Aubrey's POV
Today ang shooting ng MV ng Almost Paradise.
Excited na ako.
"Okay, let's start na po. Pwesto na po tayo" sabi ko.
Nag reready na kaming lahat ng dumating si Ciara.
"Oh, timing! Hello guys. I brought some food for sure gugutumin kayo" sabi ni Ciara.
"Oh Aubrey, you're here" sabay irap sa akin.
"Start na tayo guys. Pwesto na" sabi ko sa lima at sa mga back up dancers.
Nagsimula ng mag shoot ang lima.
"Wait wait! Ang pangit naman! Dapat ifocus kay Jared!" sigaw ni Ciara.
"Excuse me? I am the creative director here. Wala kang karapatan mag sita kung ano man ang shinushoot namin. Kung may mali man sa shoot namin, kami kami lang ang pwedeng mag salita at magbigay ng opinion. Outsider ka lang. Anyway, outsiders like you are not allowed here" sabi ko.
"I am Jared's fiance" sabi niya.
"You are just a fiance. You are not an employee" sabi ko.
"Jared, palabasin mo na si Ciara. Hindi tayo matatapos sa shoot natin" utos ni Paul kay Jared.
"Nah. Kaya kong umalis" at lumabas na si Ciara sa shooting site.
"Ok ka lang?" tanong ni Jared.
"Oo ok lang. Nabwisit lang ako sa kanya. Ang init init na nga mangingialam pa" reklamo ko.
"Inom ka muna" binigyan ako ni Jared ng tubig.
"Salamat" ininom ko na 'yung tubig para kumalma ako.
Nagsimula na ulit ang shooting namin.
Mahaba haba din ang shinoot namin. Dahil mainit kailangan namin magpahinga.
Inabot na kami ng gabi sa shoot.
"And that's a wrap!" sigaw ko.
"Thank you everyone. Sir Gino, paki message ako pag ok na po ang video. Ligpit ligpit na" sabi ko.
"Hatid na kita?" aya ni Jared sa akin.
"Ah. S-sige. Kung ok lang sa'yo hehe" sabi ko.
"Oo naman. Kunin ko lang gamit ko. Ok na ba gamit mo?" tumango na lang ako.
Nasa sasakyan na kami ngayon.
"Sa linggo may event pala kayong pupuntahan" paalala ko sa kanya.
"Yes. Sumama ka ah?" sabi ni Jared.
"Oo naman. Gusto ko din makinood" sabi ko.
Ciara's POV
I'm at the event.
I have full access sa event. You know, connections.
"Hello guys. Welcome" sabi ko sa lima.
Lumingon ako kay Aubrey para sirain ang mood niya.
"Bago ka pa magsalita, i have full access sa event" sabi ko.
Nag roll ng eyes at umalis papuntang room ng lima.
Sumunod naman ang lima.
"Jared, can i talk to you?" tanong ko kay Jared.
"Ano na naman?" sagot niya.
"Na naman? Ngayon pa lang kita kakausapin" sabi ko.
"May event kami ngayon. Mag soundcheck pa kami" sabi niya.
"Saglit lang 'to" nilabas ko ang invitation namin sa kasal.
"Here. Gawa na ang invitation. Remind lang kita na next month na ang kasal natin. Kailangan mo na magpasukat. Pati mga sponsors, bridesmaids..." naputol na ang sasabihin ko ng nagsalita si Jared.
"I'm not interested" at pumasok na sa room.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
Alam ko naman na hindi ako mahal ni Jared but why am i still being pushy to him?
I'm quite feel sad.
Hindi ba talaga ako importante sa buhay ni Jared?
Hindi ko namalayan ay umiiyak na pala ako.
"Hello ma'am, ok lang po kayo?" tanong sakin ng isang staff sa event.
"Ah. Yeah yeah, thank you" pinunasan ko na ang luha ko.
Hindi pwede 'to.
Nagsimula na ang soundcheck nila.
Umupo lang ako at nakinig.
Bago pa magsimula ang event ay kinausap ko ang coordinator at host.
"Hello. I'm Ciara Mendoza of Mendoza Group. May papakiusap lang ako, may iaannounce lang sana ako. Kung ok lang?" sabi ko.
"Sure ma'am. Now na po ba?" tanong niya.
"Mamaya po sana. Pag tapos kumanta ng Almost Paradise. 'Wag niyo po muna sila pababain" sabi ko.
"Ah sige po. Mukhang may pa surprise po kayo ah. Sige ma'am noted po" sabi ng coordinator.
"Thank you ah miss Janica" sabay tingin sa ID niya.
Nagsimula na ang event at hinihintay ko lang na kumanta sila Jared.
After 2 hours ay sila ang mag peperform.
Naghintay lang ako ng pagkakataon na umakyat sa stage.
"Ma'am, akyat na po kayo" sabi ng coordinator.
Nakita kong nagtataka ang lima kung bakit ako nasa stage at hindi pa sila pinapababa.
"Why you're here?" tanong ni Jared.
"Relax ka lang" sagot ko.
Humarap na ako sa audience.
"Hello everyone, i am Ciara Mendoza of Mendoza Group. I have an exciting announcement to say. Me and Jared are getting married by next month. You are all invited" sabi ko.
"Ciara!" habang hawak hawak ako ni Jared sa braso.
"Oh, my fiance! Ayaw kasi ipaalam ni Jared ang wedding namin kaso gusto ko ishare sa inyong lahat. I know you will still support Jared kahit ikakasal na siya 'di ba?" tanong ko sa audience.
Sumagot naman sila ng "yes".
Tumingin ako kung nasaan si Aubrey.
Nginitian ko lang siya ng mapang asar.
I won Aubrey.
Mainis ka lang. Jared is mine.
YOU ARE READING
Break Away
Художественная прозаI was born in a wealthy family. Is fixed marriage really exist?
