Jared's POV
Nakarating na ako sa bahay ng may nagmessage sa akin.
Si Ciara pala.
"Hi fiance. We have an appointment tomorrow kay Francis Libiran. Kailangan na natin magpasukat. Be there at 2 pm"
Hindi na ako nag reply.
Hinihintay ko mag message sa akin si Aubrey kung nakauwi na ba siya.
11 pm na. 6pm kami nag uwian sa office.
Ano bang ginagawa ni Aubrey?
Ilang beses na akong tumatawag pero hindi siya sumasagot.
Gusto ko siyang puntahan sa kanila.
Aubrey's POV
Ayaw ko munang umuwi.
Dahil matagal pa naman ang susunod na event namin at pahinga muna kami ng ilang araw.
Naisipan kong dito muna ako dumiretso sa Batangas at mag unwind.
Bukas na lang ako mamili ng mga susuotin ko dahil wala akong bitbit kundi ang phone at wallet ko lang.
"Thank you po manong" sabi ko sa driver ng grab.
Nag check in na ako at dumiretso muna ako sa dalampasigan para tanawin ang dagat.
Nang makaramdam na ako ng ginaw ay pumunta ako sa bar para bumili ng beer.
Pumunta na akong kwarto at doon uminom.
Nanood na lang ako ng netflix habang nag iinom.
Ewan ko ba kahit comedy ang palabas ay umiiyak ako.
"T4ng1na!!" sigaw ko.
Doon na ako nag breakdown.
Bakit ang hirap mong mahalin Jared.
Sana ibang tao na lang ang minahal ko para hindi ako nagkakaganito.
Kinuha ko ang phone ko para tignan ang oras.
Hays, lobat pala ang phone ko.
Ok na din siguro 'to para walang makatawag sa akin.
Kahit ilang araw lang ay makapahinga ako.
Jared's POV
Hindi ko na matawagan si Aubrey.
Kinakabahan na ako at hindi mapakali.
Pumunta na ako sa bahay nila Aubrey.
Nag doorbell ako pero mukhang tulog na ang mga tao dito.
"Aubrey!" sigaw ko.
Pero walang lumalabas.
Uuwi na sana ako ng may nagbukas ng ilaw sa gate nila.
Si tita pala.
"Jared? Oh Jared, naparito ka. Si Aubrey ba hanap mo? Hindi pa siya umuuwi. Nag message siya sa akin na sa Batangas daw siya muna didiretso at magbakasyon" sabi ni tita.
"Ah sige po tita. Hindi po kasi siya nag rereply. Sige po, uwi na po ako. Naistorbo ko pa po tulog niyo" sabi ko.
"Ok lang iyon. Congratulations pala, ikakasal ka na sa tagapag mana ng Mendoza Group ah" sabi ni tita.
Ngumiti na lang ako.
"Una na po ako" paalam ko.
Saan ko naman siya hahanapin sa Batangas.
Umuwi na lang ako.
Iniisip ko pa din si Aubrey kung nasaan siya.
Hindi ako makatulog.
Aubrey's POV
Lasing na lasing na ako.
Ngayon na lang ako ulit nakapag inom ng ganito.
Gusto ko pa uminom kaso 'di ko na kaya talaga.
Pero dahil mapilit ako, bibili pa ako hehe.
Lumabas na ako ng kwarto at pumunta ulit sa bar para bumili ng beer.
"K-kuya, pa order pa po ng 2 bote ng beer" sabi ko.
"Lasing na po kayo madam ah. Kayo lang po uminom ng kanina?" tanong ni kuya.
"Ah oo. Bitin pa ako e" sagot ko.
"Kunin ko lang po 'yung order niyo" sabi ni kuya.
"Ito na po" sabay abot ng bote.
"Kuya, anong pangalan mo?" tanong ko.
"Terry po" sagot niya. Oh Terry. Familiar ah.
Kinuha ko na ang bote at lumabas na.
Nanlalabo na paningin ko sa hilo.
Hindi ko alam kung diretso pa ba lakad ko.
"Madam, hatid ko na po kayo. Saan po ba kayo?" sabi ni kuya Terry.
"Kaya ko na po kuya. Ok lang po ako" sabi ko.
"Lasing na po kasi kayo" sabi niya.
"Ok lang ako kuyaaaa, o-ok lang a-ako" nag breakdown na naman ako.
"Madam, ok lang po ba kayo?" hindi na ako sumagot at umiyak na lang ako ng umiyak.
Nung nahimasmasan na ako ay naglakad na ako pabalik sa kwarto ko.
Jared, i love you.
YOU ARE READING
Break Away
Ficción GeneralI was born in a wealthy family. Is fixed marriage really exist?