Lumingon si Atlas sa kaniyang likuran at sumulip naman si Colby at sabay nilang tiningnan ang si mang Luis Tilon na ama nito na nasa kaniyang likuran. Hindi niya narinig ang motorsiklo kung saan ito nakasakay. Marahil dahil na rin sa maraming nagdaraanan na mga motorsiklo sa lugar na iyun.
Itinabi nito ang motorsiklong nakita na niya noon sa bahay nito. Iyun ang sinabi nitong motorsiklo ng anak nitong si Cedrik.
"Pa," ang bati ni Colby sa ama nito at napansin niya ang pagtaas ng dalawang kilay nito sa amang si mang Luis na naglalakad palapit sa kanila.
"Magandang hapon po Sir Luis," ang magalang niyang bati na may kasamang pagtango at pag-abot ng kaniyang kamay para sa isang handshake.
"Huwag mo na akong tawaging sir, ikaw naman ilang beses na rin tayong nag-usap." Ang sagot nito sa kaniya at saka nito tinanggap ang kaniyang nakalahad na palad para sa isang handshake.
"Ano iyung tungkol kay Cedrik?" ang tanong nito sa kaniya.
"Gusto niyang makausap si Cedrik," ang mariin na sagot ni Colby at napansin niyang tinitigan nang husto ni Colby ang ama nito.
"Uh ganun ba?" ang sambit nito at saka ito tumingin sa kaniya. "Bakit?"
"Gusto ko lang po na makamusta siya at...makausap din tungkol sa biktima...baka kasi may naikuwento sa kaniya si Hailey like...stalkers? Ex boyfriend?" ang kaniyang sagot.
Tumango ang ulo ni mang Luis at napasulyap ito sa anak na si Colby. "Sige...uh iyun lang ba ang sadya mo kaya ka nagpunta dito?"
Umiling ang kaniyang ulo. "Hindi po may...iba pa po akong gustong malaman...gusto ko pong makausap sa isa pang bagay."
Tumango ang ulo ni Mang Luis. "Sige."
"Mauna na ako pa." Ang sabat ni Colby at mula sa bulsa nito ay nakita niya ang susi ng motorsiklo na hinugot nito sa loob ng harapan na bulsa ng suot nitong maong na pantalon. At hindi nakawala sa kaniyang paningin ang keychain ng susi ng motorsiklo nito.
"Sige ako na ang magla-lock dito." Ang sagot nito sa anak. "Diretso ka na ba sa bahay?" ang tanong ni Mang Luis sa anak na nakasakay na sa motorsiklo nito at hawak ang helmet.
"Daan po muna ako kina Maricel pa." Ang sagot ni Colby at nakita niya ang pagtikom ng mga labi ni Mang Luis. And he was sure that he saw disapproval crossed the older man's face.
"Mag-usap tayo mamaya." Ang sagot ni mang Luis sa anak na si Colby.
Hindi nagsalita si Colby. Isinuot nito ang sariling helemet sa ulo nito at saka nito binuhay ang makina ng motorsiklo at pinatakbo nito ang motorsiklo papalayo sa warehouse. Habang nakasunod ng tingin ang ama nitong si Mang Luis.
Halata sa mukha nito at gawi ang pag-aalala. Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito at saka ito lumingon sa kaniya.
"Malalaki man na sila pero...nag-aalala pa rin tayo." Ang sabi nito sa kaniya na may matipid na ngiti.
Tumango ang kaniyang ulo. "Sa mundo ngayon? Kahit na anong edad ay mag-aalala tayo lalo na sa mga taong...mahal natin." At sa kaniyang sinabi ay sumang-ayon si mang Luis sa pamamagitan ng pagtango ng ulo nito.
"Halika dito tayo," ang sabi ni mang Luis sa kaniya at pumasok sila sa loob ng warehouse. Napansin niya ang mga karton at eskaparate at ang isang malaking whiteboard kung saan may nakasulat na mga pangalan at oras.
"Ilang taon na po ba si Colby?" ang kaniyang usisa.
Inalis nito ang ilang nakakalat na mga kahon, packaging tapes, at cutter sa ibabaw ng mesa. Hinila nito ang dalawang silya at ibinigay ang isa sa kaniya. "Twent-five." Sagot nito bago ito naupo.
BINABASA MO ANG
DIAMOND KNOT Detective Atlas Carberry book 2 (completed)
Mystery / ThrillerFeeling humiliated from his previous case that almost lead to a terror attack. Detective Atlas Carberry decided to return his badge and resign his detective position and leave the police force. For him his lack of judgment almost failed him to see t...