Chapter 26 - Unsure Of Feelings

3 0 0
                                    

Aubrey's POV

Kailangan ko na mag trabaho ulit pero lahat ng inaapplyan ko ay nirereject ako.

Kasalanan mo 'tong kutong lupa ka!!!

Sumpain ka!

"Ma'am, why are you rejecting me? Am i not qualified?" tanong ko sa HR Manager.

"You have good credentials and experiences, however you are blacklisted in all companies. Don't you know that?" sabi niya.

"Ha? Blacklisted? Bakit ako na blacklist? Wala naman akong atraso sa past employer ko" sabi ko.

"I am not pretty sure about your history. But you are in the list. Ms. Reyes, please go" sabi niya.

Umalis na ako at mukhang wala na akong pag asang magka trabaho pa.

Pag uwi ko ng bahay ay saktong tumawag si Jared.

A: hello?

J: kamusta?

A: eto, hindi matanggap sa trabaho. Blacklisted daw ako.

J: ha? Pa'nong nangyari 'yon?

A: sa tingin ko dahil kay Ciara.

J: hindi ko pa nakakausap si daddy. Nextweek na uwi namin.

A: anong gagawin ko Jared? Hindi naman pwedeng hindi ako magtrabaho. Marami kaming bills. Hindi naman malaki ang ipon ko.

J: aayusin ko pag uwi namin.

A: anong oras na 'dyan?

J: 11 pm na.

A: gabi na pala d'yan.

J: di bale pauwi naman na kami.

A: sige na, inuutusan na ako ni mama dito. Byeeee.

J: sige ingat ka.

Wala naman talaga inutos sa akin ang mama ko pero gusto ko na lang itulog itong nangyayari sa akin.

Bakit ba kasi napakaliit ng mundo sa aming tatlo.

Ganda lang ang panlaban ko pero pagdating sa pera talo na tayo agad dun.

Jared's POV

"Jared, tara labas tayo" pag aya ni Vester.

"Dito na lang muna ako Vester. Nag iisip kasi ako" sabi ko.

"Wag mo masyado isipin si Aubrey. Magkikita din kayo" asar ni Vester

"Ayan ka na naman e. Hindi naman 'yun. Nag aapply kasi si Aubrey. Blaklisted daw si Aubrey. Andami na niyang inapplyan. Pero ni isa hindi siya tinatanggap. I think Ciara is behind this. Ganoon ba ka-powerful ang family nila? Kailangan pa ba niyang gawin 'yun para ipitin si Aubrey at matuloy ang kasal namin ni Ciara? Hindi ko na alam gagawin ko Vester" kwento ko.

"Mahal mo na si Aubrey 'no?" tanong ni Vester.

"H-ha? Anong mahal. Concern lang ako sa tao. She's my friend" sagot ko.

"Sus. In denial ka pa. Osya, lalabas na ako. Bibili lang ako ng chicha" paalam ni Vester.

Meron pa kaming last show dito sa U.S. bago kami umuwi.

Kailangan ko na maayos lahat 'to.

After 4 days..

"Paul, wala naman tayong event 'no?" tanong ko.

"Ha? Wala naman. 2 weeks pa. Pwede pa tayo magpahinga. Bakit?" sagot ni Paul.

"May aayusin lang ako sa bahay. Alam niyo na 'yun" sabi ko.

"Sige Jared. Sana maayos mo na 'yang gulo mo" sabi ni Paul.

Sana nga maayos ko.

Pag uwi ko ng bahay ay agad kong hinanap si daddy.

"Daddy? Dad?" sigaw ko.

Si mommy ang lumabas.

"Mommy, si daddy?" tanong ko.

"Si daddy mo nasa hospital. Natumba siya nung nakaraang araw. Si kuya JV mo ang nag aasikaso ngayon ng kumpanya" sabi ni mommy.

"Ano na po daw ang lagay ni daddy?" tanong ko ulit.

"Hindi pa nagigising si dad. Stressed siya lately sa company lalo na sa inyo ni Ciara. Anak, family nila Ciara ang makakabangon sa business natin. Pakasalan mo na si Ciara" umiiyak si mommy sa harap ko.

Bakit ngayon pa nangyari 'to?

Ngayon pang alam ko na sa puso ko kung ano talaga ang nararamdaman ko.

**flashback 3 days ago..

"Jared, umamin ka nga sakin. Tayong dalawa lang naman dito. Gusto mo ba si Audrey?" tanong ni Vester.

"H-ha? Hindi nga kasi. Friends lang kami since college" sagot ko.

"Di mo siya type? Or di ka man lang nagandahan? Or nagustuhan kahit mga konti" tanong ulit ni Vester.

"She's my friend. Siya lang naka close ko since college. Nakakapag open up ako sa kanya ng mga problems ko at komportable ako sa kanya" sabi ko.

"Pero kung magkaka boyfriend siya, ok lang sa'yo?" tanong niya.

Natahimik ako ng ilang segundo.

"Di ka na nakasagot d'yan!" dagdag ni Vester.

"Gusto mo siya pero 'di ka pa sure?" tanong niya.

"She's special to me. Lalo na nung nagkita kami ulit at nagkabonding kami once sa peryahan. That was the happiest moment i am with her" paliwanag ko.

"So nagka date na kayo. Ayiieee" pang asar ni Vester.

"Friendly date" depensa ko.

"Date pa din. So kelan ka aamin?" tanong niya.

"Eh, hindi ko pa alam. Ikaw Vester, pa'no ka ba umamin?" tanong ko.

"E kung mahal mo, bakit ka pa magpapaligoy ligoy. Baka maunahan ka pa ng tadhana. Kaya kung ako sa'yo, magsabi ka na ng feelings mo kay Aubrey. Suportado mo ako. Kilala ko na din 'yan si Aubrey. Lagi kasama 'yan ni Beatrice. Tsaka kilala mo naman din si Aubrey. Ikaw ang mas nakakakilala sa kanya" sabi niya.

"Sige Vester. Matulog na tayo. Maaga pa bukas" sabi ko.

**end of flashback**

So, paano na?

Baka hindi kami para sa isa't isa ni Aubrey.

Break AwayWhere stories live. Discover now