Aubrey's POV
Sa dami ng magiging customer namin 'yung spoiled brat na pa 'yun ang andito.
Makapag linis na nga lang.
"Aubrey, kilala mo 'yung kanina?" tanong ng manager ko.
"No sir. Nakasalubong ko lang po 'yan sa school" sabi ko.
"She looks familiar e. Do you know her name?" tanong ni sir.
"Ciara. 'Di ko po alam ang surname sir" sabi ko.
"Ciara.. hmm. Familiar kasi sakin ang face niya. Anyway, na-grant na 'yung schedule mo pag mag start ka na sa school mo" sabi ni sir.
"Thank you po" sabi ko.
After 2 hours..
"Mag out na po ako. Thank you po" paalam ko.
Naglakad na ako palabas. Malapit lang dito sa work ko ang bahay namin. Actually 'di siya malapit haha nagtitipid lang ako sa pamasahe.
Habang naglalakad ako, pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin.
Lumingon ako pero wala naman.
Kinakabahan naman ako.
Lumingon ako ulit pero wala naman.
Hanggang sa..
"Huy!" sh1t si Beatrice pala.
"Ganyan ba pag nagtrabaho sa starbucks ha? Magugulatin na?" asar ni Bearice.
"Kamusta bff" tanong niya.
"Ito ok naman. Nakapag enroll na ako sa De La Salle" sabi ko.
"Ay wow. Goodluck sa'yo. Mga rich kid tao dun" sabi niya.
"Scholar naman ako. Sana kayanin ko hehe" sabi ko.
"Kaya mo 'yan bff, ang talino mo kaya" sabi niya.
"Osya una na ako. Inutusan pa ako ni mama bumili ng gamot. Nakita lang kasi kita dito hahaha bye!!" at tumakbo na si Beatrice.
Naglakad na ulit ako. Medyo malapit na din ang bahay ko.
Pero may sumusunod pa din sa akin.
Hanggang sa may humablot ng kamay ko.
Si ma'am Ciara.
"How dare you na pahiyain ako infront of your colleagues?!" sabi niya. Nanlalaki pa ang mga mata.
"Dinefend ko lang ang sarili ko. Sa susunod kasi tigas tigasan mo katawan mo. Hirap kasi sa iyo na spoiled brat walang alam sa buhay" sabi ko.
"What?! Hindi mo ata ako kilala!" sabi niya.
"I may know you or not i don't care" sabi ko.
"Bitawan mo ako" nagpupumiglas ako sa pagkakahawak sa akin ni Ciara.
"Akala ko ba malakas ka?" pang asar ni Ciara.
"Gusto mo talaga masaktan ah" sabi ko.
Flinip ko ang braso niya at siya naman ngayon ang nasa pwesto ko.
"Ano akala mo sa akin? Weak katulad mo? Kuko lang kita" sabi ko.
"Wag mo na subukan sumunod, teritoryo ko 'to" dagdag ko.
At umalis na ako.
Ciara's POV
Ang sakit ng braso ko.
May araw ka rin sa'kin panget ka!
Taga Las Piñas ka din pala ha.
Let's wait and see.
Umuwi na ako ng bahay at mabuti na hindi ko nakasalubong si daddy and tita Geneva.
Pag dating ko ng kwarto ay nakita ko si David.
"Ciara, can we talk?" sabi niya.
"Like what?" sagot ko.
"Bakit ka ba galit na galit sa amin ni mommy. May nagawa ba kaming mali sa'yo?" sabi niya.
"Yes. Hindi ko kayo tanggap para maging kapatid ko at maging asawa ng daddy ko" sabi ko.
"Why?" tanong niya.
"I just don't trust you guys. Anyway, pwede ka bang lumabas na? I'm tired" sabi ko.
Jared's POV
One week na lang ay pasukan na sa school.
Kaya ito si mommy sinamahan ako sa mall para bumili ng mga gamit ko for school.
Gusto ni daddy mag condo sana ako malapit sa school kaso sinabi ko na mag uuwian na lang ako.
Nabili ko na lahat ng mga kailangan ko kaya nag aya na lang ako na kumain muna kami bago kami umuwi.
After one week..
Andito na ako ngayon sa classroom.
Medyo napaaga ang pasok ko.
Unti unti ng dumadating ang mga classmates ko.
Teka, si ms humor 'to ah? Ayy si Aubrey pala.
"Uy Aubrey, classmate pala kita" bati ko kay Aubrey.
"Oh hi. May katabi ka na ba?" tanong niya.
"Wala pa. Tara upo ka" sabi ko.
Dumating na 'yung professor namin.
May tumatakbo papasok ng room namin.
Si Ciara pala.
Nung nakita kami ni Aubrey ay biglang sumimangot.
"Alis d'yan" sabi ni Ciara kay Aubrey.
"Bakit naman ako aalis? Kanina pa ako nakaupo dito" sabi ni Aubrey.
"Because that's my seat" sabi ni Ciara.
"Wala namang pangalan 'yung upuan. So, hindi sa'yo" sagot ni Ciara.
"Miss, dito ka na lang umupo. Vacant pa naman sa harapan" sabi ni professor.
Wow. First day pa lang pakiramdam ko ang daming mangyayari ah.
Goodluck to us.
YOU ARE READING
Break Away
Fiction généraleI was born in a wealthy family. Is fixed marriage really exist?
