Ciara's POV
"Ciara, have you heard the news?" bungad ni dad sa akin.
"What news dad? I'm kinda busy today" sagot ko.
"Tuloy na ang kasal niyo ni Jared" sabi ni dad.
"What? Are you joking me dad? Paano naman napapayag si Jared?" tanong ko.
"Mr. De Leon is sick. And their businesses are starting to lose" sabi ni dad.
"So, later on tayo na ang hahawak ng business nila" sabi ko.
"Yes. Kaya mag set ka na ng date ng kasal niyo ni Jared. And better na hindi na na ito maka cancel pa ulit" paalala ni dad.
"Yes dad. Honestly, i love Jared since we were kids. If naalala niyo 'yung may meeting kayo before with Mr. De Leon. Jared was there" kwento ko.
"Then, mas lalo mong gawin ang lahat para hindi mag back out si Jared sa kasal niyo. Set the date as soon as possible" sabi ni dad.
"I guess next year na, i have many appointments right now at hindi ko pwedeng icancel" sabi ko.
"Ok. Fine. But make sure..." pinutol ko na ang sasabihin ni dad.
"Yes dad. Ako ang bahala" sabi ko.
Tapusin ko lang ang mga meetings ko.
Napaka importante kasi nitong meeting dahil may expansion kami ng business sa ibang bansa. So just wait for me, Jared.
Aubrey's POV
Totoo ba itong nalaman ko?
Pumayag na si Jared ikasal kay Ciara?
Bakit?
Naguguluhan ako.
Ano 'yung pinaramdam niya sakin, joke time lang ba 'yun?
Prank lang ba 'yun?
Oo, wala naman siyang inaamin pero alam ko sa sarili ko na meron.
Tumatawag si Jared.
Pero hindi ko sinasagot ang tawag.
Tumawag ulit pero hindi ko sinagot.
Tinulugan ko na lang.
Hanggang sa..
"Anak, may sumisigaw sa labas. Hanap ka" ginigising ako ni mama.
Nakapikit akong sumagot sa kanya.
"Ma, sabihin mo wala ako. Inaantok na po ako" sagot ko.
"Magkaaway ba kayo ni pogi? Osya, sabihin ko na lang na tulog ka na" sabi ni mama.
Bumaba na si mama.
Dinig ko 'yung boses ni mama galing sa gate namin.
"Pasensya na Jared. Tulog na tulog. Kanina pa 'yun tulog e simula nung hapon. Balik ka na lang" sabi ni mama.
"Sige po salamat po" sagot ni Jared.
Hindi ko narinig umalis ang sasakyan niya.
Baka commute?
Pake ko ba.
Hanggang sa narinig ko na biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Nakauwi naman siguro 'yun no?
Tulog na ako ulit.
Naalimpungatan ako ng 2 am na at hindi pa din tumitila ang ulan.
Binuksan ko ang balcony sa kwarto ko para sumilip.
Teka.. may kotse sa harapan namin.
Familiar to.
Kay Jared.
Hindi umalis?
Asan siya?
Kinabahan ako.
Dali akong bumaba ng hagdan at kumuha ng payong.
"Jared! Jared! Asan ka?!" sigaw ko.
Wala siya sa sasakyan niya. Asan siya?
"Jared!" sigaw ko ulit.
May tumakbo sa kung saan ako nakatayo.
"Hanap mo ba ako?" basang basa si Jared sa ulan.
"Nakasilong ako doon sa puno. Kumidlat kasi kanina natakot ako. Kaya sumilong na lang ako" paliwanag niya.
Sa di ko maintindihan ang mararamdaman ko ay nabitawan ko ang payong na hawak ko at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Aubrey.." sambit niya.
Umiyak lang ako.
"Bakit ka umiiyak?" tanong niya pero hindi ako sumagot.
Niyakap niya din ako.
"Wag ka na umiyak. Andito na ako" sabi niya. Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.
"Ikakasal ka na Jared... " sabi ko.
"Ang daya daya mo.." sabi ko ulit.
"Ano ba ako sa buhay mo?" tanong ko.
Patuloy lang siyang nakikinig sa akin.
"Jared, mahal kita. Bakit ganu'n" sabi ko.
Umiyak lang ako ng umiyak.
"Aubrey, mahal din kita. But maybe, we are not meant to be. I'm sorry" sabi niya.
We kissed.
![](https://img.wattpad.com/cover/367657560-288-k444688.jpg)
YOU ARE READING
Break Away
Ficción GeneralI was born in a wealthy family. Is fixed marriage really exist?