Aubrey's POV
2 weeks na kami dito sa U.S. for a drama series. Uwing uwi na nga ako e kaso may 2 weeks pa kami dito.
"Aubrey, tibo ka ba?" tanong ng isang make up artist namin dito.
"Hindi ah. Hindi lang ako interesado sa lalaki tsaka 'di ako mahilig maglagay ng mga abubot sa katawan" sabi ko.
"E sa babae?" tanong niya ulit.
"Di ba nga sinabi ko babae ako" sagot ko.
"Maganda kang ayusan e. Gusto mo ba? Try lang" sabi niya.
"Tigil tigilan mo ko mamang. 'Di ko trip 'yang make up make up na 'yan" sabi ko.
"Kahit one time lang. Libre lang naman 'to" pangungulit niya.
"Oh sige sige mapagbigyan ka lang. 'Wag mo ko pipicturan ah" sabi ko.
"Papayag ka din naman pala e" sabi niya.
May hawak siyang pang ahit.
"Huy para san 'yan?" tanong ko.
"Aahitan ko kilay mo girl, pero wag ka mag aalala maayos ako mag kilay" sabi niya.
Inaahitan niya na ako ng kilay. Sumunod naman ay nilagyan niya ako ng moisturizer daw at primer daw.
"Oh ano naman 'yan?" tanong ko.
"Foundation 'to. Maganda 'to nacocover niya 'yung blemishes mo. Tapos patungan ko na din ng concealer" sabi niya.
"Parang ang dami mo naman nilalagay" reklamo ko.
"Konti lang 'yan girl. Chill ka lang" sabi niya.
Naramdaman kong nilalagyan niya ako ng powder.
Pagtingin ko sa salamin ay may pink sa pisngi ko.
"Huy bakit ang pula ng pisngi ko. Tsaka ano tong puti sa under eye ko" reklamo ko ulit.
"Basta" 'yun na lang naisagot niya sa'kin at nagpatuloy siya sa ginagawa sa mukha ko.
"Pang kilay 'tong nilalagay ko" sabi niya.
"Inahitan mo ko tas lalagyan mo din pala. Nang jojoke ka ba?" tanong ko.
"Ganun talaga. Oh eyeshadow naman. Gusto mo ba pakak o 'yung simple lang?" tanong niya.
"Gusto ko? Wag mo na kaya ituloy?" sabi ko.
"Ako na nga bahala. 'Yung babagay sayo" sabi niya.
Naglabas siya ng napakaraming kulay.
"Andami namang kulay niyan. Nagagamit mo ba lahat 'yan?" tanong ko.
"Oo naman. Depende kasi 'yan sa theme ng client" sabi niya.
"Oh girl pikit ka lang ah. 'Wag ka didilat pag 'di ko sinabi" naramdaman kong may nilagay siya sa eyelid ko.
"Pwede ka na dumilat. Mascara 'to ha. 'Wag malikot ang mata" sabi niya.
"Oh, ano naman 'yang pilik mata na 'yan? Meron naman ako oh" sabi ko.
"Pikit ka na lang kasi" sabi niya.
"Last na 'tong lipstick" sabi niya.
Pagharap ko sa salamin.
Wow.
'Yun na lang ang nasabi ko sa sarili ko.
Ang ganda ko.
Hindi ko maimagine na maayusan ako ng ganito.
"Girl, ang ganda mo. Sabi sa'yo eh maganda ka e" sabi ni mamang.
"Mamang, pa retouch ako please. Grabe ang init sa labas. Oh, sino siya?" sabi ni Shannel.
"Di mo ba nakikilala?" tanong ni mamang.
Umiling si Shannel.
"Si Aubrey 'yan. Ganda 'no?" sabi ni mamang.
"Well, pwede na. Sana lagi ka nakaayos Aubrey. If you want, pwede kitang turuang mag ayos. Pananamit, pag make up, iba't ibang hairstyle, shoes mga ganun" sabi ni Shannel.
"Naku 'wag na. Ok na ako sa simple lang. Hindi naman ako marunong Ms. Shannel" sabi ko.
"I will teach you" kinindatan pa nga ako.
Nakatingin pa din ako sa salamin.
"Aubrey, after work let's go shopping. Ako bahala sa'yo" sabi ni Shannel.
"Ahh s-sige po" sabi ko.
"I will be your fairy godmother hahaha. Excited na ako" sabi ni Shannel.
After matapos ang shooting ngayong araw ay inaya na ako ni Shannel na mag shopping.
"Aubrey, let's go there. Kumpleto mga kailangan natin dito. From clothes, shoes, make ups, skin care. Kumbaga ito ang lugar na kinababaliwan ng mga girls" sabi ni Shannel.
Wow ang lawak ng shop na 'to.
"I'll choose your clothes. Kuha ka lang if may nagustuhan ka just put it in the basket" sabi ni Shannel.
Ang ganda nito simple lang.
Kukunin ko na sana pero biglang binalik ni Shannel.
"Aubrey, ang simple naman ng pinipili mo. If ayaw mo masyado ng revealing clothes, ito oh bagay sa'yo" sabi ni Shannel. Maganda 'yung pinili niya.
Nakapili din ako ng shorts, skirt, blouse, jacket at dress. Buti hindi binalik ni Shannel 'yung pinili ko.
Andito na kami ngayon sa sapatos.
"Ok naman na sapatos ko" sabi ko.
"I like your sneakers. Pero syempre bili din tayo ng ibang shoes mo.
"Hindi ba mataas?" tanong ko sa kanya.
"Aubrey, 2 inches lang heels niyan. Keri mo 'yan. Masasanay ka din" at nginitian niya ako.
"Ok na siguro 'to Shannel" sabi ko.
"Pili pa tayo ng isang flats" sabi niya.
"Pwede naman pala flats bakit pinag heels mo pa ako" sinimangutan niya ako.
Sa bags naman ay hindi na ako tumanggi sa binigay niya.
"Last station, make ups! Yehey" sabi niya.
"I'll go buy din sa'kin. For you, someone will assist you there. Hi, please assist her. Thank you" sabi ni Shannel habang kausap niya ang isang staff.
"Hello miss. What do you need?" sabi niya.
"I don't know about make up. Just give me the basic needs" sabi ko.
"Okay miss. Let's know your color tone" sabi niya.
Ang dami niyang binigay sa akin.
"Is this all?" tanong ko.
"Yes miss" sabi niya.
"Thank you. I'll look for my friend" sabi ko.
"Aubrey, tapos ka na?" tanong niya.
"Oo Shannel. Ang dami binigay sakin nung nag assist. Kailangan ko ba 'to lahat?" sabi ko.
"Kaunti pa nga 'yan e. Tara bayad na tayo" sabi niya.
Andito na kami sa cashier.
Totoo ba 'tong nababasa ko?
10,000 dollars.
10,000 × 57.60 = 576,000 pesos
Wow.
"Ang mahal pala ng mga pinamili natin Shannel. Ibalik ko 'yung iba" sabi ko.
"Nah. Accept it as my gift. I'm your fairy godmother" sabi niya.
"Thank you talaga Shannel" sabi ko.

YOU ARE READING
Break Away
Ficción GeneralI was born in a wealthy family. Is fixed marriage really exist?