Chapter 5 - Lies

3 0 0
                                        

After 1 week..

Ciara's POV

As long as i want to wear sexy clothes going to school, isipin ko na lang nasa Pinas ako.

Nakaready na ako and i'm waiting for Jared to pick me up.

Actually ok na 'yung paa ko but i'd like to act na hindi pa din ok para alalayan pa din ako ni Jared. Hihi.

Nakarating na din si Jared.

"Ciara, sure ka ba na mag eenroll na tayo? Hindi pa magaling paa mo" sabi ni Jared.

"One week na din kasi at baka maubusan na tayo ng slots. Aalalayan mo naman ako 'di ba?" sabi ko.

Say yes please.

"Yeah, sure. Wala naman tayo ibang kasama e. So ako lang" sabi niya.

Inalalayan niya ako papasok ng sasakyan niya.

"Careful" sabi niya habang hawak hawak niya ako.

Naamoy ko ulit ang pabango niya.

Hindi ba marunong pagpawisan 'tong si Jared? Parang walang pores e.

Nasa byahe na kami papuntang school.

"Anong course pala kukunin mo?" tanong ko.

"Multimedia Arts" sagot niya.

"Really? Same pala tayo?" actually hindi 'yun ang course ko. Pero dahil 'yun ang kukunin niya, so 'yun na lang din akin hihi.

Nakababa na kami ng sasakyan.

"Tara doon 'yung registrar's office" sabi ni Jared.

Aubrey's POV

Andito ako ngayon sa De La Salle. Isa akong scholar. Buti nga at nakapasa ako para maging scholar. Hindi ko afford dito sa school na 'to pero pangarap ko makapag aral dito. Ako nagpapaaral sa sarili ko.

Habang naglalakad ako ay binabasa ko 'yung nakasulat sa papel na hawak hawak ko. Map kasi 'yun sa buong campus.

Saan ba kasi dito 'yung registrar's office?

Hindi ko namalayan ay may nakabunggo ako.

"Oh sorry!" sabi ko.

"WHAT THE HELL?!" natumba 'yung babae.

Aalalayan ko sana siya kaso tumayo na siya mag isa at bigla akong sinampal.

Malakas 'yun ah.

Gaganti na sana ako kaso inawat na siya ng kasama niya.

"Ciara, magaling na paa mo?" tanong ng lalaki.

"Ha? No! Masakit pa nga e. Ito kasing lalaki na 'to eh. Nangbubunggo! Hindi tumitingin sa dinadaanan!" sabi niya.

Wow. Mukhang alam ko na nangyayari. Lalaki? Ako?

"Miss, hindi bagay sa'yo maging best actress. Mag workshop ka muna. Bye!" pang asar na ngiti at umalis na ako.

Wahahaha. Pinahiya mo ko? Pahihiyain din kita bwahaha.

Sabi ng nanay ko 'wag daw ako papaapi sa mga mayayaman!

Jared's POV

"Ciara, are you lying?" tanong ko.

Ok na ang paa ni Ciara.

"J-jared, let me explain" sabi niya.

"Nothing to explain, kaya mo naman na siguro mag isa mag enroll, andun 'yung registrar's office. Mauna ka na. I'm waiting for my friend" sabi ko. Kahit wala naman talaga akong hihintayin na kaibigan ko.

Bigla siyang nag walk out at nagpunta na sa registrar's office.

Andito ako ngayon sa library para maglibang muna bago ako mag enroll.

Nagtingin tingin na ako ng libro na babasahin ko.

Paglingon ko sa kanan ko, teka ito 'yung lalaki kanina ah? Matangkad ba ako o maliit lang talaga siya?

Approach ko ba?

Hindi na lang. Wala naman ako sasabihin e.

Kukunin ko na sana ang librong babasahin ko pero sabay namin kinuha ang libro.

"Ah ako nauna sir" sabi niya.

"Ako nauna kaya. Kanina pa ko nakatayo dito" paliwanag ko.

"Yeah, nakatayo ka lang pero hindi mo naman kinukuha 'yung libro. Teka... ikaw 'yung kasama nung spoiled brat kanina ah? Ano? Inindian mo na ba? Hiwalayan mo na" teka teka. Natatawa ako.

"HAHAHAHA! galit na galit ka pre ah. Hindi ko siya girlfriend. Hindi ko din siya friend. She's just a daughter's business partner of my dad" paliwanag ko.

"Ahh.. pero makalingkis sa'yo ha? May lahi ba 'yung tuko?" sabi niya.

"Hahahaha! Siguro sa past life niya? Hahahaha. Anyway, i have to go. Sa'yo na 'yang libro. Mag eenroll na ako. See you around pre" sabi ko.

Nagpaalam na ako kasi baka tapos na si Ciara pwede na ako mag enroll.

Bahala siya umuwi mag isa.

Hindi ko natanong ang pangalan nung lalaki kanina.

Makakasalubong ko naman siguro dito ulit 'yun.

Break AwayWhere stories live. Discover now