin napapakilala si Ms. Reyes" sabi ni Ms. Ana.

"Ah, you can call her Aubrey. She's my classmate during college years. Mas magaling sa akin 'to mag direct e" sabi ko.

"Oh, looking forward sa 1st project mo dito sa OneC. Welcome ka dito" sabi ni Ms. Ana.

"Thank you po Ms. Ana" sagot ni Aubrey.

Break AwayWhere stories live. Discover now