Jared's POV
Today ang debut namin.
Hopefully maging successful ang grupo namin.
Para may maipagmalaki ako kina daddy.
"Excited na ako" sabi ko.
"Sana naman matanggap ang PPOP sa bansa natin no?" sabi ni Paul.
Narelease na ang kanta namin sa youtube channel namin pero iilan lang ang nakanood.
Sinubukan din namin magsayaw sa loob ng mall at mag guest sa mga school pero parang wala pa din nangyayari.
Ilang buwan na ang nakalipas pero wala pa din nangyayari sa grupo namin.
Andito ako ngayon sa apartment ng may kumatok sa pintuan ko.
"Sir Jared, pinasundo po kayo sa akin ni sir" sabi ng driver namin.
Sumunod na lang ako sa utos ng driver namin.
Nakarating na kami sa bahay.
"Jared, leave your worthless group and run our business. At simulan mo ng makipag ayos kay Ciara. Your wedding is on June na. Si Ciara na lang halos nagpaplano ng wedding niyo" sabi ni daddy.
"Dad, wala ka bang tiwala sa akin? Ilang beses ko na sinabi sa inyo, hindi ko pakakasalan si Ciara. Gusto niyo ba ko ipakasal sa taong hindi ko mahal? Gusto niyo ba ko matali sa taong hindi naman ako sasaya? Dad, all you care is your business. Pero ni minsan hindi niyo ako sinuportahan sa gusto kong gawin. Daddy, ito ang gusto kong gawin ang makapag perform sa maraming tao. Mataas ang respeto ko sa inyo pero sana respetuhin niyo din ang desisyon ko. Please dad, nagmamakaawa ako" sabi ko habang lumuluhod kay daddy.
Dumating si kuya Dani.
"Dad, why are you doing this to Jared? Hindi naman kayo ganyan dati" sabi ni kuya Dani.
"Malapit na mabankrupt ang business natin at sila Mr. Mendoza ang pag asa natin para hindi tayo malugi" sabi ni dad.
"Daddy, andito kami to support you. Hindi solusyon ang ipakasal niyo ang bunso natin sa hindi naman niya gusto. Dad, we will help you. Let Jared do what he wants. Kami ni kuya Jin ang tutulong sa'yo" sabi ni kuya.
"Tumayo ka na dyan Jared" sabi ulit ni kuya.
"Mga anak, patawarin niyo ako. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Hindi ko din alam bakit nagiging ganito ang business natin samantalang noon ay ok naman" sabi ni daddy habang yakap yakap kami ni kuya Dani.
"Kami bahala dad. Uumpisahan namin mag imbestiga" sabi ni kuya Dani.
"Kamusta pala ang grupo mo?" tanong ni dad.
"Hindi po naging maganda ang debut namin. Hoping na mag trend kami" sabi ko.
"Susuportahan kita anak. Babawi si daddy sa'yo" sabi ni dad.
"Salamat dad" sabi ko.
Dito na ako natulog sa bahay dahil ok na kami ni daddy.
Hanggang sa..
""WOOOOOOH NAG TRENDING ANG PRACTICE VIDEO NATIN" tuwang sigaw ni Vester na kakapasok lang ng studio.
"Talaga?" tanong ko.
"Oo nga!! May twitter ba kayo? May nagshare ng video natin tapos nagustuhan ng mga tao!" kwento ni Vester.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
Maipagmamalaki na ako ni daddy.
Alam ko malayo pa kami sa gusto naming makamit bilang grupo pero umpisa na ito para sumikat pa kami.
"Congratulations sa ating lahat" sabi ni Paul.
Tinawag ako ni Mary Anne.
"Bakit po?" tanong ko.
"Pakisabi na lang na pinapatawag kayong lahat ni Mr. Lee. Malat kasi ako e" sabi ni Mary Anne.
"Ahmmm. H-hoy!" sabi ko.
"Hoy daw oh. Walang galang to" sabi ni Paul.
"Hoy po! Pinapatawag tayo ni Mr. Lee sa office niya" sabi ko.
"Ayan ayan" sabi ni Paul.
Andito na kami sa loob ng office ni Mr. Lee.
"Congratulations. Someone called me from a tv network and they want to conduct an interview. Please answer their questions carefully. Thank you. You may go now" sabi ni Mr. Lee.
Ibabalita ko ito agad kina daddy.
YOU ARE READING
Break Away
Aktuelle LiteraturI was born in a wealthy family. Is fixed marriage really exist?