Jared's POV
Dinala ko siya dito sa Tanay para mag activities siya mag isa.
"What the hell are we doing here?" tanong niya.
"Gusto mo mag enjoy di ba? Then, dinala kita dito. Let's go" pag aya ko sa kanya.
Kita mo sa kanyang inis na inis siya.
Andito kami ngayon sa Masungi Georeserve. Search niyo na lang.
"Are you sure Jared? Aakyat tayo sa bundok?" tanong niya.
"Yes and this is fun. Para makita mo 'yung view pag akyat mo" sabi ko.
Naka heels siya so goodluck sa kanya.
"Jared, can you help me? I might fall" sabi niya.
"Fall for me? Joke. Akin na kamay mo" sabi ko.
Inabot niya kamay niya sa akin. Kawawa naman baka madulas pa. Maging kasalanan ko pa.
"T-thanks" sabay bitaw ni Ciara.
Tahimik kaming naglakad hanggang sa nakarating kami sa hanging bridge.
"Are we really going there?" tanong niya ulit.
"Why? Are you iskeyrd?" tanong ko.
"Ha? Ah kasi.. takot ako sa heights eh" sabi niya.
"Kailangan natin puntahan 'yun oh? Para makita mo 'yung view" sabi ko.
"Natatanaw ko naman na dito. Ok na ko dito. Isa pa naka heels ako, lulusot sa butas ung heels ko" sabay turo ni Ciara.
Oo nga pala naka boots siya.
"Hubarin mo. Mag paa ka para makatawid tayo dun" sabi ko.
"WHAT???? NO WAY!!" sabi niya.
"Ako bahala sa'yo" sabi ko.
Ciara's POV
Nakatingin sa akin si Jared.
"Ako bahala sa'yo" sambit niya.
T-teka bakit parang mainit?
"S-sure ka Jared? 'Wag mo ko ihuhulog ah? Lagot ka kay daddy!!" sabi ko.
Tinanggal ko na ang boots ko.
"Akin na 'yan" sabi niya.
Inabot ko sa kanya 'yung boots ko. At nag simula na kami maglakad sa bridge.
Nangangatog talaga ako.
"Kinakabahan ka ba? Kapit ka lang sa akin" sabi niya.
"Ang init naman dito Jared. Bakit kasi dito mo ako dinala?" tanong ko sa kanya.
"To see beautiful scenery" sagot niya habang patuloy kami naglalakad.
Tumingin ako sa gilid ko.
"AAAHHHHHH!!!" sh1t!! Nalula ako. Ang taas Lord! Huhu.
"Wag ka na tumingin sa paligid mo" sabi niya.
"J-jared, balik na tayo please. Natatakot na ako" sabi ko.
"Malapit na tayo sa gitna" sabi niya.
Kaya kumapit ako sa kanya ng husto.
Infairness kahit kanina pa kami babad sa araw ni Jared, hindi pa din siya amoy araw. Ang bango pa din niya.
"We're here" sabi niya.
Wow.
Ang ganda ng place.
"Wow, sobrang ganda naman dito" sabi ko.
"I told you. Maganda dito" sabi niya.
"Picturan kita" nilabas ni Jared ang phone niya at akmang pipicturan niya ako.
"Wait!! Mukha akong haggard" sabi ko.
"You look fine" sabi niya. Medyo nag blush ako doon ah.
"One.. two.. three.. smile!" sabi niya.
I smiled widely.
"I enjoyed today. Thank you for bringing me here" sabi ko.
"Oh? Akala ko pa naman mababadtrip ka kasi ganyan suot mo tapos pinaakyat kita ng bundok haha" sabi niya.
"Well at first, naiinis ako sa'yo kasi ang init init tapos ganito suot ko tapos pinaakyat mo lang ako ng bundok. But when i see this place, it really softs my heart. Nakakagaan sa pakiramdam" sabi ko.
Tumunog ang tyan ko.
"Gutom ka na ba? Foodtrip na tayo" pagtanong ni Jared.
"Ah hehe. Oo, hindi pa ako nag aalmusal eh" sabi ko.
Kaya bumaba na kami ni Jared.
Pababa na kami ng bundok pero nadulas ako.
"AAAHHHH!!!" sigaw ko.
Ang sakit ng paa at pwet ko.
"Anong nangyari sa'yo?" tanong niya.
"Obvious ba nadulas ako" sagot ko.
"Halika tayo ka" pag abot ng kamay ni Jared sa akin.
Tatayo na sana ako kaso masakit talaga paa ko.
"Aray!" sabi ko.
"Nasprain ka ba? Alisin ko sapatos mo ha?" sabi niya.
Tinanggal ni Jared ang boots ko.
"Namamaga nga" sabi niya.
"Halika, buhatin na kita papuntang kotse" sabi niya.
Karga karga niya ako sa likuran niya.
Ang bango ni Jared.
Nakarating na kami sa kotse.
"Drive thru na lang tayo ah. Para makapunta na din tayo sa ospital" sabi niya.
Andito kami ngayon sa Mcdonalds.
"Ano gusto mo?" tanong niya.
Ikaw. Charot.
"Ah burger and fries will be fine" sagot ko.
"Dalawang order po ng burger and fries. Drinks po Iced Latte. Thank you" sabi ni Jared sa crew ng Mcdonalds.
Inabot sakin ni Jared ang food ko.
"Thanks Jared" tahimik kaming kumain hanggang sa nakarating kami sa ospital.
Inassist na kami ng mga nurse at pinaupo ako sa wheelchair para hindi na ako maglakad.
"This is your medicine Ms. Mendoza. Ilang weeks lang ay gagaling din 'yan. Good thing hindi ganoon kalala. Pwede na kayong umuwi. Regards to your dad" sabi ni doc.
"Ah kilala ni doc daddy mo Ciara?" tanong ni Jared.
"Ah. We own this hospital hehe" sabi niya.
Wow. Isa sa mga kilalang hospital ito ah.
"Tara na" pag aya ko.
Nakatulog pala ako buong byahe sa sobrang pagod.
Ginising na lang ako ni Jared nung nasa bahay na ako.
"Thanks Jared for the tour. Next time ulit" sabi ko.
"Hindi pala tayo makakapag enroll bukas?" tanong niya.
"Late na ba tayo if next week na lang?" tanong ko.
"Ok lang naman. Notify me kapag ok ka na" at umalis na si Jared.
Jared is a nice guy.
I kinda like his personality.
![](https://img.wattpad.com/cover/367657560-288-k444688.jpg)
YOU ARE READING
Break Away
Ficción GeneralI was born in a wealthy family. Is fixed marriage really exist?