Aubrey's POV
"Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa hinahanap si Shannel" sabi ni mamang.
Nakita ni mamang ang pinamili namin.
"Wag mo sabihin lahat 'yan kay Aubrey?" tanong niya.
"Yes mamang. Matagal ko na siyang pinupuntirya mag suot ng girly outfits so ayan binilhan ko siya. Sa tagal ko ng katrabaho si Aubrey, never ko pa siya nakitang nag suot ng pambabae" paliwanag ni Shannel.
"Osya osya, hanap ka ni direk kanina pa. Sinabi ko na lang na lumabas kayo ni Aubrey" sabi ni mamang.
"Ok. Got to go. Suotin mo 'yan Aubrey ha? I want you to wear that tomorrow, ok?" sabi ni Shannel.
"Hehe. Sige. Thank you ulit" sabi ko.
Pagpasok ko sa room na pinagstayan namin sa hotel ay agad kong inayos ang pinamili namin ni Shannel.
Susuotin ko ba talaga 'to?
Hindi naman siya sexy clothes katulad ng kay Shannel pero nakakapanibago lang.
Sanay kasi ako sa baggy pants, oversized shirts at sneakers.
Now, i'm gonna wear skirts, crop top and boots.
Problema ko pa 'yung make up.
Nag try ako manood sa youtube ng mga make up tutorial at sinubukan kong gayahin.
"Uugghhh!!!" ang hirap naman magkilay. Nagmumukha akong betty la fea. Yes po, opo. May braces and bangs ako.
Kinabukasan..
Suot suot ko na ang binigay ni Shannel.
"Asan si Aubrey? Kanina ko pa hinahanap" sabi ni direk.
Pumunta ako sa pwesto no direk.
"Miss, outsiders are not allowed here" sabi ni direk.
"Ahh, direk.." naputol ang sasabihin ko ng nagsalita si direk.
"Asan na ba si Aubrey?" tanong ulit ni direk.
"Direk. Ako po si Aubrey" sabi ko.
"Pinagloloko mo ba ako? Ang ganda mo para maging Aubrey" sabi ni direk.
Naka baggy pants ako pero crop top ang pantaas ko naka wave ang hair ko at naka light make up ako.
"Direk, that's Aubrey" sabi ni Shannel.
"What?? Is that true? Ang ganda mo 'day!!! Sana noon ka pa nag ayos jusko!!!" sabi ni direk.
"Salamat po. Napilit lang po ako ni Shannel mag suot ng ganito" sabi ko.
"Good for you. You better wear that. Ang ganda mo talaga i swear. But of course, suotin mo kung saan ka kumportable" sabi ni direk.
"Yes direk" napansin siguro ni direk na panay hila ko ng pantaas ko na damit.
Crop top nga diba. Tas hila ka ng hila Aubrey.
Nagsimula na ang shooting ulit.
After ng shoot ay tinawag ako ni direk.
"Aubrey, gusto mo ba magmodel?" tanong ni direk.
"Hindi po ako marunong mag model direk" sabi ko.
"Sila naman magtuturo sa'yo pa'no mag posing posing e. Ang tangkad mo pa naman, sexy, maganda di sila lugi sa'yo" sabi ni direk.
"S-sige po" sabi ko.
"Ibigay ko na lang contact number mo sa mga kakilala ko. Dagdag kita 'yun. Baka one of this days maging artista ka na din" sabi ni direk.
"Naku direk, hindi ko po pinangarap maging artista. Ok na po ako makapag trabaho behind the camera po" sabi ko.
"Malalaman natin 'yan Aubrey. I'm happy kasi babae ka na hahaha" sabi niya.
"Direk naman e. Babae naman talaga ako hahaha!" sabi ko.
Bumalik na kami ng hotel at nag ayaan na mag dinner.
"Aubrey, marunong ka na mag make up ha?" sabi ni Shannel. Nakiupo sa pwesto namin ni direk.
"Ahh oo, kagabi nanood ako ng mga tutorials. Hirap na hirap ako lalo na sa pagkikilay" reklamo ko.
"Hahaha. That's one thing na nahirapan din ako before but now easy na lang" sabi ni Shannel.
"Ganda ng outfit mo today. Bumagay 'yung usual baggy pants mo sa crop top na binili natin kahapon" sabi niya.
"Ah oo hehe. Hindi ko pa keri 'yung tube e. Siguro hahanapan ko muna ng pang patong dun hehe" sabi ko.
"Ahh 'yung tube ba. You can pair it with jacket na maong" sabi niya.
"Oo sana kaso pag uwi ko na lang sa Pinas alam ko meron ako dun hehe" sabi ko.
Nagsimula na kami kumain lahat.
Busog din. Buong araw din kami nag shoot dahil bukas ay uuwi na din kami sa Pinas. Finally!!!
I MISS MY BEEDDDD!!!
May narinig akong nag doorbell sa room ko.
Si Shannel pala.
"Here" sabi niya. May inabot siyang paper bag.
"I can't sleep if i don't buy it. Para may masuot ka na" sabi niya.
"Hala. Nakakahiya na Shannel" sabi ko.
"Mas nakakahiya if tatanggihan mo" sabay kindat ni Shannel.
"Thank you ha. Suotin ko pag uwi natin" sabi ko.
Alright, may susuotin na ako bukas.
YOU ARE READING
Break Away
General FictionI was born in a wealthy family. Is fixed marriage really exist?
