Aubrey's POV
Dis oras na ng gabi may nagdoorbell pa.
As usual lasing na naman ako.
May inorder ba akong pagkain?
Baka 'di ko lang maalala dahil lasing ako.
Pagbukas ko ng pinto ay si Jared ang bumungad.
"J-jared, ikaw ba 'yan?" tanong ko.
"Aubrey!" sagot niya.
Tinulak ko siya.
"Hindi ikaw si Jared! Bakit naman ako pupuntahan nung Jared na 'yun! Busy na 'yun sa Ciara niya! Lumayas ka dito! Nagpapanggap ka pa na Jared!" sigaw ko.
"Aubrey, si Jared 'to" sabi niya.
Tinitigan ko siya maigi.
Kaso malabo na talaga paningin ko kaya lumapit pa ako ng mabuti.
"Umiinom ka ba?" tanong niya.
Hindi ako sumagot at tinitigan ko maigi ang mukha niya.
"J-jared, ikaw ba talaga 'yan?" tanong ko ulit.
"Ako nga 'to Aubrey" at bigla niya akong hinalikan.
"Bastos!" tinulak ko siya.
Papasok na sana ako ng kwarto pero hinila niya ako.
"Kahapon pa ako hanap ng hanap sa'yo. Pumunta ako sa inyo pero sabi ni tita nasa Batangas ka daw" sabi ni Jared.
"N-nag bakasyon lang naman ako" sagot ko.
"Hindi kita matawagan" sabi niya.
"Lobat ang phone ko. Hindi ko nadala 'yung charger ko" sagot ko.
"Bakit ka ba ganyan Aubrey. Bakit mo ba ako binabaliw?" sabi niya.
"Ha? Mukha ka namang normal" sagot ko.
"Aubreyyyy!!!" tinulak ako ni Jared papasok ng kwarto ko.
Nakatitig lang siya sa akin.
"No. I won't do it" niyakap lang niya ako.
"I'm sorry kung bakit ganito nangyayari" sabi niya.
Niyakap ko na lang din siya.
"Kailan uwi mo?" tanong ko.
"Baka sa sunod pa na araw. Wala naman schedule 'di ba?" tanong ko.
"Bakit sakin mo tinatanong?" tanong niya din.
"Ikaw ang isa sa boss ko 'no" sagot ko.
"Pa'no mo nalaman na andito ako?" tanong ko.
"Inisa isa ko kaya lahat ng resort dito sa Batangas" sagot niya.
"Ha? Nakakapagod 'yun. Sorry Jared ah. Naiwan ko kasi talaga 'yung charger ko" sagot ko.
"Nahanap naman na kita e" sabi niya.
"Kumain ka na ba? Oorder muna ako pagkain" sabi ko.
"Actually hindi pa nga ako kumakain buong araw e" sagot niya.
"Pasaway ka ah!" pinalo ko nga siya.
"Nagpapalipas ka ah! Halika punta tayo sa restaurant, bukas pa naman 'yun" sabi ko.
Pasaway 'tong si Jared.
"Order ka na" sabi ko.
"Ikaw na pumili. Kain ka din ah?" sabi niya.
"Oo na" sagot ko.
Tinawag ko na ang waiter para kunin ang order ko.
"Isa pong sisig, 2 rice, sinigang na baboy, 2 pineapple juice" sabi ko sa waiter.
"Mahilig ka pala sa sisig" sabi ni Jared.
"Ah oo. Madalas ko 'tong lutuin sa bahay. Gusto mo ba matikman luto ko?" sabi ko.
"Baka may iba kang pinagluluto ng sisig mo" sabi niya.
"Si mama? Ibang tao ba 'yun?" sagot ko.
Dumating na din ang order namin.
"Bakit 'di ka kumukuha ng sisig? Masarap luto nila dito" sabi ko.
"Ayaw ko niyan. Ok na ako dito sa sinigang" sabi niya.
"Tikman mo na kasi" pangungulit ko sa kanya.
"Oh di ba masarap?" sabi ko.
"Ayaw ko pa din ng sisig hmp!" sagot niya.
Kumain na lang kami dahil gutom na nga daw siya.
"Nabusog ka ba?" tanong ko.
"Oo naman. 'Wag lang don sa sisig na 'yun" sabi niya.
"Masarap naman ah? Hindi mo ba type?" tanong ko.
"Ikaw lang type ko" sagot niya.
Hahampasin ko sana kaso tumakbo ang loko.
Gusto pa magpahabol ah. Runner ata 'to!
"Jared lagot ka sa'kin!" sigaw ko.
"Kung mahabol mo ako HAHAHAHA" sagot niya.
Pagod na ako tumakbo. Bakit ang bilis tumakbo nitong higante na 'to.
"Pagod na ako Jared! Ayaw ko na" sabi ko.
Lumapit siya sa akin.
"Yari ka sa'kin! HAHAHAHA" sabay hampas ko sa kanya.
"Cheater!!" sabi niya.
Bumalik na kami sa kwarto.
Nakaramdam na din ako ng antok.
"Uuwi ka pa ba?" tanong ko.
"I can stay here if you want" sagot niya.
Ngumiti lang ako.
"Tulog na tayo?" tanong ko.
"Oo, sleep na tayo" sagot niya.
"Goodnight Jared" sabi ko.
"Goodnight Aubrey. I love you" at hinalikan niya ang noo ko.
Yakap yakap ko siya hanggang sa mkaatulog ako.
Sana hindi 'to panaginip.

YOU ARE READING
Break Away
General FictionI was born in a wealthy family. Is fixed marriage really exist?