Jared's POV
Andito na ako sa bahay nila Ciara.
Biglang dumating si Mr. Mendoza.
"What did you do to my daughter, Jared? Ipinagkatiwala ko pa naman si Ciara sa'yo" sabi ni Mr. Mendoza.
"Nadulas po kasi siya" sabi ko.
"I don't need your excuses. You two should have been enrolled yesterday pero kung saan saan kayo nagbulakbol" sabi niya.
Nakita kong pababa na si Ciara.
"Dad, it was my fault. I asked Jared na hindi muna kami tumuloy sa school. It was an accident dad. 'Wag mo na pagalitan si Jared. He's here to take care of me, 'di ba Jared?" habang nakangiti sa akin si Ciara.
"Yes Mr. Mendoza. My dad asked me to take care of Ciara hanggang sa gumaling po siya. Then, tsaka po kami mag eenroll" sabi ko.
"Mabuti naman. Mauna na ako. I have a meeting. Ciara, mag behave ka" at umalis na si Mr. Mendoza.
"Nag almusal ka na?" tanong ni Ciara.
"Hindi pa" sagot ko.
"Do you know how to cook? I'm starving na eh" habang nagpapa cute si Ciara.
"I don't cook Ciara. Ipautos mo na lang sa katulong niyo" sabi ko.
Kulit nito. Hindi naman ako marunong magluto eh.
"Kahit simpleng hotdog and egg lang Jared. Ipagluto mo naman ako" sabi niya.
"Fine. Pag sunog naluto ko, kainin mo ah!" sabi ko.
"Where's the pan and oil?" tanong ko.
"Andun" habang tinuturo ni Ciara kung nasaan ang pan at oil.
"Eh yung hotdog at itlog, asan?" tanong ko ulit.
"Teka kunin ko" sabi ni Ciara.
Binuksan ni Ciara ang ref nila.
Habang hinahanap ni Ciara ang hotdog sa freezer ay napansin kong may malalaglag sa ulonan niya.
Mabuti at nasalo ko.
Halatang nagulat siya sa actions ko.
"May malalaglag kasi" at umalis ako agad sa pwesto ko.
"Ah.. thank you. Hindi ko napansin. Ito na pala 'yung hotdog" sabi ni Ciara habang inaabot ang hotdog.
Nagsimula na akong magluto.
Tama ba 'yung ginagawa ko?
"Just flipped the hotdog if luto na 'yung sa kabilang side" sabi ni Ciara.
"Marunong ka magluto?" tanong ko.
"Sakto lang. I lived in the U.K. for 10 years. Nung lumaki na ako, i tried to live independently. So, i cooked for myself. I do laundry and other stuffs. Wala naman ibang gagawa non kundi ako lang" kwento ni Ciara.
Nakatulala lang ako sa kanya.
"Huy! 'Yung hotdog masusunog na!" nataranta ako sa sinabi ni Ciara.
Natalsikan ako ng mantika sa kamay ko.
"Aray!!" sigaw ko.
"Anong nangyari?" nagmamadaling pumunta si Ciara sa pwesto ko habang gamit niya 'yung saklay niya.
"Natalsikan ako ng mantika" sabi ko.
"Give me your hand. Ibabad mo lang sa gripo" binuksan ni Ciara ang gripo sa lababo.
"It will help to lessen the burn" sabi niya.
"S-salamat Ciara" sabi ko.
"Ako na lang magluto ng itlog. Maupo ka na" sabi niya.
"Paano ka makakaluto? May saklay ka" sabi ko.
"Jared, paa ko lang 'yung may sprain, not my hands" sabi ni Ciara.
Hinayaan ko na siyang magluto.
Kahit mayaman si Ciara, she knows how to cook.
"Oh ito na, kuha lang ako ng coffee. Ano gusto mong maiinom?" tanong ni Ciara.
"Water na lang ako. Hindi ako mahilig sa kape e" sabi ko.
Nagsimula na kaming kumain ng almusal.
"Jared, can i ask personal question?" sabi ni Ciara.
"Bakit? Ipapakulam mo ba ako?" tanong ko sa kanya.
"Grabe ka naman sa ipapakulam. Pero nice idea ah! Pero syempre hindi. May girlfriend ka na?" tanong ni Ciara.
Halos masamid naman ako sa tanong niya.
"Grabe naman tanong mo. Wala akong girlfriend. I never had. Busy ako sa studies ko" sabi ko.
"Oh. Same pala tayo. I focused on my studies. I decided na sa Pinas mag aral ngayong college because i miss my mom" kwento niya.
"Ha? Wala ba dito si mommy mo?" tanong ko sa kanya.
"Yung nakikita mong babae dito na matanda, that's my step mom. 'Yung mommy ko, patay na" sabi niya.
"Ah. Sorry" 'yun na lang ang nasabi ko.
"Nothing to sorry Jared haha. When my mom died, daddy pushed me to study in U.K. noong una ay kasama ko siya doon mag stay. Kaso sa dami ng business ni daddy dito sa Philippines at sa ibang bansa, hindi niya ako matutukan na. That's why i live alone in U.K. pero kahit ganoon pa man, lagi pa din naman niya akong tinatawagan" kwento niya.
"Tara nood na lang tayo ng movies" pag aya ni Ciara.
Hindi nag sisink in sa akin 'yung pinapanood namin ni Ciara.
She acted so tough and spoiled pero in reality, she is looking for attention and love.
YOU ARE READING
Break Away
General FictionI was born in a wealthy family. Is fixed marriage really exist?