Jared's POV
Late na ako nakatulog at 2 pm na ako nagising.
Actually nagising ako sa message ni Ciara.
Hi fiance. Don't forget 4 pm kay Francis Libiran. See yah.
Tsk.
Wala akong choice kundi pumunta.
Nag prepare na ako.
Gusto ko man magpa-late kaso nakakahiya kay sir Francis.
Nagsimula na akong mag-drive.
And tried to contact Aubrey pero out of reach pa din.
Iniiwasan na ba ako ni Aubrey?
Nakarating na ako sa meeting place.
"Hello fiance. Mabuti naman at hindi ka late ngayon" sinalubong ako ni Ciara.
"Uy Jared. Long time no see. So, siya pala ang mapapangasawa mo. Congratulations sa inyo" sabi ni Sir Francis.
"Hehe yes po" sabi ko na lang.
Sinimulan na kaming sukatan.
Si Ciara naman ay namimili ng wedding dress na ipapagaya niya.
"What do you think?" tanong ni Ciara.
"Pwede na 'yan" hindi naman kasi ako interesado.
"Babe, ito kaya?" babe talaga?
"Kahit ano d'yan. Lahat naman 'yan magaganda" sagot ko.
"Fine. I'll get this one. Sa pre nup natin, gusto ko blue 'yung suot natin" umagree na lang ako dahil inaantok pa talaga ako.
"Are you sleepy? Are you excited for this babe? Sir Francis, i'll get this one. And ito po 'yung gusto kong design sa wedding gown ko. Then sa pre-nup, i want something blue" sabi ni Ciara.
"Okay Ms. Mendoza. I'll contact you for our final measurement" sabi ni si Francis.
"Alright. Thanks" sabi ni Ciara.
Nauna na akong umalis at balak ko sanang hanapin si Aubrey.
"Hey babe. Aalis ka na? Hindi ba tayo mag de-date before you go?" tanong ni Ciara.
"May lakad pa ako" sagot ko.
"Si Aubrey na naman! Hindi pa kasi mamatay 'yung babaeng 'yun para wala ng sagabal sa'tin e!" sabi ni Ciara.
Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.
"Anong sabi mo?!" galit kong tanong.
"Sana mawala na sa landas natin si Aubrey! Para ako na ang mahalin mo Jared!" sagot niya.
"Alam mo bakit hindi kita magawang mahalin? Why don't you see yourself in the mirror and tanungin mo sarili mo bakit hindi ka worth it mahalin" umalis na ako.
Ciara, may mangyaring masama lang kay Aubrey humanda ka sakin!
Pero..
Saan ko naman kaya hahanapin si Aubrey?
2 hours bago ako makarating ng Batangas.
Teka.
Maiisa isa ko ba 'tong mga resort na 'to sa Batangas?
"Hello po, may naka check in po bang Aubrey Reyes?" tanong ko sa receptionist.
"Wala po" sagot niya.
Hays. Saan ba nagpunta si Aubrey?
Nagpunta ako ulit sa ibang resort pero wala doon sa Aubrey.
Last na 'to. Sana andito ka na Aubrey.
"Hello po, tatanong ko lang po kung naka check in po ba dito si Aubrey Reyes" sabi ko sa receptionist.
"Check ko lang po. Kaano ano niya po kayo?" tanong niya.
"Ah. Kaibigan ko po. Susunduin ko po sana" sagot ko.
"Teka, Jared De Leon po?" tanong niya.
"Ah opo hehe" sagot ko.
"Kayo po pala. Eto po room number. Puntahan niyo na lang po" sabi niya.
Naglakad na ako papunta sa room ni Aubrey.
Eto na.
Nagdoorbell na ako pero walang nagbubukas ng pinto.
Nagdoorbell ako ulit.
Bumukas na ang pinto.
"J-jared, ikaw ba 'yan?" tanong niya.
"Aubrey!" niyakap ko siya.
YOU ARE READING
Break Away
General FictionI was born in a wealthy family. Is fixed marriage really exist?
