Binawi ni Atlas ang kaniyang mga mata sa mesa at itinulak niya ang pinto sa kaniyang likuran para maglakad papasok at palapit sa mesa ni doctor Vismonte.
"I need to talk to you doctor," ang kaniyang sagot at inilahad niya ang kaniyang kamay para batiin ito. Tinanggap nito ang kaniyang nakalahad na palad at pagkatapos niyang mariin na kamayan ito ay binawi niya ang kaniyang palad.
"Uhm, actually kailangan ko na kasing umalis...may...lakad ako," ang sagot nito sa kaniya.
"This won't take a while." Ang kaniyang sagot at nanatili siyang nakatayo sa harapan ng lamesa nito.
Tiningnan nito ang oras mula sa suot nitong relo. "Gaano katagal?"
"I depends kung gaano mo kabilis sasagutin ang mga tanong ko." Ang kaniyang sagot at diretso niyang tiningnan sa mga mata si doctor Drew Vismonte.
Kumunot ang noo nito and they both stood facing each other for a while, while doctor Drew was contemplating kung kakausapin siya nito o hindi.
"Kung kakausapin mo ako ngayon, hindi na ako babalik pa para makipag-usap na muli." Ang saad niya. At mukhang nagustuhan iyun ni doctor Drew dahil sa nagbuntong-hininga ito at tumango at saka nito itinuro gamit ang kanan nitong palad ang upuan sa tabi sa mesa nito.
He took a seat and he watched doctor Drew also took his seat, at napansin niyang itinulak ng kamay nito sa tabi ang scalpel at ang lanyard.
"Ano iyan doc?" ang patay malisya niyang tanong. As if hindi niya alam kung anong nasa lamesa nito.
"Oh, iyung keychain natastas na yung dulo." Ang sagot nito sa kaniya and doctor Drew held the lanyard and show it to him.
"Inaayos ko." Ang sagot nito.
Kumunot ang kaniyang noo, "inaayos? Hindi ba nakakabili ng ganiyan?" At naisip niya si Randy na nagbebenta ng mga keychain.
Mahina itong natawa at saka ito umiling, "hindi na kailangan, marunong naman akong gumawa nito."
Nanigas ang panga ni Atlas at ramdam niya ng pagkiskisan ng kaniyang mga ngipin. At ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso nang dahil sa kaba ng excitement.
"Madali lang naman ito, mabusisi nga lang." ang sabi nito sa kaniya and without even realizing the implication of what he was demonstrating to him. At pinanuod niya kung paanong binuhol-buhol nito ang tali hanggang sa makabuo ng pabilog na hugis na tila isang diamante. Dinampot ni doctor Drew ang scalpel at gamit ang talim nito ay inalis nito ang ponakadulo ng manipis na tali para luminis tingnan ang buhol.
"That's it." Ang nakangiting sabi nito sa kaniya.
"Puwede ba iyan sa...mas makapal na kaunti na tali?" ang tanong niya.
"Puwede basta hindi makakapal na lubid." Ang sagot nito sa kaniya
"That knot...what do you call that?" ang kaniyang tanong at tiningnan niya ang hawak nitong keychain.
"This?" ang kunot noo nitong tanong sa kaniya.
"Yes...what do you call that?" ang binawi niya ang kaniyang mga mata sa hawak nito at ibinalik niya kay doctor Drew.
"Sailor's knife lanyard knot," ang sagot nito sa kaniya. At kumunot ang kaniyang noo at pilit niyang inalala ang ilan sa mga pangalan ng Diamond Knot.
"Sailor's?
"Sailor's knife lanyard knot," he supplied the name. "Ginagamit ito ng mga namamangka, itinatali sa mga kutsilyo para hindi mawala sa kamay ng mga sailors at madaling bunutin."
BINABASA MO ANG
DIAMOND KNOT Detective Atlas Carberry book 2 (completed)
Mistério / SuspenseFeeling humiliated from his previous case that almost lead to a terror attack. Detective Atlas Carberry decided to return his badge and resign his detective position and leave the police force. For him his lack of judgment almost failed him to see t...