Aubrey's POV
Pag sinuswerte nga naman, classmate ko pa 'tong spoiled brat na 'to?
Lunch break ngayon at naisipan kong mag stay na lang dito sa room dahil nagbaon ako.
"Hello classmates, 'wag niyo iiwan ang mga bags niyo, baka kasi may magnakaw ng gamit niyo mahirap na" sabay tingin sa akin ni Ciara.
"Ako ba pinaparinggan mo Ciara? Mahirap ako pero 'di ako magnanakaw" sabi ko.
"We'll see Aubrey. Eat well. Jared, 'di ka ba kakain?" tanong niya kay Jared.
"Binaunan ako ni mommy" sabi ni Jared.
"Psh. Ano kayo gradeschooler?! Makabili na nga lang" sabi ni Ciara at umalis na.
"Aubrey, pagpasensyahan mo na si Ciara ah. Only child kasi eh" sabi ni Jared.
"Wala 'yun. 'Di naman ako kaya nun haha" sabi ko.
"Gusto mo? Luto 'to ni mommy" alok ni Jared sa ulam niya.
"Ano ba 'yan?" tanong ko.
"Beef Kaldereta" sagot niya.
Nilagyan ako ni Jared sa lalagyanan ko.
"Masarap ah. Thank you ha?" sabi ko.
Ciara's POV
Kainis kakamadali ko naiwanan ko 'yung wallet ko.
Pagbalik ko ng room ay nakita kong binibigyan ng ulam ni Jared si Aubrey.
Wow ha. Ang sweet.
Punong puno na ako sa'yo Aubrey.
You'll pay for it.
Kinuha ko na ang wallet ko at pumunta na akong canteen.
Dito na lang ako kumain dahil nakakawalang gana kung sa room pa ako kakain.
Pagbalik ko ng room ay wala si Ciara. Si Jared naman ay paalis
"Jared, saan ka punta?" tanong ko.
"Mag cr" at lumabas na.
Nakita ko 'yung bag ni Aubrey.
I have an idea.
Lagot ka sakin Aubrey.
Aubrey's POV
Pabalik na ako mg room ng makita kong may pinasok si Ciara sa bag ko.
"Ciara? Anong ginagawa mo sa bag ko?" tanong ko.
"Wala naman. May nalaglag lang sa bag mo" sabi niya.
"Umalis ka nga sa pwesto ko" sabi ko.
Dumating na din si Jared.
Maya maya ay dumating na 'yung professor namin.
"Sir, nawawala po ang wallet ko. May nagnakaw po ata" sabi ni Ciara.
Kinabahan ako bigla.
Galing si Ciara sa pwesto ko kanina.
Agad kong tinignan ang bag ko.
"Aubrey, umamin ka na. Ikaw nagnakaw ng wallet ko 'di ba?" sabi niya.
"Anong ako? Nananahimik ako Ciara ha!" sabi ko.
"Check po natin bag niya" sabi niya.
Chineck ni professor ang bag ko.
"Is this your wallet, Ms. Mendoza?" tanong ni professor.
So, 'yun pala ang nilagay ni Ciara.
"Yes sir. Ciara, alam kong galit ka sakin. Bakit kailangan mong magnakaw?" sabi niya.
"Wow Ciara. Una sa lahat. Nahuli kitang may nilalagay ka sa bag ko. Nahuli nga kita kanina na andito ka sa pwesto ko e. Hindi ko kailangan magsinungaling para lang mamahiya ng tao Ciara" sabi ko.
"Aubrey, nakita nga ni Sir 'yung wallet ko sa bag mo. Bakit ko naman ilalagay ang wallet ko sa bag mo!" sabi niya.
"Di ba sinabi ko na sa'yo hindi ka pwede maging best actress kasi 'di ka magaling umarte?" sabi ko kay Ciara.
"Sir?" sabi ng isa naming classmate.
"Yes Joanna" sabi ni sir.
"Actually nakita ko po si Ciara na may nilagay po sa bag ni Aubrey. Not sure ano po 'yung nilagay pero hawak po ni Ciara bag ni Aubrey kanina" sabi ni Joanna.
"What the hell? You are lying" sigaw ni Ciara.
"Ms. Mendoza, after our class, kakausapin kita. Thank you Joanna for speaking up. For now, let's start our lesson" sabi ni sir.
Tumingin ako sa pwesto ni Joanna at nag thank you.
Kailangan kong mag ingat kay Ciara at may saltik pala 'to sa utak. Gagawin ang lahat para lang mapahiya ako.
Ciara's POV
Kami na lang ni professor ang naiwan sa room.
"Ms. Mendoza, i know who you are. And your family is very well known in the Philippines however i will not tolerate this kind of attitude. I want to talk to your father" sabi niya.
"What? Bakit pa sir? Look, kahit pa malaman niya 'to wala naman siyang gagawin" sabi ko.
"Even so. Kakausapin pa din namin" sabi ni sir.
Pag uwi ko ng bahay ay nakasalubong ko si daddy.
"Ciara! First day of school gumawa ka na ng ikasasakit ng ulo ko!" sabi ni daddy.
"Dad, pinapahiya ako nung babae na 'yon. Gumanti lang ako" sabi ko.
"Ganti? Tama ba 'yung maglagay ng wallet sa bag ng ibang tao para lang gumanti? Tinanong ko din si Jared about this. GROW UP CIARA!" sabi ni dad. Biglang dumating si tita Geneva at nakikinig lang sa amin ni dad.
"Daddy, you never understand me. You don't love me anymore since mom passed away. Si tita Geneva at si David na lang ang pinahahalagahan mo" sabi ko.
"Bukas na bukas ipapadala kita ulit sa U.K. at doon ka na ulit mag aaral" sabi ni dad.
"What? Dad, no way!" sabi ko.
"End of conversation Ciara. Ibabalik kita ng U.K." sabi ni daddy.
What the hell.
![](https://img.wattpad.com/cover/367657560-288-k444688.jpg)
YOU ARE READING
Break Away
General FictionI was born in a wealthy family. Is fixed marriage really exist?