Chapter 30 - Sneak Out

4 0 0
                                    

Ciara's POV

Hindi ako makabangon.

Nilalagnat pala ako.

Narinig kong may tumatawag sa phone ko. Ang aga aga.

'Yung taga report ko pala.

"Madam, hindi po umuwi si sir Jared sa bahay nila" sabi niya.

"What? Saan naman pupunta 'yun? Sige na. I need to rest. Thanks" binaba ko na ang call.

Saan naman siya pupunta?

Teka.

'Wag ko lang malaman na doon natulog si Jared kina Aubrey!

Hindi ako makakapayag!!

Tinawagan ko ulit ang reporter ko.

"Manong, can you please go to Aubrey's house. Pag andon pa din kotse ni Jared. Andun siya" sabi ko.

"Sige po" sagot niya.

You'll pay for this Aubrey. Malaman ko lang.

Ilang oras ay tumawag na ang reporter ko.

"Madam, wala po dito ang sasakyan ni sir Jared" sabi niya.

"Oh. Okay. Thanks" sagot ko.

Saan naman nagpunta 'yun?

Aubrey's POV

"Gising ka na pala Aubrey. Nakita mo na car key ko?" tanong ni Jared.

"Teka ah. Kakagising ko lang. Ah! Oo, kaninang umaga nilipat ko ung kotse mo doon sa may bakanteng lote malapit dito. Bawal kasi mag street parking dito. Kaya doon na lang muna" sabi ko.

"Ah, okay. E asan nga?" tanong niya ulit.

"Wait. Ah! Andon sa may mini bag ko nakasabit do'n" habang tinuturo ko ang bag ko.

Kinuha niya ang susi sa bag.

Medyo nawawala wala na ang lagnat ko. Konting pahinga na lang.

"Mainit ka pa ba?" tanong ko. Habang hinahawakan ang noo niya.

"Sinat ka na lang din pala" sabi ko.

Nakatingin lang siya sa akin.

"Kaya mo na ba umuwi?" tanong ko.

"Pinapauwi mo na ba ako?" tanong niya.

"Hindi naman..." naputol ang sasabihin ko ng nagsalita siya ulit.

"Uy ayaw niya ako pauwiin hahah" pang asar niya.

Hinampas ko nga ng unan.

"Loko loko ka talaga! Ang ibig kong sabihin, dahil hindi ka naman na masyadong nilalagnat at nahihilo, kaya mo na sigurong umuwi. Baka makita ka pa ni mama dito" sabi ko.

"Pag umuwi na ako, si Ciara na ang makakasama ko" malungkot na sabi niya.

We have the right love at the wrong time.

Ako ang nauna pero siya ang wakas.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot.

One thing i know, mahal ko si Jared.

Niyakap niya ako ulit.

"Uwi na ako?" tanong niya.

"Baka hinahanap ka na din sa bahay niyo" sagot ko.

"No one will find me. All they care is our business at unfortunately, ako 'yung pang pain" sabi niya.

"Sige na uwi ka na" sabi ko.

"Oo nga pala, magbubuo kami ng sariling company sa grupo namin. Mag apply ka samin, hindi ka magagalaw ni Ciara doon dahil kaming lima ang may ari" sabi ko.

"Sure ka ba? Ang galing naman magkakaroon na kayo ng sarili niyong company" sabi ko.

"Yes. Matagal na naming plano 'yun. Hindi na namin gusto sa bagong management dito. Kaya naisipan namin gumawa ng sarili naming company. Back to zero pero atleast we are free" sagot niya.

"All support ako sa inyo. E ano naman ang position ko doon?" tanong ko.

"Edi sa puso ko HAHAH este pwede ka maging creative director. Magiging katuwang kita sa pag direct like music videos namin. Mas magaling ka kaya sa akin" sabi niya.

"Uy hindi ah. Pero thank you sa opportunity. Looking forward to work with you Mr. De Leon hahahah!" sabi ko.

"You are hired Ms. Reyes" sabi niya.

Nagtawanan na lang kaming dalawa dahil maya maya ay uuwi na siya.

"Nakakamiss nung college 'no? Nakakamiss din 'yung food sa canteen" sabi ko.

"Ubos nga lagi pera ko dun e. Pero atleast masaya ako" sabi niya.

"Ubos pera mo kakaburaot ko sa'yo? Hahaha" sabi ko ulit.

"Syempre mabait ako e. Hindi ba?" juskolord. Tinitigan na naman ako ng isang Jared. Malulusaw ako nito e.

"Ahh ehh, oo naman mabait ka" sabay tulak ko sa kanya papalayo sa akin.

"Sige na uwi na ako. Baka tulog na din si tita" paalam ni Jared.

"Tignan ko muna sa sala" sabi ko.

Lumabas na ako ng kwarto.

Joshkopo, nagulat pa ko sa mama ko.

Naka facial mask pa akala tuloy mumu.

"Mama naman. Aatakihin pa ko sa puso sa'yo. Gabing gabi na naka mask ka pa" sabi ko kay mama.

"Bakit ba? Kayo lang ba may karapatan gumamit. Bakit gising ka pa?" tanong ni mama.

"Ah. Nagugutom ako e" sabi ko.

"Ah. Osya balik na ako sa kwarto. Matulog ka na puro ka lamon" sabi ni mama.

Bumalik na ako sa kwarto para balikan si Jared.

"Tara na" sabi ko kay Jared.

Palabas na sana kami ng kwarto ng lumabas ulit ng kwarto si mama.

Tinulak ko papasok si Jared at mukha pa ngang natumba sa pagkakatulak ko.

"Oh, akala ko ba nagugutom ka?" tanong ni mama.

"Opo nga ma. May kinuha lang ako sa kwarto ko bago kumain hehe" wew. Muntikan na kami.

"Tulog ka na ma. Sayang 'yang mask mo kung magpupuyat ka lang din" sabi ko.

Pumasok na sa kwarto si mama. Sana 'di na lumabas.

Bumalik ulit ako ng kwarto.

"Tara" sabi ko.

Successful naman ang paglabas namin ng bahay.

"Dito ko pinark 'yung kotse mo" sabi ko.

"Salamat sa pag alaga mo" sabi niya.

"Sige na uwi ka na. Ingat ka" kumakaway na ako sa kanya.

Pero lumapit siya sa akin at niyakap.

"I love you Aubrey" sabi niya.

"Mahal din kita Jared pero ikakasal ka na kay Ciara" sagot ko.

"At least kahit ganito, nasabi ko 'yung feelings ko para sa'yo. I wish ibang tao na lang ako para walang Ciara sa buhay ko" sabi niya.

"Edi ibang tao din magugustuhan ko. May plano si God bakit ito nangyayari. And i know, God has a better plan for us. Osya, uwi ka na" nag paalam na ako at bumalik na sa bahay.

Maybe this will be the last time?

Break AwayWhere stories live. Discover now