Chapter 25 - Callmates

2 0 0
                                    

Jared's POV

"Partner, ang agang landian niyan ah?" sabi ni Benji. Roommate ko kasi siya ngayon.

"Nagulat naman ako sa'yo. Kanina ka pa ba gising?" tanong ko.

"Oo, ikaw nga inaasikaso ko" ginagaya ni Benji 'yung pagsabi ko kanina.

"Hay naku Benji. Manahimik ka na nga. Matulog ka na lang ulit" sabi ko.

"Gising na nga ako matutulog ulit?" pang asar ni Benji.

"Makapag almusal na nga" lumabas na ako ng kwarto at hindi ako tatantanan ni Benji kaka asar.

Sumunod din naman si Benji.

"Aga mo Benji ah!" pang asar ni Vester.

"May maingay kasi sa kwarto namin. Aga aga may nakikipag landian agad" sabi ni Benji.

Sinamaan ko ng tingin.

"Jared, ikaw ah. Sino kausap mo?" tanong ni Vester.

"Wala ah" sabi ko.

"Uy dinedeny! Kaya pala "oo ikaw nga inaasikaso ko" hahaha!!" sabi ni Benji.

"Nyemas ka Benji! Manahimik ka!" sabi ko.

"Pure boy no more na ba 'to?" sabi ni Joshua.

Hindi na nila ako tinantanan hanggang sa concert namin.

Pero kahit ganyan sila mahal ko sila.

After 5 days..

Tinawagan ko ulit si Aubrey.

A: hello, sino to? (Habang humihikab)

J: hello si Jared to. Sorry naistorbo ko ata tulog mo.

A: oo nga e. 2 am na dito pero ok lang. Bakit ka napatawag?

J: ahh wala lang. Kinakamusta ka lang.

A: ok naman. Puro ako tulog sa bahay.

J: hindi ka ba ginugulo ni Ciara?

A: hindi naman. Sana nga manahimik na 'yun.

J: sige na tulog ka na ulit.

A: takte ka. Tinawagan mo ko para lang don? Hanep sa trip mo Jared.

J: oo, nakita na kita e. Sleep ka na.

Binaba ko na ang tawag ko.

"Ang sweet naman ni pure boy no more! HAHAHAHA" potek 'yan si Joshua pala.

"Narinig din namin Jared" sabi ni Paul.

"Ang timing niyo talaga 'no?" sabi ko.

"Ok lang 'yan Jared. You've known Aubrey since college pa kayo. Kung gusto mo siya, IPAGLABAN MO!" sabi ni Vester.

"Anong gusto? 'Di ko siya gusto. Friends lang kami" depensa ko.

"May friends ba na gano'n? HAHAHAHA. Magkatawagan sa umaga at gabi. Ay sus!" sabi ni Benji.

"Alam niyo, magsikain na tayo ng lunch! Ako na naman bunot niyo e!" sabi ko.

"In denial ka pa kasi. Pustahan oh!" sabi ni Joshua.

"Ay ewan ko sa inyo" umalis na ako ng kwarto.

Ganyan sila.

Hindi nila ako titigilan kakakulit sa amin ni Aubrey.

After 2 days..

1 week na lang ay uuwi na kami.

Natapos na namin ang ibang errands dito sa U.S.

Konting gala na lang din bago umuwi.

Kasama ko ngayon si Benji. As always mamimili na naman to ng branded shoes or jacket niya.

"Benji, dito lang ako sa toy shop" sabi ko.

Tumungo na lang si Benji.

Wow ang daming pokemon.

Makabili nga.

Mukhang naparami ata bili ko ah.

Pero ok lang.

Wala na akong pera pero masaya naman ako.

Marupok ako sa pokemon e.

"Jared, ang dami mo napamili ah" sabi ni Benji.

"Triplehin mo naman presyo nito ng sayo. Baka nga x5 pa eh" sabi ko.

"Grabe ka naman partner. Magagamit ko naman 'to" sabi niya.

"So ako hindi ko magagamit? Kinokonsensya mo pag bili ko ah" sabi ko.

"Hahaha hindi naman. Ok lang 'yan. Iba iba tayo ng luho" sabi niya.

Nakabalik na kami sa hotel.

"Nakauwi na pala ang bunso at ang feeling bunso" sabi ni Paul.

"Di kayo umalis?" tanong ni Benji.

"Umalis. Pero d'yan lang sa labas" sabi ni Paul.

Humiga na lang ako sa kama ko at matutulog.

"Partner, 'di mo tatawagan si Aubrey ba 'yun?" tanong ni Benji.

"Hindi! Matutulog ako. Tsaka baka busy 'yon" sagot ko.

Buti at hindi na nangulit si Benji kaya nakatulog na ako.

Teka nananaginip ba ako?

Nasa kasalan ako?

Sino ang ikakasal?

Si Ciara ang bride. Sino ang groom?

"Congrats partner" sabi ni Benji.

"Ha? Sino ang ikakasal?" tanong ko.

"Ikaw loko loko ka" sabi ni Benji.

Nagsimula na ang misa.

Hindi ako makagalaw. Para bang lahat ng 'to ay planado at bawal kang tumakas.

"Meron bang tututol sa kasalang ito?" tanong ni father.

"Ako father! Ayaw ko ikasal kay Ciara" sabi ko.

Pero hindi ako naririnig ni father.

Hanggang sa.

"Itigil ang kasal! Jared mahal kita!" si Aubrey na hingal na hingal sa pagkakatakbo.

"Tigilan mo na 'to Ciara! Hindi ka kailanman mamahalin ni Jared!" sabi ni Aubrey.

"Tumigil ka!" naglabas ng baril si Ciara at pinutok ito kay Aubrey.

"Aubrey!!" sigaw ko.

Pero hindi nila ako naririnig.

"Jared, Jared! Gising! Nananaginip ka!" may tumatapik sa akin.

"Benji?" sambit ko.

"Kanina ka pa umuungol d'yan sa higaan mo. Tagaktak na din pawis mo. Binangungot ka ba?" tanong ni Benji.

"Oo, kinasal daw ako kay Ciara" sabi ko.

"Bangungot nga hahaha" sabi niya.

Mabuti at ginising ako ni Benji baka hanggang ngayon ay binabangungot pa din ako.

Teka.. mahal ako ni Aubrey? Sa panaginip?

Break AwayWhere stories live. Discover now