Chapter 39 - Fight For My Love And Happiness

3 0 0
                                    

Ciara's POV

WEDDING DAY

Excited na ako.

"Ciara, congratulations. Ang ganda mo ngayon" sabi ng isa sa mga bridesmaid ko.

"Thanks" sagot ko.

Wala ako masyadong ininvite.

O dahil wala naman din ako iinvite.

"Ciara, you look gorgeous today" sabi ni tita Geneva.

"Anak, congratulations" sabi ni daddy.

"Ma'am Ciara, pictorial na po tayo" sabi ng photographer namin.

Family photo and with bridesmaid.

Bakit ako kinakabahan? Ngayong araw na nga ang kasal namin ni Jared e.

Dumating na si father at nagsimula na din.

Isa isa ng pumapasok sa loob ang mga bisita namin.

Maglalakad na ako papasok.

Kita ko na si Jared.

Ito na siguro ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko.

Ang maikasal sa taong mahal ko.

"Please take care of my daughter, Jared" sabi ni daddy kay Jared.

Tumango lang si Jared.

"Ciara, do you take this man as your lawfully wedded husband to live together in matrimony, to love him, comfort him, honor and keep him, in sickness and in health, in sorrow and in joy, to have and to hold, from this day forward, as long as you both shall live?" tanong ni father.

"Yes, i do father" sagot ko.

"Jared, do you take this woman as your lawfully wedded husband to live together in matrimony, to love her, comfort her, honor and keep her, in sickness and in health, in sorrow and in joy, to have and to hold, from this day forward, as long as you both shall live?" tanong ni father kay Jared.

Hindi sumasagot si Jared.

"Jared, sumagot ka" bulong ko sa kanya.

Aubrey's POV

Ngayon pala ang kasal ni Jared at Ciara.

End game na talaga para sa amin ni Jared.

"Anak, hindi ka pa kumakain" sabi ni mama.

"Wala po akong gana" sabi ko.

"Anak, tungkol ba ito kay Jared?" tanong ni mama.

"Ma, bakit ganun. Bakit hindi kami pwedeng dalawa. Mahal naman namin ang isa't isa pero bakit ang pait ng tadhana sa amin" sabi ko.

"Anak, baka may ibang plano si Lord para sa'yo. Baka.." tumayo ako at kinuha ang wallet at phone ko.

"Hindi ma. Ako ang gagawa ng sarili kong plano. Alis po ako" nagmadali na akong tumakbo at sana hindi pa huli ang lahat.

Bilis bilis bilis.

Isang oras din ang byahe ko.

Narinig kong nagsimula na ang kasal.

Sana hindi pa ako huli.

"Aubrey?" tawag sa akin ni Paul.

"Paul?" sagot ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Ipaglalaban ko si Jared" sagot ko.

Tumakbo na ako sa simbahan.

"dDo you take this woman as your lawfully wedded husband to live together in matrimony, to love her, comfort her, honor and keep her, in sickness and in health, in sorrow and in joy, to have and to hold, from this day forward, as long as you both shall live?" tanong ni father.

'Wag kang sumagot Jared please.

"Jared!!!" sigaw ko.

Nagtinginan silang lahat sa akin.

Si Ciara naman ay gulat na gulat ng makita ako.

"Jared, bakit mo pakakasalan ang taong hindi mo naman mahal" naiiyak na ako.

"Aubrey! Umalis ka dito! Sinisira mo ang kasal ko!!" sigaw ni Ciara.

"Hindi ka naman minahal ni Jared! Kung dati kinakaya mo akong takut takutin dahil mapera ka, ngayon ipaglalaban ko si Jared!" sabi ko.

"Hindi ka nga pinaglaban ni Jared e! Kaya ako ang pinili niya" sabi ni Ciara.

"Ciara! Tumigil ka na! I'm sorry, hindi talaga kita kayang pakasalan" sabi ni Jared.

"Jared!" sigaw ni Mr. De Leon.

"I'm sorry, hindi ko po pakakasalan ang anak ninyo" sabi ni Jared.

"Baka nakakalimutan mo ang kasunduan ng family mo at sa family ko" sabi ni Mr. De Leon.

"Mr. De Leon, iwithdraw mo na lahat ng shares mo. I don't care. Nagkamali ako pumayag akong ipakasal ko sa anak mo ang anak ko. I want my son to be happy" sabi ng daddy ni Jared.

"Tara na Aubrey!" hinila na ako palabas ni Jared.

Sumunod naman ang parents ni Jares pati na ang ilan sa mga kaibigan niya kasama 'yung apat na ka-member niya.

Tama naman na ipinaglaban ko si Jared 'di ba?

Break AwayWhere stories live. Discover now