"Patay na si Cedrik?" ang kaniyang pag-uulit na tanong habang nakatuon ang kaniyang mga mata kay doctor Vismonte.
"Si Cedrik Tilon? Patay na, si Cedrik Tilon?" ang kaniyang paninigurado na tanong. Mas lalong kumunot ang noo ni doctor Vismonte sa kaniya.
"You don't have to answer him." Ang sabi ng abugado ni doctor Vismonte rito.
"No it's okey, mukhang naliligaw kasi itong si detective." Ang sabi ni doctor Vismonte sa abugado nito at saka siya nito tiningnan. "Like what I have told you...patay na si Cedrik."
Naalala niya ang mga sinabi ni Luis Tilon sa kaniya. Na nasa ibang bansa si Cedrik, Dubai, doon ito nagtatrabaho at nobya nito si Hailey at magsasama na dapat ang dalawa sa ibang bansa.
"Who told you that Cedrik's alive?" ang tanong ni doctor Vismonte sa kaniya.
Hindi niya iyun sinagot. "Kailan mo siya huling nakasama sa sailing? Si Cedrik?"
"Ugh, matagal nang panahon, bago pa siya magpunta ng ibang bansa...I think that's in Dubai." Ang sagot ni doctor Vismonte sa kaniya.
Dubai...tama nga sa Dubai nga, ang sabi ng kaniyang isipan.
"Paano mo nalaman na...patay na siya?" ang tanong ni Atlas at doon ay muling umatras ang dila nito at hindi na ito nagsalita.
"Hindi kailangan na sagutin ni doctor Vismonte ang tanong mo." Ang sagot sa kaniya ng abugado.
"Si Colby kailan mo huling nakausap?" ang tanong niya. At mula nang itanong niya ang huling tanong niya kay doctor Vismonte ay hindi na ito nagsalita.
"My client's not going to answer any of your questions detective," ang sagot sa kaniya ng abugado nito.
"Alright." Ang kaniyang sagot at saka siya tumayo at dinampot niya ang mga papel at folders sa ibabaw ng kaniyang mesa. "I will have all the time in the world in questioning you...you're detained here."
"What?" ang sambit ni doctor Vismonte and he started to panic. "Anong...anong detained? Ilabas mo ako rito." Ang sabi doctor Vismonte sa abugado nitong hianwakan ang bisig ni doctor Vismonte para pakalmahin ito.
"We are going to do that, kailangan ko lang na magfile ng bail mo," ang narinig niyang sagot ng abugado nito.
"Bail?! Magbail ka na ngayon! Ayoko rito! Ayoko rito!" ang sigaw ni doctor Vismonte habang siya ay inaayos ang kaniyang mga gamit.
"We will...pero kailangan ko pang i-file iyun." Ang sagot ng abugado nito.
"I can't stay here in this... rat hole," ang narinig niyang sabi ni doctor Vismonte sa abugado nito. He started walking towards the door he held the doorknob and turned it. Pulled open the door but before stepping out ay nilingon niya pa muna si doctor Vismonte.
"Good night sleeping on...our bed bunks, and...make sure na may ointment ka para sa kati...maraming surot dito." Ang kaniyang sagot, "well you can record it if you want." At saka siya humakbang palabas ng silid.
Nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakad at ramdam niya ang pag-iinit ng kaniyang mga tenga. Labis ang galit na kaniyang nararamdaman nang sandaling iyun. He felt that he was duped and deceived. Deliberately. By Luis Tilon.
"Anyare?" ang tanong ni Gaspar sa kaniya pagpasok niya ng kanilang opisina. Hindi man siya nakasuot ng neck ties pero ramdam niya na nanikip ang kaniyang leeg. Tila ba sinasakal siya ng collar ng suot niyang polo shirt. H touched and played with the buttons of his shirt na tila ba may ibubukas pa ang bukas nang mga butones.
BINABASA MO ANG
DIAMOND KNOT Detective Atlas Carberry book 2 (completed)
Mistero / ThrillerFeeling humiliated from his previous case that almost lead to a terror attack. Detective Atlas Carberry decided to return his badge and resign his detective position and leave the police force. For him his lack of judgment almost failed him to see t...