Aubrey's POV
Maaga ako nagising.
T-teka..
"Jared?" wala si Jared sa tabi ko.
Panaginip lang ba 'yung kagabi?
Hinanap ko siya sa labas pero wala.
Bumalik ako sa kwarto ko at may nakita akong maliit na note.
"Aubrey, hindi na kita ginising. Tumawag si mommy uuwi na kasi daddy galing ospital. Sorry"
"Ps. Please don't drink without me"
"Pss. Love you :)"
Waaaaahhhh!!!
Nagtatalon ako sa kilig.
"Aray!!" sh1t. Tumama paa ko sa kanto ng mesa. Huhu ang sakit.
Uwi na kaya ako?
Kaso hanggang bukas pa ako dito.
Well, enjoy ko na 'yung last day ko ngayon.
Ciara's POV
"Hello po tito. Mabuti naman po at makakauwi na po kayo" sabi ko sa daddy ni Jared.
Hindi siya kumibo.
"Tita, si Jared po?" tanong ko.
"He's on the way here" sagot ni tita.
"Ah ok po. Alis po pala kami ni Jared mamaya para po mag food tasting" sabi ko.
"Ah sige" matipid na sagot ni tita.
Maya maya ay nakarating na si Jared.
"Mommy, daddy. Sorry medyo traffic po" hindi ako napansin ni Jared.
"Babe!" tawag ko sa kanya.
"Why you're here?" tanong niya.
"Of course, i'm here for tito" sagot ko.
"By the way, may lakad tayo today. May food tasting tayo" sabi ko.
"Can you do it alone? I'm not in the mood today. Masama din pakiramdam ko" sabi ni Jared.
"Oh, okay. Maybe i'll reschedule na lang" sabi ko.
"Full na schedule ko until end of the month. Ngayon lang ako magpapahinga" sabi niya.
"Alright. Ipaasikaso ko na lang sa secretary ko. Get well soon, babe" hinalikan ko siya sa cheeks.
"Tara na daddy" sabi ni Jared.
Andito na kami sa parking area.
"Si Ciara, hindi ba sasakay?" tanong ni tita kay Jared.
"Nah. May pupuntahan pa siya" sagot ni Jared.
"Tita, i need to go somewhere. Ingat po kayo pag uwi" sabi ko na lang.
Umalis na sila.
Ako lang ba talaga ang may gusto sa kasal na 'to?
Wow.
Jared's POV
"Jared anak, balita ko next month na ang kasal niyo ni Ciara" sabi ni daddy.
"Yes dad" sagot ko.
"Kung ayaw mo.." bigla ko hininto ang sasakyan.
"Dad, hindi ko gustong ikasal kay Ciara. She's perfect pero hindi ko talaga siya gusto. I'm only doing this non sense wedding para maisalba ang business mo" sabi ko.
Nag drive na lang ako ulit.
Tahimik kaming lahat.
Pagdating sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko.
Maya maya ay sumunod si mommy sa kwarto.
"Anak, can we talk?" tanong ni mommy.
"Mommy, i'm tired" sagot ko.
"Anak, alam ko galit ka sa amin ni daddy mo. I'm sorry anak. If we can only..." hindi ko pinatapos ang sasabihin ni mommy.
"If we can only what mommy? Wala naman akong choice e. Ito lang 'yung solusyon niyo" sagot ko.
"I'm sorry anak" 'yun nalang ang nasabi ni mommy.
"Mommy, please leave. I need to rest" sabi ko.
2 weeks na lang ikakasal na ako kay Ciara.
Wala na talaga kaming pag asa ni Aubrey.

YOU ARE READING
Break Away
Ficción GeneralI was born in a wealthy family. Is fixed marriage really exist?