Chapter 41 - Vacation

2 0 0
                                    

Jared's POV

We're here at palawan! Wooh!!

"Bakasyon!!" sigaw ni Benji.

"Benji, hindi ka ba naiinitan sa suot mo?" curious kong tanong.

"HAHAHAHAHAHA!!!" tawang tawa si Vester.

"Aubrey, masanay ka na sa asawa ko. Ganyan talaga 'yan manamit kahit sobrang init ng panahon" sabi ni Jhanine.

"Ah ganu'n ba. Kasi ako ang naiinitan sa suot niya e" sabi ko.

"Fashion 'to Aubrey. Fashion influencer 'to" sabi ni Benji.

"Jared, ganyan suot ko dati 'di ba" Pinakita ko sa kanila ang itsura ko noon nung college pa kami ni Jared.

"HAHAHAHA. Oh 'di ba same fashion tayo HAHAHA" sabi ni Benji.

"Noon hahaha. Anyway, tara na at pumunta na sa kwarto natin" sabi ko.

Ang cute ng anak ni Vester.

Nag enjoy kaming lahat sa Palawan.

First time ko maka bonding ang limang boss ko sa ganitong outing.

Kasama din namin si Beatrice at pinakiusap ko kay Vester na isama ko.

"Hi Aubrey, i'm Maika. Asawa ako ni Vester" pakilala ni Maika sa akin.

"Hello po ate Maika. Ang ganda niyo po" sabi ko.

"Hala ka. Mas maganda ka uy!" sabi ni ate Maika.

"Isali niyo naman ako d'yan!" sabi ni Jhanine.

"Ako din. Hayaan natin mag bonding 'yung mga asawa natin" sabi ni Cynthia.

"Jenilyn, tara dito. 'Wag ka mahiya!" pag aya ni ate Maika kay Jenilyn.

"Si Jenilyn pala, girlfriend ni Paul" sabi ni ate Maika.

"H-hello. Pasensya na nahihiya kasi ako" sabi ni ate Jenilyn.

"Wag ka na mahiya. Tayo tayo lang dito. We are sisters here" sabi ni Cynthia.

"S-sige hehe" sagot ni ate Jenilyn.

"Pwede ko ba kayong tawagin na ate?" tanong ko.

"Ilang taon ka na ba bakit ate hahaha" tanong ni Jhanine.

"26 lang po ako" sagot ko.

"27 ako, sige na nga" sagot ni ate Jhanine.

"Mga ate, ano gusto niyong drinks? Ako na po may sagot" sabi ko.

"Ay bet ko 'yan. Tequila!!" sabi ni ate Maika.

"SHAAAAAATTT!!!" sigaw ni ate Jenilyn.

Kwentuhan lang kami at unti unti ko na din silang nakikilala.

Lahat sila ay mababait.

"Aubrey, alam mo bang napaka korni niyan ni Jared?" sabi ni ate Maika.

"Ay truuuee sis Maika hahaha" sabi ni ate Jhanine.

"Naku pag naalala ko na naman 'yung joke niya nung kasal namin ni Joshua, nakakakilabot hahaha" sabi ni ate Cynthia.

"Sanay na po ako sa joke niya haha" sagot ko.

"Dinner na pala, sino gusto magluto?" tanong ni ate Maika.

"Hindi po ako marunong magluto, kain lang po ang alam ko hahaha" sabi ni Beatrice.

"Lahat na lang tayo. Tulong tulong na lang" sabi ni ate Cynthia.

"Magluluto po ako ng sisig. Specialty ko po iyon hehe" sabi ko.

"Go sis Aubrey. Push mo 'yan. Sarapan mo masarap 'yan ipulutan hahaha" sabi ni ate Maika.

Nagsimula na kaming magluto.

Si ate Maika ay nagluto ng liempo, si ate Cynthia at ate Jenilyn naman at nagluto ng spaghetti. Si ate Jhanine naman ay fried chicken dahil paborito daw 'yun ni Benji.

Syempre ako sisig. Panalo 'to.

Tinawag na ni ate Maika ang lima.

"Tadaaaa. Si ate Maika nagluto ng liempo, kay ate Cynthia at ate Jenilyn 'yung spaghetti, kay ate Jhanine 'yung fried chicken at sakin naman 'yung SISIG" sabi ko.

"Aubrey, sisig talaga?" tanong ni Vester.

"Bakit? Masarap naman 'yung sisig ko ah. 'Di ba mga ate?" tanong ko.

"Oo, masarap 'yung sisig ni Aubrey. Osya, kumain na tayo" sabi ni ate Maika.

"Hoy, kumuha kayo ng sisig ni Aubrey!" sabi ni ate Jhanine.

"Ito na po kukuha na" sabi ni Benji.

"Hoy Vester, kumuha ka uy! Luto ng BFF ko 'yan" sabi ni Beatrice.

Sumunod na kumuha si Vester at Joshua.

Huling kumuha sina Jared at Paul.

"Ano bang meron sa sisig?" tanong ko.

Nabilaukan naman si Vester.

"Oh tubig" sabi ni ate Maika.

"Wala naman hahaha" sagot ni Benji.

"Parang ayaw niyo kasi ng sisig. Kahit si Jared, ayaw kumain nung nasa Batangas kami" sabi ko.

"Nag Batangas kayo?" tanong ni Vester.

"Actually ako lang. Sumunod lang siya. Nagbabakasyon ako nun" sabi ko.

"Basta long story tungkol sa sisig, Aubrey. Pero masarap ang sisig mo" sabi ni Paul.

"Wag ka na magtampo Aubrey. Lutuan mo na kami lahat kahit sunog pa 'yan or walang lasa 'wag lang sisig hahah" sabi ni Joshua.

"Sige na nga. Kumain na tayo. Ako na lang uubos ng sisig" sabi ko.

"Uy kakain kami sis. Masarap kainin ang sisig" sabi ni ate Maika.

Tumingin si Vester kay ate Maika habang sumusubo ito ng sisig.

"Sarap" sabi ni ate Maika.

Kwentuhan na lang kami habang kumakain.

Ang saya.

Break AwayWhere stories live. Discover now