Jared's POV
Ang sarap pikunin nitong si Aubrey HAHAHAH.
Namula nung hinalikan ko ulit.
Nagmaang maangan pang wala siyang sinabi kagabi.
Pagkahalik ko sa kanya ay tinulak niya ako.
Expected ko na 'to hahaha.
"Hoy po. Makatulak ka naman. May sakit ako" reklamo ko.
"May sakit din ako! Bakit mo ko hinalikan!" reklamo ni Aubrey.
"Bakit? Mahal mo ko, mahal kita. Bakit hindi na lang maging tayo?" tanong ko sa kanya.
"May fiance ka na. Ikakasal ka na nga e!" sabi niya.
"Di ko naman mahal si Ciara" sabi ko.
"Ano ko magiging kabit mo?" tanong niya.
"Syempre hindi. Actually, hindi ko din alam" sabi ko. Well hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
"P-pero, k-kailan pa yang ano mo.. feelings mo sakin?" hiyang tanong ni Aubrey.
"I'm not sure. Siguro nung nakita tayo ulit. Nung pinakilala ka sakin nila Vester. Namiss kita no'n. Then nung nasa U.S. kami for concert, doon ko narealize na you are special to me. E ikaw?" paliwanag ko.
"Ako? Since college. The very first time na nagmeet tayo" sabi ni Aubrey.
"Alin dun? 'Yung nabunggo mo si Ciara?" tanong ko.
"Oo dun. Para kasing may ilaw sa mukha mo na kapansin pansin gano'n. Pero syempre hindi mo ko mapapansin dahil nga sa ayos ko dati" sabi niya.
"Pero maganda ka pa din naman" sabi ko.
Hinampas na naman ako ng unan.
"Isang hampas pa hahalikan kita ulit" sabi ko.
Edi tumigil siya hahaha.
"Pero seryosong tanong, magpapakasal ka kay Ciara?" tanong ni Aubrey.
"Hindi ko din alam. Napa oo ako kay mommy for the sake of our business. Dad is in the hospital for weeks na" sabi ko.
"Imemerge ang business niyo at business nila Ciara, ganu'n ba?" tanong niya.
"Parang ganu'n na nga" sabi ko.
Nakatulog si Aubrey.
Sana ganito na lang palagi.
Katabi ko siya sa pagtulog at walang iniisip na problema.
Matulog na lang din ako baka sakali mabawasan na lagnat namin ni Aubrey.
Ciara's POV
**flashback 2 days ago**
"Ma'am Ciara, pabalik na po ng bansa si Jared" report sa akin ng tao ko.
"Ok. Let me know kung saan siya didiretso at ang mga pupuntahan niya" sabi ko.
"Ok po madam. Noted po" sagot niya.
At umalis na.
Kinabukasan..
May tumatawag sa phone ko.
"Madam, aalis po si sir Jared nagmamadali po" report ulit sa akin.
"Sundan mo" sagot ko.
Tumawag ulit.
"Madam, andito po siya sa bahay nila Aubrey. Pero nasa labas lang siya ng bahay" sabi ng taga report ko.
"Anong ginagawa?" tanong ko.
"Wala po. Nakatayo lang" sagot niya.
Tumawag ulit kinagabihan na.
"Madam, naulan na po dito. Si sir Jared basang basa na po ng ulan" sabi niya.
"What? I'm going there. Pwede ka na umuwi" sabi ko.
"Sige po madam" sabi niya.
Ano bang meron kay Aubrey na wala sa akin, Jared?
Mahal mo na ba siya? Hinding hindi ako papayag. Ako ang fiance mo.
You are mine Jared.
Pagdating ko sa malapit sa bahay nila Aubrey ay nakita kong papalabas na si Aubrey hawak hawak ang payong.
Hindi ko naririnig ang pinag uusapan nila dahil nasa sasakyan ako at malakas ang ulan.
Teka? Sumisigaw ba si Aubrey?
Sinisigawan ba niya fiance ko?
Humabda ka sa akin Aubrey!
Bumaba na ako ng kotse at sa sobrang lakas ng ulan ay basa ako agad.
Pahakbang pa lang ako ay nakita ko silang magkahalikan.
Jared, ano bang meron kay Aubrey na wala sa akin?
Mayaman, matalino, maganda. Nasa akin na lahat Jared. Why?
Tumalikod na ako at bumalik sa kotse ko.
I cried.
This is the first time na umiyak ako for a guy except sa dad ko.
Sa first love ko pa.
Hindi ako papayag.
Itutuloy ko ang kasal no matter what.
Jared, you are mine.
**end of flashback**
YOU ARE READING
Break Away
General FictionI was born in a wealthy family. Is fixed marriage really exist?
