Chapter 6 - Funny Moments

3 0 0
                                    

Aubrey's POV

Andito pa din ako sa library para basahin 'yung libro.

Maganda 'yung story kaso bigla akong inantok.

Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako.

Jared's POV

Nakatapos din mag enroll! Wooh!

Kinakapa ko 'yung bulsa ko kaso hindi ko makapa 'yung phone ko. Saan ko naman nailapag 'yun?

Isip Jared. Bilis.

Ah! Sa library!

Tumakbo na ako papuntang library at binalikan ko 'yung pwesto ko.

Mabuti at andito pa 'yung phone ko. Wala bang nagawi dito?

Palabas na sana ako sa book section ay may nakita akong tulog sa gilid.

Teka, si mr. humor pala 'to.

Tulog?

Mapicturan nga hahaha.

Pwepwesto na sana ako para picturan ko siya kaso...

"Don't you dare to take a picture of me" sabi niya. Teka, gising?

"Sorry akala ko tulog ka" sabi ko.

Tatayo na sana ako kaso biglang naghilik.

Ano to? Nagsasalita habang tulog. Hahaha.

"Ano akala mo sa'kin hindi gaganti?" sabi niya ulit.

"Sino ba kaaway mo?" sabi ko. Hindi naman niya ako maririnig.

"Excuse me student. Patahimikin mo 'yang kasama mo o palalabasin ko kayo. Ang ingay ng kasama mo" sabi ng nagbabantay ng library.

"Pre.. pre.." ayaw magising ah.

Pa'no ba 'to? Kailangan ko pa naman umuwi na.

Aubrey's POV

Sino ba 'tong lintek na nang gigising sa akin. Ayaw ko pa naman na ginigising ako pag tulog.

Pag dilat ko ay si pogi.

"Nananaginip ba ako?" tanong ko sa sarili ko.

"Hindi pre. Gising kana" sabi niya.

"Teka? Pa'no mo narinig 'yung sinabi ko? Nasa utak ko lang 'yun ah" sabi ko.

"Nagsalita ka kaya hahaha. Nagsasalita ka kasi ng tulog. May kaaway ka ba sa panaginip mo?  Pinapalabas na tayo ng nagbabantay dito. Pwede mo naman hiramin 'yang book na 'yan. Present mo lang student ID mo" sabi ko.

"Ah, sige. Maganda 'yung story" sabi ko.

Nginitian lang niya ako.

Palabas na kami ng library.

"Una na ako may part time job pa ako e" paalam ko. Buti ginising ako kundi male-late na ako sa trabaho ko.

Sa pagmamadali ko tumakbo ay natapilok pa ako. AWIT.

Nakita kong tumakbo si pogi papalapit sa akin.

"Ok ka lang ba?" tanong niya.

"Obvious ba hindi? Itayo mo na lang ako" utos ko.

"Ano pala pangalan mo?" tanong niya ulit habang inaalalayan niya ako tumayo.

"Aubrey.. Aubrey Reyes" pakilala ko.

"Babae ka? Anyway i'm Jared De Leon" pakilala niya.

"Bakit? Ano meron kung babae ako. Kanina ka pa pre ng pre. Una na ako talaga male-late pa ako sa part time ko" naglakad na ko.

"Aray" napilayan pa ata ako.

"Napilayan ka ata, Aubrey" sabi niya.

"Ok lang ako. Malakas ata 'to" sabay pakita ng braso ko.

Natawa si Jared.

"Mag iingat ka" sabi niya.

Late na ako.

Jared's POV

Aubrey.. nice name. Akala ko talaga ay lalaki siya. Kakahiya.

Pabalik na ako sa kotse ay nakita kong nakatayo si Ciara at mukhang hinihintay ako.

"Why took you so long? Sumasakit na binti ko" reklamo ni Ciara.

"I didn't asked you to wait for me. 'Di ba pinapauwi na kita?" sabi ko.

"Gusto mo ako mag commute? Err not my thing Jared" sabay irap sakin.

"Open the car naiinitan na ako dito oh" reklamo niya ulit.

No choice na naman ako kundi isabay siya at ihatid pauwi.

"Can we go to coffee shop? I'll buy something" sabi niya.

Ginawa pa akong personal driver nito ah.

Nagpark na ako.

"Hindi ka ba bababa?" tanong niya.

"No. I'll stay here" sagot ko.

Simangot siya e.

Hindi naman ako coffee lover e.

After 15 minutes..

"Napaka bagal ng service ng coffee shop na 'to" sabay inom niya ng kape.

I'll just try to ignore her at gusto ko na ng peace of mind.

"Thanks sa paghatid" sabi niya at kumaripas na ako magmaneho dahil wala naman na akong sasabihin sa kanya.

Kailangan ko ba lagi kasama 'tong si Ciara?

Break AwayWhere stories live. Discover now