Aubrey's POV
Gabi na pala.
Gutom na din ako.
SH1T!!!
Wait! Kanina pa ba 'to naka call?
Huy! 'Yung load ko huhu.
Alam niyo ba kung sino ang natawagan ko?
Si Jared.
A: H-hi.. sorry natawagan kita. Napindot ko siguro habang tulog ako..
J: ang lakas mo nga maghilik e. **sniff**
A: hoy grabe. Teka.. umiiyak ka ba?
J: medyo hehe.
A: bakit?
J: walang magawa si daddy para macancel yung wedding namin ni Ciara. Ayaw pumayag ng daddy ni Ciara.
A: ok ka lang ba? Syempre hindi. Ahmm. Is there anything i can do to help you?
J: labas tayo
A: labas? Saan naman tayo pupunta?
J: anywhere. Makapag pahangin sa labas.
A: sige. Sunduin mo ako?
J: of course. I'll be there in 15 minutes.
WTH? 15 minutes?
20 minutes nga ako maligo e!
Nagmadali na akong maligo.
I'll just wear baggy pants, crop shirts magbaon na lang din ako ng jacket in case malamig sa labas.
Narinig kong nag busina na si Jared.
Bumaba na ako.
"Tara?" sabi ko.
Nag drive lang si Jared.
Hindi ko na magawang magsalita kasi baka kailangan niya muna ng katahimikan.
"Di ka nagsasalita" sabi ni Jared. Nagulat pa ako.
"Ay kalabaw!!" sambit ko.
"Mukha ba akong kalabaw?"
"Sorry sorry hahaha" sabi ko.
"Hahahaha" sabi niya.
"Tumawa ka din. Mas gwapo ka pag ngumingiti ka" sabi ko.
"So, gwapo ako?" tanong niya.
"H-ha? O-oo. Lahat naman gwapo. Walang pangit sa mundo" sabi ko.
"We're here. Sana open pa sila" andito kamo ngayon sa tapat ng Star City. Really?
"Ayaw mo ba?" tanong niya.
"Hindi. Tara tara. Baka open pa" pag aya ko.
Tumakbo na kami.
"Sarado na pala" sabi ni Jared.
"Saan na tayo?" tanong ko.
"Tara sakay ka muna" sabi niya.
Nagdrive lang siya hanggang sa may nakita kaming perya.
"Dito na lang?" wow. Namiss ko mag perya.
"Tara" naeexcite ako haha.
"Ano gusto mo unahin?" tanong niya.
"Ayun oh! May horror house. Tara!" pag aya ko.
"H-ha? D'yan talaga?" tanong niya.
"Why? Are you iskerd? hahaha!" pang asar ko.
"H-hindi ah. Tara na nga!" sabi ni Jared.
Pumila na kami papasok.
"Kuya, dalawa po" sabay abot ng ticket.
Papasok palang kami sa loob ng horror house pero ramdam kong takot si Jared.
Subukan ko ngang gulatin.
"Woah!!!" sabi ko.
"Aaahhh!!!" sigaw niya.
"HAHAHAHAHA!! Ok ka lang?" tanong ko.
"Aubrey!!! 'Wag mo ko gulatin!" sabi niya.
"Tara, lakad na tayo. Just hold my hand" sabi ko.
Hinawakan niya kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya.
Bakit ganu'n? 'Di man lang natakot to sa mga nang gugulat sa loob? Sa akin lang siya nagulat.
Nakalabas na din kami.
"Di ka natakot?" tanong ko.
"Mas nakakatakot ka pa e" pang asar niya.
Nahampas ko tuloy siya.
"Tara dito naman" pag aya ko sa ferris wheel.
"Safe ba d'yan?" tanong niya.
"Oo naman. Nakailang sakay na ako sa mga ganyan" sabi ko.
Buti na convince kong sumakay siya.
"Waaah. Nakakamiss sumakay dito" sabi ko.
"Bakit naman?" tanong niya.
"Noong bata pa ako nung huling sakay ko dito. Nung lumaki na ako, naging busy na ako" kwento ko.
"Ah.. ok din pala dito sa perya 'no?" tanong niya.
"Oo naman. Pagkatapos natin dito, doon tayo sa color game" sabi ko.
"Color game? Pano 'yun?" tanong niya.
"Color game. Tataya ka lang sa tingin mo lalabas 'yung kulay. May 3 box kasi doon. Pag tatlong kulay ang natamaan mo edi x3, pag dalawa edi x2. Pag isa, edi x1. Try natin" sabi ko.
Natapos na kami sa ferris wheel.
Andito na kami sa color game.
Naglagay na ako ng bente sa dilaw.
"Bente lang? Dito ako sa puti" 100 nilagay niya.
Nag roll na ang color dice.
Hindi lumabas ang puti. Red at dalawang dilaw ang lumabas hahaha.
"Yes!! Sabi sayo e! HAHAHA!" sabi ko.
"Sige sa pula naman ako" sabi niya. Naglagay ulit siya ng 100.
"Sa puti ako at sa green" nilagyan ko ng tig bente.
Nag roll na ang color dice pero hindi lumabas ang puti at green huhu. Lumabas ang pula x3 pa!!
"Yesss!! Woohhh!!" sigaw niya.
"Kala mo ah! Magaling 'to!" pang asar niya.
"Tsamba!" sabi ko.
At ayun na nga. Sunod sunod na ang talo namin ni Jared kaya umayaw na kami.
"Uwi na tayo?" tanong ni Jared.
Tumunog ang tyan ko.
"Gutom ka? Tara drive thru" sabi niya.
Andito kami sa may drive thru ng Mcdonalds
"Ano gusto mo?" tanong niya.
"Chicken burger na lang at coke float. Been craving sa coke float nila" sabi ko.
"Uy same. Naalala ko nung college tayo, mura lang ang coke float nasa 25 lang ngayon 43 na ahaha" sabi niya.
"Tapos siomai rice lang sapat na" sabi ko.
"Natatandaan mo pa ba 'yung biniilhan natin ng kwek kwek?" tanong niya.
"Oo naman. Muntik na nga ako mahighblood dahil lagi ko inuubos kwek kwek ni manong. Ang sarap kasi ng sauce hahaha" sabi ko.
Sa dami ng pinagkwentuhan namin ay hindi namin namalayan ay andito na kami sa bahay.
"Thank you sa pagsama sa akin" sabi niya.
"Wala 'yon! Malakas ka sa akin e" sabi ko.
Pababa na sana ako pero hinila niya ako pabalik at niyakap.
"Sana lagi na lang kitang kasama Aubrey, para hindi na ako ma-sad" sabi niya.
"Sige na. Uwi ka na. Late na din. Bye Aubrey" sabi niya.
Kung alam mo lang Jared.
![](https://img.wattpad.com/cover/367657560-288-k444688.jpg)
YOU ARE READING
Break Away
Ficción GeneralI was born in a wealthy family. Is fixed marriage really exist?