Chapter 7 - My Reality

3 0 0
                                        

Ciara's POV

"Daddy, i'm home" sabi ko.

Himala maaga umuwi si dad.

"Naghanda ako ng merienda Ciara, kain ka" pagkita ko sa hinanda ni tita Geneva parang hindi masarap. Ew.

"I'm not hungry. Thanks. Akyat muna ako sa kwarto dad" sabi ko.

Narinig ko mula sa stairs ang pinag uusapan nila daddy.

"Hanggang ngayon pa din ba ay hindi ako tanggap ng anak mo Roberto?" sabi ni tita Geneva.

"Hayaan mo na si Ciara. Asan pala si David?" tanong ni daddy.

"Lumabas kasama mga kaibigan niya. Honey, kailan mo pala bibigyan ng pwesto si David sa company mo?" tanong ni tita Geneva.

"Geneva, kailangan niya muna mag aral para madali na lang sa kanya 'yung trabaho na ibibigay ko sa kanya" sabi ni daddy.

"David is good in numbers. Kung sa Sales Director siya or sa Finance gano'n" sabi ulit ni tita Geneva.

Is this her motives? Para ang anak niya na ang susunod na magmamana ng kumpanya ni daddy? NO WAY!!

"WHAT THE HELL TITA GENEVA?" sigaw ko.

Nagulat ang dalawa dahil akala nila ay nasa kwarto na ako.

"Watch your mouth Ciara. Hindi kita pinalaki ng ganyan" sabi ni daddy.

"Ok lang. Ano ba nangyari anak?" sabi ni tita Geneva.

"Anak? You are not my mother and never will be! Kaya mo ba nilandi ang daddy ko coz you want to take over our business?!" sabi ko.

"Ciara STOP!" saway ni daddy.

"Dad! Why would i stop? Totoo naman e. Pinipilit ni tita Geneva ipasok si David sa business natin para magpasipsip sa'yo at maisipan mong siya ang pumalit sa'yo!" sabi ko.

"Ciara, hindi totoo 'yan" sabi ni tita Geneva.

"Mabuti na lang na umuwi ako sa Pinas. Hindi ko papayagan 'yan. I am the only heir in the family!" sabi ko.

"Hindi naman namin aagawin sa'yo or ng daddy mo 'yung business niyo. Mahal ko ang daddy mo" sabi ni tita.

"You love my daddy? Or his money?" i smirked.

"Aalis muna ako. I'll get some fresh air. Amoy plastik kasi dito sa loob ng bahay. Dapat sa plastik tinatapon, hindi nirerecycle" palabas na sana ako ng pinto pero hinablot ako ni tita Geneva at sinampal.

"How dare you to talk to me like that! Tinitiis ko ang ugali mo for the sake of your dad. Gusto kang sermonan ng daddy mo pero pinipigilan ko lang. Napaka bastos mong bata ka!" sigaw ni tita Geneva.

"I don't like you. And you will never be like my mom" at umalis na ako.

Andito ako ngayon sa labas ng bar ng hinarang ako ng guard.

"Bawal menor de edad dito" sabi ng guard.

"I'm 19 na. Stay away from me" sabi ko.

"Ma'am, bawal nga po menor de edad. Patingin na lang po ng ID niyo" sabi niya.

Naghanap ako ng ID kaso wala naman akong ID dito sa Pinas except sa passport ko. Tsaka bakit ko naman dadalhin 'yung passport ko sa bar? duh.

"I don't have IDs with me. I'm from UK pa e. Papasukin niyo na lang kasi ako" inis kong sabi.

"UK? As in Ukay Ukay hahahah. Pinapatawa mo ko bata ka. Umuwi ka na. 'Di ka pwede dito" sabi ng guard.

Wala na akong pag asa makapasok kainis.

I'll just go to starbucks na lang.

"Isang iced coffee latte please" sabi ko sa cashier.

Wait familiar sakin 'to.

"Ikaw 'yung sa school right? 'Yung nanumba sa akin?" sabi ko.

"Miss, hindi kita tinumba. Nasagi mo ako. Malakas lang ako kaya ikaw ang tumumba" sabi niya.

"What the hell? are you joking me? Look, wala ako sa mood makipag biruan baka sa'yo ko pa ibuhos ang galit ko" sabi ko.

"Here's your iced coffee latte ma'am Ciara" sabi niya.

Imbes na mawala ang badtrip ko nakita ko pa 'tong nangbunggo sa akin.

Naririnig ko ang kwentuhan nila.

Wait, Aubrey? Babae? He looks like a guy. Babae 'yon?

Tinignan ko ulit siya.

Break AwayWhere stories live. Discover now