Chapter 12 - Looking For A Fake Girlfriend

3 0 0
                                    

Beatrice's POV

Ano naman kaya kailangan nito ni Vester at pinapapunta ako sa kanila?

Ang init init pinapalabas ako ng bahay.

Teka.. nakabalik na sila?

Dali ako pumunta sa salamin at tinignan ang sarili.

Ok naman ang ayos ko.

Hindi pa ako makapunta kina Vester dahil may work pa akong tinatapos. Naka WFH lang naman ako kaya kahit pambahay lang suot ko ay ok na. Konting wisik wisik lang pwede na.

Nakakainip ang tagal matapos ang oras ko. May pasalubong kaya ako?

After 5 hours..

Nakapag suklay na ako, pabango may kulang pa ba? Liptint sige liptint na din.

Teka bakit ba ako nag aayos?

Wala namang paki 'yun sa ayos ko.

Lumabas na ako ng bahay at nagmadali na akong maglakad.

Sa sobrang init ng araw feeling ko malulusaw 'yung taba ko sa tyan.

Nag doorbell na ako.

Walang lumabas.

"VESTERRRR!!! DALIAN MO ANG INEEEEET SA LABAAAASSSSS!!!" sigaw ko.

Lumabas na din si Vester.

"Bakit di ka pa kasi pumasok? Ay nakalock pala hahaha" sabi niya.

Sinamaan ko ng tingin.

"Kung 'di 'yan sarado sa malamang nakakupit na ko ng gamit sa bahay niyo" sabi ko at pumasok na ako sa bahay nila.

"Maupo ka dyan may ipapakilala ako sa'yo" sabi niya.

"Ha? Papakilala? Hindi naman ako looking for jowa 'no!" reklamo ko.

"Tungaw! Hindi ka naman type non. May ipapakiusap lang ako sa'yo" sabi ni Vester.

Tinawag niya 'yung kaibigan niya sa 2nd floor.

"Jared, andito na kaibigan ko. Pakilala kita" sabi niya.

Bumaba na 'yung kaibigan niya.

Hollycow.

Ang gwapo. Ang tangos ng ilong. Koreano ba 'to?

"Hello po. Ako po si Jared" ay nag tagalog. Pinoy pala.

"Ahh hello hehe. Ako si Beatrice. Hoy Vester, ano ba kailangan niyo sa'kin?" tanong ko.

"Ano kasi, itong si Jared may problema.." sabi ni Vester.

"Wala akong pera Vester" depensa ko.

"Hindi naman kami mangungutang huy! Ano kasi.. ikakasal na kasi si Jared.." sabi ni Vester.

"Oh bakit, invited ba ako? Congrats sayo" sabi ko.

"Patapusin mo muna kasi ako Beatrice! Singit ka ng singit e. Ito na nga, naka fixed marriage si Jared. Syempre ayaw pumayag ni Jared. Kaya dito siya nakatira sa amin. Dahil sigurado hindi siya tatantanan ng daddy niya" paliwanag ni Vester.

"Oh tapos, ano gagawin ko?" tanong ko.

"Ireto mo siya dun sa kaibigan mo. Fake girlfriend ganun. Babayaran naman siya ni Jared" sabi niya.

"Ha? 'Di papayag 'yun. Tsaka ang alam ko nasa U.S. 'yun ngayon dahil may event sila doon. Baka next month umuwi 'yun" sabi ko.

"Ang tagal pa pala. Ano Jared, mahihintay mo ba?" tanong ni Vester kay Jared.

"Eh kung matagal pa, baka pwedeng blind date na lang?" sabi ni Jared.

"May papayag ba dun" tanong ko.

"Try natin" sabi ni Jared.

Gumawa kami ng account sa isang online dating app para matulungan si Jared sa mahahanap niyang fake girlfriend.

"Uy, may nagmessage agad oh!" sabi ko sa kanila.

"Patingin patingin" sabi ni Vester.

"Hmmm. Pwede na 'yan. Samahan niyo ko" sabi ni Jared.

"Ay ako pass ako ah. Pwede ko kayo samahan sa loob, pero 'di ako makikipag usap sa ime-meet niyo" sabi ko.

"Tara, puntahan na natin" sabi ni Vester.

Jared's POV

Medyo kinakabahan ako.

First time ko kasi itong gagawin.

Sana mapapayag ko 'yung mamimeet namin.

"Asan kaya siya dito?" tanong ko.

"Ayun ata Jared lapitan mo na" sabi ni Vester.

Naka pink na dress.

"Ah hello. Ikaw ba si Anna? I'm Jared" pakilala ko.

"Yes, i'm Anna" sagot niya.

"Ah this is my friend, Vester" sabi ko.

"Ahh hello" sabi ni Anna.

"Ikaw na magsabi" bulong ko kay Vester.

"Bakit ako? 'Di naman ako 'yung ka blind date" sabi ni Vester.

"Dali na" sabi ko.

"Anna, tatapatin ka na namin ha. Fake girlfriend kasi hanap nitong girlfriend ko. Mag aact ka as her girlfriend tapos babayaran ka naman ni Jared... " hindi pa tapos magpaliwanag si Vester ay nagsalita na si Anna.

"Hindi ako bayaran na babae" binuhusan kami ng tubig ni Anna at umalis.

Pinuntahan kami ni Beatrice sa pwesto namin.

"Basang basa kayo. Grabe naman 'yung naka meet up niyo ang salbahe. Ito tissue oh" sabay abot ni Beatrice.

Mukhang hihintayin ko na lang ang kaibigan ni Beatrice next month.



Break AwayWhere stories live. Discover now