Ciara's POV
Nakakabadtrip!!! Ugghh!!!
"Tito Jose, next time ko na lang ipapakita 'yung wedding gown ko. I need to go somewhere" paalam ko.
"Ok Ciara" sabi ni tito Jose.
Humanda ka sa aking babae ka.
Umuwi ako para isumbong si Jared sa daddy ko.
"DAAAAADDD!!!" sigaw ko.
"Ciara! Bakit ka sumisigaw?" sabi ni daddy.
"Jared has a new girlfriend" sabi ko.
"And so? Ikaw naman ang fiance. For sure, Mr. De Leon will still choose you after all sa mga itinulong ko sa business nila" sabi ni daddy.
"But dad, she's competitive. Sinagot sagot ako kanina in front of Jared" sabi ko.
"Papasundan ko 'yan si Jared sa tauhan ko. Ako bahala. Matutuloy ang kasal niyo" sabi ni daddy.
"Thanks dad" at pumunta na ako sa kwarto ko.
Now, let's see kung hanggang saan ang tapang mong babae ka.
Jared's POV
Nasa byahe na kami ni Aubrey paglingon ko sa kanya ay nakatulog pala 'to agad.
Ibababa ko sana ang sandalan niya kaso bigla siyang nagising.
"A-anong ginagawa mo?" tanong ni Aubrey.
"Ahh.. aayusin ko sana upuan mo para makahiga ka ng maayos" sabi ko.
"Ok lang. Sorry nakatulog ako. Saan na tayo?" tanong niya.
"Nasa inyo na tayo" sabi ko.
"Ay hala. Kanina pa ba tayo dito?" tanong niya.
"Hmm. Oo, mga 2 hours na siguro" sagot ko.
"Hala nakakahiya 'di mo ko ginising" sabi niya.
"I tried to kaso hindi ka magising kaya hinintay na lang kita magising" sabi ko.
"S-sige salamat. Message mo na lang ako kapag need mo ng help ko ha. Oo nga pala, baka gusto mo mag lunch muna?" tanong ni Aubrey.
"Busog pa naman ako thanks na lang" sabi ko. Pero ang totoo medyo gutom na nga ako.
"Tara na Jared. Para ka namang others e" sabi niya.
Pumayag na din ako na maki lunch kina Aubrey.
"Oh Aubrey, sino 'tong pogi na kasama mo ha?" tanong ng babae. Kahawig ni Aubrey.
"Ah, si Jared ma. Classmate ko nung college. 'Yung kinukwento ko sa inyo noon" sabi ni Aubrey. Ano naman kaya kinukwento nito?
"Ah siya pala. Pogi ah. Tara kain na tayo. Nakapag luto na ako ng sinigang na baboy" sabi ng mama ni Aubrey.
"Sige po. Salamat po" sabi ko.
"Tawagin mo na lang akong tita Vicky" sabi niya.
"Sige po tita Vicky" sabi ko ulit.
Nagsandok na ng pagkain si Aubrey.
Sumabay na din ang mama niya sa pagkain.
"Kain lang ng kain ha. Specialty ko 'yang sinigang. Sana magustuhan mo" sabi ni tita.
"Naku Jared, pag natikman mo ang sinigang ni mama, mapapakanta ka na lang ng MOONLIGHT ng SB19. Doing what we do in the moonlight lalalala" with matching sayaw sayaw pa si Aubrey.
Nabuga ko 'yung unang subo ko ng kanin.
"Uy Jared ok ka lang ba?" tanong ni Aubrey habang hinihimas himas ang likuran ko.
"Ah oo ok lang ako. Natawa kasi ako sa sayaw mo" sabi ko.
"Hoy grabe ka naman. Idol ko mga 'yun ah" sabi niya.
Kumain na lang kami ng tahimik. Buti nakamove on na ako sa pag sayaw ni Aubrey.
Nang makatapos na ako kumain ay nagpasalamat ako kay tita.
"Thank you po sa masarap na pagkain" sabi ko.
"Balik ka lang dito sa bahay para mapagluto kita ng masarap na pagkain" sabi ni tita.
Nililigpit ko na 'yung pinagkainan ko.
"Akin na Jared. Ako na magliligpit. Bisita ka dito e" sabi ni Aubrey.
"Tulungan na kita" sabi ko.
Uminom muna ng tubig si Aubrey.
"Teka nga, mag jowa ba kayo ng anak ko?" tanong ni tita at sa di ko inaasahang mangyayari.
Nabugahan ako ng tubig sa mukha ni Aubrey.
"Sorry sorry" habang pinupunasan ako ni Aubrey ng tissue sa mukha ko.
"Ako na.. ako na.." sabi ko. Pero pilit pa din pinupunasan ni Aubrey ang mukha ko.
Nahawakan ko ang kamay niya.
"S-sige, ikaw na nga.. " sabay abot sakin ni Aubrey ng tissue.
"Bagay kayo" sabi ni tita.
"Ma naman. Magkaibigan lang kami" depensa ni Aubrey.
"Sus. In denial pa. Pinagdaanan ko na din 'yan Aubrey" sabi ni tita.
"Ma!!!" sabi ni Aubrey.
"Osya, akyat na ako sa kwarto ko. Kayo muna dito" sabi ni tita.
"Ah Aubrey.. mauna na din ako. Bukas kasi debut na namin sa grupo. Kailangan ko pa maghanda" paalam ko.
"Oh talaga? Sige goodluck ha. Ingat ka pag uwi" sabi ni Aubrey.
"Punta ka ah?" sabi ko.
"Sure" sagot ni Aubrey.
At umalis na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/367657560-288-k444688.jpg)
YOU ARE READING
Break Away
Aktuelle LiteraturI was born in a wealthy family. Is fixed marriage really exist?