"Pa? anong...anong sinasabi mo?" ang tanong ni Colby sa ama nito habang hawak ng isang kasama niyang pulis ang mga pulsuhan ni Colby sa likuran nito.
Umiwas ng tingin si Luis sa anak. Tila ba ayaw nitong makita ang mga nagtatanong na mata ng anak na si Colby.
"Pa?!" ang sigaw nito sa ama. At saka ito pilit na nagpumiglas.
"Walang kasalanan ang anak ko detective Carberry," ang sambit ni Luis at sa halip na tingnan ang anak ay ang siya ang tiningnan nito sa kaniyang mga mata. "Puwede bang...sa ibang lugar mo na lang ako kausapin? Hindi mo na kailangan na iposas ako...hindi ako manlalaban o tatakas."
"Pa...pa? anong sinasabi mo?!" ang naguguluhan na tanong ni Colby. "Bitiwan niyo nga ako! Bakit ba hinuli ninyo ako?!" ang tanong naman nito sa kanila.
Tumango ang kaniyang ulo. "Pero kailangan ko pa ring makausap si Colby...tungkol sa nakunan ng CCTV camera sa bahay ni Sunshine." Ang sabi niya kay Luis. Narinig niya ang pagsingasing nito.
"Hindi ko akalain na sa kabila nang pagtanggal ko sa camera at pagtatapon nito ay...nakita mo pa rin ang anak ko sa camera." ang hindi makapaniwala na sagot ni Luis sa kaniya.
"It was stored in a cloud." Ang sagot niya. at tanging pagkunot lang ng noo ang isinagot sa kaniya ng mas matandang Tilon.
Nagtaas ang dalawang kilay nito at saka ito umiling. "Kung anuman ang nakunan mo sa anak ko, hindi mo nakita na pinatay niya si Sunshine...dahil sa sinabi ko na sa iyo...inosente si Colby...now...sasama ako sa iyo nang maayos pakawalan mo na ang anak ko at ilalahad ko sa iyo ang lahat mula sa simula...mula sa anak kong si Cedrik."
Tumango ang kaniyang ulo. "Okey." Ang matipid niyang sagot at saka niya sinenyasan ang kasamang pulis at inalis na nito ang pagkakahawak sa mga pulsuhan ni Colby na galit na hinila ang mga bisig nito mula sa pagkakawala sa paghahawak ng pulis.
Nagmamadali itong naglakad palapit sa kanila and Colby's eyes glared at him bago nito hinarap ang ama.
"Pa? Anong...anong sinasabi mo na may sala ka?" ang tanong ni Colby sa ama nitong malungkot na ngumiti. Kung titingnan mo ang mukha ni Luis ay hindi mo masasabi na makakagawa ito ng isang kahindik-hindik na krimen.
"Anak...alam mong, kayo lang ang importante sa akin...ikaw, ang mama mo, at si Cedrik...kayo ang mga kayamanan ko...ang aking mga diamante."
"Pa." ang sambit ni Colby at kahit pa masasabing malaki o matanda nang lalaki si Colby ay nakita niya ang pangingilid ng luha sa mga mata nito.
"Colby...ikaw na muna ang mangasiwa rito ha?" ang tanging sagot ni Luis sa anak.
"Pa." ang sagot ni Colby na naluluha na ang mga mata.
"Alagaan mo ang mama mo...mag...mag-uusap tayo," ang dugtong nito at halatang pinipigilan ni Luis na yakapin nang mahigpit ang anak. Ngunit hindi na nito kailangan na pigilan ang sarili dahil si Colby na mismo ang yumakap sa ama nito.
"Pa...hindi ito totoo hindi ba?" ang narinig niyang tanong ni Colby. At sa sandaling iyun ay naramdaman niya kung bakit nag-aalangan si Randy na isuplong si Luis. Hindi naman ito masasabing masamang tao. Nilukuban lamang ito nang maling pamamaraan nang paghihiganti nang dahil sa labis na pagmamahal nito sa anak.
"Anak...mag-uusap tayo." Ang tanging sagot ni Luis na pinigilan na lumuha. Alam niyang nasasaktan ito nang sandaling iyun pero mas pinili nito na itago ang sakit na nararamdaman para sa anak.
BINABASA MO ANG
DIAMOND KNOT Detective Atlas Carberry book 2 (completed)
Mystery / ThrillerFeeling humiliated from his previous case that almost lead to a terror attack. Detective Atlas Carberry decided to return his badge and resign his detective position and leave the police force. For him his lack of judgment almost failed him to see t...