CHAPTER 1

491 36 19
                                    

"Good morning sir," ang bati ni Atlas sa kaniyang hepe nang patuluyin na siya nito sa loob ng opisina nito.

"Carberry, maupo ka," ang sabi nito sa kaniya. At saka nito itinuro ang isang silyang nasa tabi ng mesa nitong puno rin ng mga papel na kailangan nitong basahin.

"Thank you, sir." ang kaniyag sagot pagkaupo niya sa silya.

"It's really good to see you healthy again, malakas na parang hindi ka nag-agaw buhay." Ang sabi nito sa kaniya. "How are you feeling right now?"

"I am not yet fully recovered sir... I'm still taking my meds religiously but...like what you've said...I am far from being almost dead."

Tumango ang ulo ng kaniyang hepe, "it was like so long ago...pero...halos tatlong linggo pa lang ang nakalipas?"

"Opo halos, mag-iisang buwan na rin." ang kaniyang sagot.

"Well, I am happy to see that you are getting better."

"Thank you, sir."

"We're a little crammed here, sana maaprubahan na...na...mapalaki ang station natin," ang sabi nito. "Anyway, bakit...dinalaw mo ako ngayon? Oh nga pala...bakit hindi ikaw ang kumuha ng case ng killings sa mga babae? Hindi ka ba ulit...nakontak about it yesterday?" ang tanong nito sa kaniya.

Hindi ulit nakontak. At ngayon niya napagtanto kung bakit hindi siya nakontak nang gabing pinuntahan siya ni doctor Crime at nasa kaniyang bahay si Lorelei. She turned off his phone.

"Uhm, hindi po sir, nakausap ko po si detective Gaspar," ang kaniyang sagot. "Hindi ko na po...tinanggap ang case."

Kumunot ang noo ng kaniyang hepe, "why? May ibang case ka ba na hawak?"

"Uhm no sir," ang kaniyang sagot kasunod ng pag-iling, "actually that's the reason why I am here...I am going to submit my resignation letter." Saka niya inilapag ang envelope na naglalaman ng kaniyang inihandang resignation letter.

Pinagmasdan iyun ng kaniyang hepe ngunit hindi nito dinampot ang envelope. Nanatili lang na nakatingin ito sa kulay brown na manila envelope na nakalapag sa ibabaw ng makintab nitong crowded na lamesa.

"What?" ang kunot noo na tanong nito sa kaniya. At mula sa envelope sa mesa ay lumipat ang mga mata nito sa kaniya. And he gave him that confused look in his almost wrinkled eyes.

"Uhm magreresign na po ako." Ang kaniyang pag-uulit.

"But why?" ang muling tanong nito sa kaniya.

Isang mahinang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka siya napakamot ng kaniyang ng mga daliri sa tungki ng kaniyang ilong.

"Uhm sir..." muli siyang napabuntong-hininga at diretso niyang tiningnan ang mga mata ang kaniyang hepe kahit pa nakaramdam siya ng hiya. "I don't see myself fit to serve my duty sir, bilang isang detective."

"Again why?" ang tanong nito sa kaniya, "I'm sorry Carberry pero, all I can say is why...and asks some questions, dahil nalilito talaga ako sa biglaan na resignation mo."

"Like what I have mentioned sir, I don't see myself fit para sa duty na pagiging isang detective, dahil sa...I almost failed sir, na makita ang tunay na may sala...I let my emotions get the best of me...I didn't use my intuition my...knowledge dahil sa...mas inuna ko ang aking personal na buhay kaysa sa aking obligasyon sa aking sinumpaang tungkulin." Ang kaniyang paliwanag. "I let the police force down sir...and kung hindi ko agad natuklasan...baka maraming inosenteng buhay ang nadamay...because I misinterpreted my intuition, I tried to denied the truth even it was being slapped into my face."

DIAMOND KNOT  Detective Atlas Carberry  book 2 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon