Chapter 22 - Hopeless

3 0 0
                                        

Aubrey's POV

Ilang araw na ang nakalipas pero parang kahapon lang ang nangyari.

Nag browse na lang ako ng facebook ko.

"Jared De Leon of Almost Paradise and Ciara Mendoza of Mendoza Group are getting married"

Sa 'di ko inaasahan ay biglang pumatak ang luha ko.

Bakit ako umiiyak?

Bakit ako affected?

Hindi naman ako dapat makaramdam nito.

Nag message ako kay Jared.

Congratulations Jared. Tuloy na pala ang kasal niyo ni Ciara.

**erase**

Congratulations Jared. Invited ba ako? HAHAHA.

**erase**

Congratulations Jared.

Ito na lang siguro.

"Anak, kakain na. Nakapaghain na ako ng pagkain sa mesa" sabi ni mama.

"Ma, wala po akong gana. Magpapahinga po muna ako" sabi ko.

"May problema ba anak? Pwede ka mag kwento sa akin. Pero kung hindi ka pa ready mag kwento, ok lang anak. Andito lang ako" sabi ni mama.

"Thank you ma" sabi ko.

Lumabas na si mama ng kwarto ko.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko.

Humiga na lang ako ulit sa kama ko.

Nag browse na lang ako ng pictures namin nung college.

Palihim kong kinukuhanan ng picture si Jared.

Ang saya niya dito.

Pero ever since, he never treated me like a woman. Dahil siguro sa pananamit ko.

Naalala ko na naman ang news about Ciara and Jared's wedding.

Matulog na lang muna ako.

Jared's POV

"Dad, kalat na sa news na ikakasal ako kay Ciara. Akala ko ba naiintindihan niyo ako?" sabi ko kay daddy.

"Yes anak. Kinausap ko si Mr. Mendoza kaso ayaw niya pumayag na icancel ang kasal niyo ni Ciara. Ipupull out niya lahat ng shares niya sa company natin kapag hindi natuloy ang kasal niyo ni Ciara" sabi ni dad.

"Dad, ganu'n ba kaimportante ang shares ni Mr. Mendoza kaysa sa anak niyo? Dad, ayaw ko makasal kay Ciara" sabi ko.

"I know Jared. Pero kung mawawala ang shares ni Mr. Mendoza babagsak ang kumpanya natin" sabi ni dad.

"What? Hindi ba madami kayong shareholder?" tanong ko.

"Yes. Pero si Mr. Mendoza ang may pinakamalaking shares sa kanila" sabi ni dad.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Akyat na po ako dad" sabi ko.

Nag ayos na lang ako ng gamit ko.

Nag shower na din ako at naisip kong matulog na lang ng maaga.

Nakatulog na ako.

Wait, nagriring ba phone ko?

Kinapa ko na lang ang phone ko at ayaw ko pa dumilat.

"Hello?.. hello?" sabi ko.

Walang sumasagot.

Teka may naririnig akong naghihilik.

Dumilat na ako para makita ko kung sino ang tumawag sa akin.

Aubrey?

Namali lang ba 'to ng pindot?

Pinakinggan ko na lang ang pag hilik niya.

30 minutes na ata 'tong call namin.

Is she tired?

Nag browse na lang ako sa phone ko habang naka call pa din kami ni Aubrey.

Nag message pala si Aubrey?

Congratulations Jared.

Wait. Pati siya nabasa niya na din ang announcement sa balita.

Hays.

Break AwayWhere stories live. Discover now