Jared's POV
Ilang linggo na ako dito kina Vester. Nahihiya na din ako mag stay pa.
"Vester, hanap na lang ako ng apartment na mapag stayan ko" sabi ko kay Vester.
"Ok lang naman na andito ka e" sabi niya.
"Hanap na lang ako mapag stayan ko malapit sa studio" sabi ko.
"Ikaw bahala Jared" sabi niya.
Nag simula na ako maghanap ng apartment malapit sa studio.
Gusto ko maging dependent sa family ko para maipagmalaki nila ako at hindi na nila ako ipilit ipakasal kay Ciara.
"Hello po, mag inquire lang po?" tanong ko sa guard.
"Saan po pwede magtanong kung magkano po renta sa apartment po dyan?" sabi ko.
"Pasok ka dyan. Andyan 'yung caretaker" sabi ko.
Naglakad na ako at nakita ko naman agad 'yung sinasabi niyang caretaker.
"Hello po. Magtanong lang po kung magkano po renta monthly?" tanong ko.
"Pogi, 5k monthly sa studio type, 1 BR 6k, 2 BR 7k" sagot niya.
"Pwede na po siguro ako sa studio type. May vacant po ba?" tanong ko ulit.
"Meron pa naman. Tignan mo ba?" tanong niya.
Tumango ako.
Pinuntahan na namin ang apartment.
"Ok na po siguro ito. Anytime, pwede na po ba lumipat?" tanong ko.
"Oo pogi, bukas pwede ka na lumipat. Gawa muna tayo kontrata" sabi niya.
Pagkatapo ko pirmahan, nagbigay na din ako ng pang deposit para pwede na ako lumipat bukas.
Pag uwi ko kina Vester ay agad ko sinabi na nakahanap na ako ng apartment.
"Vester, balitaan mo na lang ako kapag dumating na friend ni Beatrice ah" sabi ko.
"Oo sige. Onga pala, may mga gamit ka na ba?" tanong niya.
"Mamili pa lang ako e. Mga basic lang naman bibilhin ko" sabi ko.
"Nagmessage si Mary Anne. May announcement si Mr. Lee"
"Now na ba?" tanong ko.
"Oo daw e. Tara punta na muna tayo. Samahan na lang kita mamaya mamili ng gamit mo" sabi ko.
Nag byahe na kami papuntang studio.
"Hello everyone. Next week is your debut day. So, let's all prepare and be ready" sabi ni Mr. Lee.
"Wow. Thank you Mr. Lee" sabi ni Paul.
Excited na kami. Sa haba ng naging training namin makakapag debut na din kami.
"Jared, ok ka lang ba? Ok na ba problema mo?" tanong ni Paul.
"Lilipat na ako ng tirahan. Kina Vester ako nakikituloy pansamantala e" sabi ko.
"Ha? Hindi ka pa umuuwi? May pumunta kanina dito e. Babae. Kamukha mo" sabi ni Paul.
"Si mommy?" tanong ko.
"Siguro? Hindi ko pa naman nakikita mommy mo. Mabuti pa umuwi ka na. Baka nag aalala na sila sa'yo" sabi niya.
"Hintayin ko muna 'yung kaibigan ni Vester. Naghahanap kami ng fake girlfriend e" paliwanag ko.
"Fake girlfriend? Para saan naman?" tanong niya.
"E para hindi na nila ako kulitin na magpakasal kay Ciara" sabi ko
"Nako Jared ah. Hindi magandang idea 'yan" sabi niya.
"Business lang naman ang mahalaga kay daddy" sabi ko.
"Osya, pag 'yang plano niyo ni Vester pumalpak, umuwi ka na sa inyo" sabi niya.
Sinamahan na ako ni Vester mamili ng mga gamit ko.
Ang mamahal ng mga gamit. Mauubos agad inipon ko na pera.
"May pera ka pa?" tanong ni Vester.
"Meron pa naman" sagot ko.
Andito kami ngayon sa apartment ko.
"Ok ka na dito Jared?" tanong ni Vester.
"Oo, salamat Vester ah. Napadali pag aayos ko ng gamit" sabi ko.
"Wait, tumatawag si Beatrice" sabi niya.
Oh bakit ka tumawag?
Nakauwi na?
Kailan pwede magmeet?
Sige sige salamat Beatrice. Hulog ka ng bubong sa kabaitan.
"Si Beatrice ba 'yan? Andyan na daw ba kaibigan niya?" tanong ko.
"Oo, punta daw tayo bukas sa kanila" sabi ni Vester.
"Sana naman mapapayag natin friend niya" sabi ko.
"Mabait 'yun. Kaso hindi 'yun babae magdamit e" sabi niya.
"Ok lang 'yun basta matulungan ako" sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/367657560-288-k444688.jpg)
YOU ARE READING
Break Away
Fiksi UmumI was born in a wealthy family. Is fixed marriage really exist?