Jared's POV
"Mommy, may alam ba kayo tungkol sa arrange marriage?" tanong ko kay mommy.
"Yes anak. Tutol ako sa plano ni daddy mo but i don't have anything to do. I'm sorry anak" sabi niya.
"Mom, i'm leaving next week for my training. Please support me mom" sabi ko.
"Of course anak. If you don't love Ciara, then i will believe in you. Gawin mo ang lahat para sa career mo anak" sabi ni mommy.
After one week..
Andito na kami sa South Korea..
Simula noong pumunta ako dito ay hindi na ako kinakausap ni dad.
I follow my dreams.
This is what i want.
Ayaw ko magpakasal sa hindi ko naman mahal isa pa wala pa sa isip ko ang magpakasal.
Hindi naging madali ang buhay namin dito sa South Korea.
Malayo kami sa mga parents namin.
At mas dumoble ang training namin dito.
Mas mahirap din dahil kailangan namin matuto magsalita ng language nila.
"Jared, may tumatawag sa phone mo" sabi ni Paul.
Si daddy pala.
D: Jared, umuwi ka na dito. You and Ciara must get married this year.
J: Dad, ipagpipilitan niyo pa din ba 'yan? May sarili akong pangarap. Isa pa, hindi ako magpapakasal kay Ciara.
D: that's final Jared. Umuwi ka na.
Binaba na ni dad ang tawag.
Bigla akong naluha sa nangyari.
Narinig pala nila Paul ang naging usapan namin ni daddy.
"Jared, kung may dinadala kang mabigat na problema, handa kaming makinig na mga kuya mo ah" sabi ni Paul.
"Ano ba 'yan fixed marriage? Uso pa ba 'yan?" tanong ni Joshua.
"Isa lang masasabi ko Jared, ipaglaban mo kung ano ang tama at kung saan ka masaya" sabi ni Benji.
"Oo nga Jared. Kakampi mo kami. Gusto mo ba ireto kita sa kaibigan ko? Para kunwari may gf ka na at hindi si Ciara ang gusto mo. Ano, deal ba?" tanong ni Vester.
"Ha? T-teka naguguluhan ako.. ano 'to, bibigyan mo ko ng fake girlfriend?" tanong ko kay Vester.
"Oo, 'wag ka mag alala. Mabait 'yun pero 'di kayo talo non HAHAHAH" sabi ni Vester.
"Tsaka na natin isipin 'yan pag nasa Pinas na tayo. Praktis na tayo ulit. Salamat sa inyo ah" sabi ko.
Kinabukasan..
Maaga ako nagising at pumunta na ako agad sa dance studio.
Isa isa na din silang dumating pero hindi nila ako pinapansin. Dahil hindi ako mapakali ay nagsalita na ako.
"Hoy!" sigaw ko.
"Hoy daw oh! Walang galang" sabi ni Paul.
"Hoy po!" sabi ko.
"Bakit ba 'di kayo namamansin" tanong ko.
Pero hindi sila kumibo.
Nag walkout ako.
Alam naman nila na may pinoproblema na ako tapos 'di nila ako papansinin?
"Hoy bunso, it's a prank!" sabi ni Joshua.
"May munting surprise kami para sa'yo. Para gumaan naman pakiramdam mo" sabi ni Paul.
Cake.
"Nag bake kami ah. Ginawa namin 'yan!" sabi ni Benji.
"Salamat sa inyo ah. Naappreciate ko kayong lahat" sabi ko.
Nag group hug kaming lima.
After 7 months..
Nakauwi na kami ng Pinas.
Hindi ako dumiretso sa bahay namin dahil sigurado ay ipapakasala ako agad ni daddy kay Ciara.
Dito ako nakatira ngayon kay Vester.
"Jared, pagpasensyahan mo na bahay namin ah" sabi niya.
"Wala 'yun. Ako pa nga itong nakakaistorbo sa inyo" sabi ko.
"Welcome ka dito kahit 'di ka maligo ng isang buwan tanggap ka namin dito. De joke lang. Feel at home bunso" sabi ni Vester.
Nagligpit na kami ng gamit.
"Oo nga pala Jared, tawagin ko kaibigan ko para maipakilala na kita doon sa kaibigan niya" sabi niya.
"Naku 'wag na kaya. Nakakahiya naman. Mag blind date na lang kaya ako? Or iba na lang. Wag sa kakilala mo nakakahiya" sabi ko.
"Nge. Sa ibang tao di ka nahihiya. Basta ako bahala sayo" sabi ni Vester.
Tumawag si Vester sa phone niya para tawagan 'yung kaibigan niya.
"Beatrice, nasa bahay ka ba? Tulungan mo naman ako oh" sabi ni Vester.
"Sige mamayang hapon ah. Oo nasa bahay lang ako. Sige sige" sabi niya.
"Ayan Jared, pupunta dito kaibigan ko. Pero 'di 'yun 'yung magiging fake gf mo ah. Ipapaliwanag muna natin sa kanya para mapapayag niya kaibigan niya" sabi ni Vester.
Kinakabahan ata ako ah.
YOU ARE READING
Break Away
Genel KurguI was born in a wealthy family. Is fixed marriage really exist?