Chapter 28 - We Are Sick

4 0 0
                                    

Aubrey's POV

Ang lamig sa kwarto ngayon ah.

Wala naman kaming aircon bakit malamig?

Babangon sana ako kaso may nakapa ako sa tabi ko.

Dahan dahan akong lumingon kasi baka multo e.

OMG.

Si Jared.

Paano nakapasok dito 'yan?

Wala ako maalala.

T-teka.. hindi ko naman siguro binigay ang perlas ng silanganan ano?

Sa tagal ko mag isip sa kinatatayuan ko ay nagising na din si Jared.

"Bakit ako andito?" tanong niya.

"I-ikaw ang dapat ko tanungin! Bakit ka nasa kwarto ko?" sagot ko.

"Hindi ko maalala. Teka, nilalagnat ba ako? Bakit ang init ko?" lumapit ako sa kanya at hinawakan ang noo niya.

"Mainit kamay mo ah. Nilalagnat ka din" hawak din ni Jared ang noo ko.

"Naulanan tayo kagabi" sabi niya.

"Kasalanan mo kasi. Kung hindi ka pumunta dito at nagpakabasa sa ulan..." hinila niya ako at niyakap.

"Wag ka na maingay. Nilalagnat na nga tayo e" sabi niya.

"Hindi ka pwede makita ni mama dito" sabi ko.

"Bakit naman hindi pwede. Wala naman tayong ginawang masama" sabi niya.

"Wala nga. Pero hindi mo nga maalala kung paano tayo nakarating sa kwarto ko e" angal ko.

"Bakit gusto mo ba may mangyari?" pinalo ko siya.

"Aray naman. Ang brutal mo" reklamo niya.

"Bababa muna ako. Tignan ko kung andun si mama. Pag wala, labas ka na at umuwi" sabi ko.

"Pauuwiin mo ko na may sakit? What if maaksidente ako kasi may sakit ako" sabi niya.

"What if hampasin kita! E anong gagawin natin, alangan mag stay ka dito" sabi ko.

"Why not? Alangan pauwiin mo ko na nahihilo at nilalagnat" sabi ni Jared

"Nangonsensya ka pa! E pano ka matutulog dito. Makikita ka ni mama!" sabi ko.

"Ano naman? Wala naman tayo ginagawang masama. Gusto mo ba may gawin tayo?" ngumiti pa ng pang asar.

Binato ko nga ng unan.

"Dyan ka lang ah! Kukuha lang ako ng pagkain natin" sabi ko.

Bumaba na ako para kumuha ng pagkain.

"Ma, ano po pagkain?" tanong ko kay mama.

"Ito may spam at egg, nag sangag din ako. Tinabihan na kita ng pagkain" sabi ni mama habang pinapakita ang pagkain ko na nasa plato na.

"Ma wala na po bang extra? Medyo gutom po ako e hehe" sabi ko.

"Takaw mo naman ngayon anak. Buti nalang may natira pa dito sa kawali, ubusin mo na" sabi ni mama habang sinasalin ang natirang sinangag sa plato ko.

"May mainit pa dito, magtimpla ka ng kape mo" dagdag pa ni mama.

Nagtimpla na akong kape. Iaakyat ko na sana ang pagkain ko ng nagsalita ulit si mama.

"Sa kwarto ka kakain? Dito ka kumain" sabi ni mama.

Lagot. Never ko pa kasi ginawa na sa kwarto kumain.

"Ah may gagawin pa po kasi ako sa kwarto e" alibi ko.

"Kumain ka muna tsaka mo gawin 'yung gagawin mo sa kwarto mo" sabi ni mama.

Patay.

Ano pa ang idadahilan ko?

"Ma, may morning interview kasi ako, nasa waiting list pa ako kaya balak ko doon na ako kumain tapos habang naghihintay na matawag kakain muna ako" sabi ko. Sana kumagat na.

"Osya bahala ka. Wag ka magkakalat ng pagkain mo don!" hay sa wakas makakain na.

Paakyat na ako ng nagsalita na naman si mama.

"Akin na kape mo baka malaglag pa at dumami e" sabi ni mama.

"Ma kaya ko na po ito" sabi ko. At nagmadali na akong umakyat.

Wew.

Nasa kwarto na ako.

"Pawis na pawis ka ah" pang asar ni Jared.

"Andami ko pang sinabi na alibi para maiakyat ko 'yung pagkain natin" sabi ko.

Tinignan niya ang pagkain.

"Pasensya na. 'Yan na lang ang natirang almusal e. Hati na lang tayo ah. Ito kape para mainitan ka" sabi ko.

"Ok lang, nakakamiss nga mag ulam ng ganito e" sabay subo niya.

Ngayon ko lang napansin na isang kutsara't tinidor lang ang dala ko.

"Sayo na yang kutsara't tinidor. Magkakamay na lang ako" sabi ko.

Kumain na kami ng tahimik.

Kahit papano ay bumaba na ang lagnat namin ng makakain na kami at makainom ng gamot.

"Sana araw araw ganito" sambit ni Jared.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Wala lang. Walang problema. Kasama lang kita" wow napaka straight ng sagot.

"A-ahh. H-hehe" wala ako masabi.

"So mahal mo ko?" tanong niya.

"H-ha? S-sinabi ko ba 'yun? Guni guni mo lang 'yun! Oo, guni guni mo lang" sabi ko. Kaya mo 'yan Aubrey.

"Ahh guni guni ko lang ba?" sabi ni Jared.

Nagulat ako.

Hinalikan niya ako ulit.

Break AwayWhere stories live. Discover now