CHAPTER 47

359 38 22
                                    

"Anong ibig mong sabihin?" ang tanong niya kay doctor Vismonte. Mukhang unti-unti nang magbubukas ang katotohanan.

Sandaling umiwas ang mga mata nito sa kaniya at saka ito malakas na nagpakawala ng buntong-hininga. "Remember Hailey?"

Tumango ang kaniyang ulo, "up till now hindi ko pa naman siya nakakalimutan, kasama pa ng tatlong biktima."

At sa pagkakataon na iyun ay si doctor Vismonte naman ang tumango. "It was all sex for me, at first... gamitan, my services sa clinic kapalit ng sex." Ang pag-amin nito sa kaniya. "After all, pareho na kami committed, ako sa asawa ko at siya sa sinabi niyang nobyo na nasa ibang bansa."

"Pero habang nagtatagal, kay Hailey unti-unting nahulog ang loob ko, sa mga nakakasex ko sa clinic si Hailey ang... mas nahumaling ako, hanggang sa hindi na lang sana clinic kami nagkikita... patago na rin kaming nagkikita at nagsasama na dalawa out of the metro."

"Nalaman ko na lang na... inaayos na nga niya ang papeles niya dahil sa, pasusunurin na rin siya ng boyfriend niya sa ibang bansa... and... I didn't want that to happen... oo hindi ko pa ring magawa na hiwalayan ang misis ko pero... hindi ko rin kayang mawala siya sa akin." Ang giit nito sa kaniya at sa sandali na iyun ay gusto niyang sapakin sa mukha si doctor Vismonte.

"Sa apat sa kaniya ako nahumaling." Ang dugtong pa nito. "Ang totoo niya, sasabihin ko na lang wala naman na akong dapat pang ipagpasinungaling." Ang sambit nito at isang pilit at malungkot na ngiti ang gumuhit sa mga labi I doctor Vismonte habang nakatitig ang mga mata nito sa pader ng maliit na silid.

Umiling ang ulo nito. "Hindi ko naman talaga mahal ang asawa ko...she just helped me on my my struggles noong nag-aaral pa lang ako, kahit ang business namin ngayon na clinic ay siya ang napundar."

"Ginamit mo siya." Ang kaniyang diretsong sabi rito at hindi ito pagtatanong. He said it truthfully base sa kung ano ang kaniyang nalaman na mula na rin sa bibig nito.

Napakasakim kasi nito sa paraan na gusto nitong makinabang na lang sa lahat. At nakuha pa nito na lokohin ang asawa nitong naging napakabuti pa rin dito sa kabila ng mga kasalanan na ginawa ni doctor Vismonte sa asawa.

"Kaya ginamit ka rin nila," ang kaniya pang dugtong. At bilang sagot ay mabagal na tumango ang ulo nito.

"Gusto ko si Hailey pero hindi ko kayang iwan ang asawa ko at ayaw kong mawala ang isa sa aknila, kaya...nang malaman ko na...aalis na si Hailey ay nagawa kong makontak ang boyfriend niya." Ang pagpapatuloy nito.

"Paano mo nalaman?" ang tanong niya.

"Kay Colby, sa isang ride, nag...nagkita kami at nakita niya si Hailey." Ang sagot nito sa kaniya.

"So alam ni Colby na niloloko ni Hailey ang kuya niya?" ang kaniyang tanong at nagkaroon na naman ng bagong direksiyon ang kaniyang murder investigation.

Umiling ang ulo ni doctor Vismonte, "hindi ko alam, sinabi ko kasi na...kaibigan ko lang siya at ganun din ang paghtanggi ni Hailey, she said na nasiraan ng motor ang kasama niyang babaeng rider at nakiangkas na lang sila sa amin." Ang paliwanag nito at isang malakas na pagsingasing ang kaniyang pinakawalan.

"I doubt he believed that alibi." Ang kaniyang sagot na may pag-iling ng kaniyang ulo.

"I know..." ang mahinang sagot nito at bahagya itong yumukod. "But it looks like...Cedrik doesn't even know anything."

Kumunot ang kaniyang noo. "Go on." Ang utos niya rito para ipagpatuloy nito ang pagtatapat.

"So...iyun na nga...I was...asking her almost pleading her...Hailey na huwag na siyang umalis na...we will take our time at makakakuha na rin ako ng pagkakataon na makakalas sa asawa ko, pero...she only laughed at my face and told me straight na...hindi nito iiwan o hihiwalayan ang nobyo nitong si Cedrik."

DIAMOND KNOT  Detective Atlas Carberry  book 2 (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon