Beatrice's POV
Nakauwi na pala ang aking bff.
Kaya nag message na lang ako sa kanya na magpunta siya sa amin bukas. Hindi ko na sinabi kung bakit basta pumunta na lang siya hahaha.
Tinawagan ko na din si Vester para mainform na nakausap ko na si Aubrey.
Kinabukasan..
May nag doorbell..
Baka si Aubrey na 'to.
Pagtingin ko ng gate namin ay may babae.
Hindi naman pala si Aubrey.
Nag doorbell ulit.
Pero 'yung babae lang din ulit.
Lumabas na ako.
"Sino po sila?" tanong ko.
"Hoy Beatrice. Kanina pa ako dito sa initan ang tagal mo magbukas ng gate niyo" sabi niya.
"Ah, excuse me? Sino ka ba?" sabi ko.
"Si Aubrey. Bff ano ba!" sabi niya.
"Wag mo ko pinagloloko miss. 'Di 'yun mag susuot ng pambabae" sabi ko.
"Long story ok? Basta ako 'to Beatrice. Papasukin mo na kasi ako" sabi niya.
Andito kami ngayon sa sala at nakatitig lang ako kay Aubrey.
"Beatrice tantanan mo ko kakatitig mo. Bakit mo ba ako pinapunta dito?" tanong niya.
"Pasalubong ko" sabi ko.
"Ito" sabay abot niya ng paper bag.
Ayown naman pala.
Asan na kaya sina Vester?
Ilang minuto ay tumunog ulit ang doorbell namin.
Sina Vester at Jared.
"Tagal niyo naman" sabi ko.
"Sorry, natraffic kasi ako" sabi ni Jared.
Jared's POV
Sana maayos 'tong ipakilala sa akin ni Beatrice.
Pagpasok namin sa sala nila Beatrice ay nakita ko may nakaupo sa sofa nila.
Pagkakita sa akin nung babae ay naibuga niya ang iniinom niyang juice.
"J-jared?" tanong niya.
"Kilala ba kita miss?" tanong ko.
"Bakit ba lahat kayo ay hindi niyo ako makilala? Ganon ba ako kapanget dati?" sabi niya. Medyo naguluhan ako.
"Si Aubrey nga pala Jared. Siya 'yung ipapakilala ko sa'yo" sabi ni Beatrice.
"Aubrey? Aubrey Reyes? Classmate ko sa De La Salle?" tanong ko.
"Yes, it's me" sagot niya.
"Babae ka na?" tanong ko.
"Matagal na kong babae hoy! Hindi lang ako palaayos" sabi ni Aubrey.
"Bakit kayo andito? Oh Vester andito ka din. Ano ba meron?" tanong ni Aubrey.
"Teka teka, Beatrice ito ba 'yung tropa mo na titibo tibo dati nung birthday ko?" tanong ni Vester.
"Makatibo ka naman pre. Babae ako" sabi ni Aubrey.
"Pwede na 'to na Jared" habang inaanalize ni Vester ang buong pagkatao ni Aubrey.
"Hoy!" sita ni Aubrey.
"Kilala ko si Aubrey, Vester. She's my classmate in college" sabi ko.
"So magkakilala kayo" tanong ni Vester.
"Yes, we're close friends. And kilala niya din si Ciara" sabi ko.
"Ciara, 'yung nakaaway ko na maldita na spoiled brat?" tanong ni Aubrey.
"Yes. She's my fiance. Gusto ako ipakasal ni daddy sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa ako umuuwi sa amin" kwento ko.
"Wow. Marunong ka na maglayas ah!" sabi ni Aubrey.
"Hindi naman. Kakauwi lang namin galing South Korea. Sumali ako sa korean company para maging trainee and luckily magiging member na ng PPOP boy group. Next week ay debut na namin" paliwanag ko.
"Oh tapos" sabi ni Aubrey.
"Ikaw naisip namin na gawing fake girlfriend ko para tigilan na ako ni Ciara at ni daddy if malaman nila na may girlfriend na ako" sabi ko.
"Hmmm. Matagal tagal na din ako nagtitimpi dyan kay Ciara eh. Chance ko na din siguro makaganti. Deal!" sabi ni Aubrey.
"Yes!" sabi ko.
"Ayun naman pala eh. Hindi na tayo mahihirapan. Kahit papano magkakilala na kayo ni Jared ano?" sabi ni Vester.
"Ay oo naman. Tropa kami nito ni Jared. Nagkaiba lang kasi kami nito ng pinag OJT kaya nagkahiwalay na kami" sabi ni Aubrey.
"Kamusta pala? Sabi ni Beatrice galing kang U.S." sabi ko.
"Ahh oo. Kakauwi ko lang din. Minamadali na nga ako nito ni Beatrice pumunta dito. May drama series kaming ginawa sa U.S. shinoot" kwento ni Aubrey.
"Artista ka?" tanong ni Vester.
"G4gi hindi! HAHAHAH. Scriptwriter ako ng show" sabi ni Aubrey.
"Pero si direk, simula nung nakita niya ako na ganito ang ayos sabi niya ipapakilala niya ako sa ibang kakilala niya na naghahanap ng model. Ewan ko ba kung babagay ako dun. Hindi naman ako matangkad" sabi ko.
"Infairness nga, gumanda ka Aubrey" sabi ni Vester.
"Enebe neheheye eke" pacute ni Aubrey.
"Ehem" sabi ni Beatrice.
"Kumain na ba kayo? Kain na muna kayo" pag aya ni Beatrice.
Sa wakas may maipapakilala na ako kay daddy.
YOU ARE READING
Break Away
Aktuelle LiteraturI was born in a wealthy family. Is fixed marriage really exist?
