Chapter 20 - Interview

3 0 0
                                        

Aubrey's POV

Andito ako ngayon sa event dahil ngayong araw iinterview-hin ang grupo nila Jared na Almost Paradise.

Excited na ako makita silang lahat.

Matagal na ding pangarap ni Jared ito.

Kung itatanong niyo kung bakit ako andito, 'di ba nga nagwowork ako sa isang TV network, so isa ako sa mga mapalad na magtatanong sa kanila. Hopefully, maging smooth ang interview nila ngayong araw.

Narinig ko na padating na sila.

Naririnig ko ang mga nasa katabi ko.

Ang chachaka naman.

Feeling wannabe.

Trying hard maging KPOP.

Di yan sisikat pustahan tayo.

Mabuti na lang ay nagsimula na ang program at tumigil na magkwentuhan itong mga katabi ko.

"Hello everyone, we are Almost Paradise. We had our debut a few months ago and luckily our practice video received many views and still trending in social media platforms" sabi nung Paul.

"We will now start asking some questions to you. So, sa inyong lima, isa lang nakikita kong pogi sa inyo. Ano magiging lamang niyo sa kanya?" tanong ng isang interviewer.

Si Jared ang humawak ng mic.

"Hindi ko po tinatanggap na nakalalamang po ako pagdating sa looks. In general, we have our own strengths and weaknesses. Aaminin ko, hindi po ako ganoon kagaling kumanta but Paul was there for me to teach me at tyinatyaga niya kaming lahat specially me. Sometimes, tinatanong ko na din po ang sarili ko if do i really deserve the spot. May times na nahihirapan ako pag aralan ang kanta. Ang maicocontribute ko siguro sa grupo ay 'yung magiging concept ng MV for the future songs namin kasi doon po ako kampante sa talent na meron ako" sagot ni Jared.

"So, if you are the least member of your group, was there a moment na sinabihan mo siyang mag quit na lang. Kasi sabi niya, may times na nahihirapan na siya pag aralan ang kanta and sabi niya hindi siya ganoon kagaling kumanta" tanong ulit ng ibang interviewer.

Si Paul na ang sumagot.

"Never ko po naisip na tanggalin sa grupo si Jared. Strict ako kasi for our own good din naman. At hindi sapat na tatanggalin siya just because hindi siya madaling makacatch up ng kanta agad. Aaminin ko, i may be their leader and perfectionist ako pero ako ang pinakaleast na nakakagets ng steps namin sa sayaw. Lahat naman tayo may kanya kanyang kahinaan. We are his brothers and we will support each other" sagot ni Paul.

Marami pa ang nagtanong hanggang sa turn ko na para magtanong.

"Hello Almost Paradise. Are you guys in a relationship?" sabi ko.

"We are all single and we are focus on our career. Pero syempre open naman kami sa relationships but right now, priority namin ang grupo" sagot ni Joshua.

At sa 'di namin inaasahan ay dumating si Ciara.

"But Jared is in a relationship. He's my fiance" sabi ni Ciara.

Nagulat si Jared ng makita niya si Ciara.

"Ciara, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Jared.

"We own this building. And i am the Operations Director here" sabi ni Ciara.

Napalingon sa pwesto ko.

"Oh, you're here Aubrey. The fake girlfriend of Jared. Hahahah" sabi ni Ciara.

"Ciara, 'wag ka gumawa ng eksena dito" sabi ko.

"I am not. I am just stating facts. Anyway goodluck on your group, Jared. May meeting pa ako" sabi ni Ciara at umalis na.

Naririnig kong nagbubulung bulungan ang mga katabi ko.

Wait, Jared De Leon, siya ba 'yung bunso ni Mr. Joselito De Leon?

Hala.. kaya pala familiar pangalan niya. Mayaman ang family ni Jared.

Kailan kaya ang kasal nila?

Sa inis ko ay lumabas na ako ng conference room.

Hindi ko alam bakit ako naiinis.

Nagpunta na lang ako ng coffee shop para maibsan ang inis ko.

"For Ms. Aubrey" sabi ng server.

"Thanks" sagot ko.

Iinumin ko na sana ng may umagaw ng inumin ko.

"What the.." naputol ang sasabihin ko.

"Hell?" si Jared pala.

Iniinom ni Jared ang inorder ko na iced latte.

"Hindi ka naman mahilig sa kape ah" sabi ko.

"Hindi nga. Pero binili mo 'to e. Makikiinom lang" sabi niya.

"Tapos na ba interview niyo?" tanong ko.

"Yup. Nakaalis na din ang mga kagrupo ko" sabi niya.

"Oo nga pala, bakit ka lumabas agad?" tanong niya.

"Ah. N-nauuhaw na ako e. Maaga kami sa conference room" sabi ko.

"Nakakainis talaga si Ciara. Ayaw ako tantanan" sabi ni Jared.

"Wala bang magagawa ang dad mo para macancel ang kasal niyo ni Ciara?" tanong ko.

"Nakapag usap na kami ni dad about sa kasal namin ni Ciara. At naiintindihan na ako ni dad. Pero 'yung partnership nila ng dad ko at ng dad ni Ciara ang hindi pa napaguusapan" sagot niya.

"Sana naman hindi na matuloy kasal niyo" sabi ko.

"Bakit? Ayaw mo?" pang asar na tanong niya.

"H-ha? S-syempre 'di mo naman gusto si Ciara. Kaya dapat lang 'di ka makasal sa kanya"

"Oh sa iyo na 'to. Pupunta pa ako ng studio. Byeeee" sabi niya.

Napatingin ako sa iced latte ko puro yelo na lang natira.

JAREEEEEEEDDDDD!!!!!

Break AwayWhere stories live. Discover now